Chapter 4

23 0 0
                                    

Umasa

Pina alis ko muna ang sasakyan nila bago ako pumasok ng bahay. Hanggang ngayon talaga hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari talaga yun. Na hinatid nya talaga ako. Whaaaaa! Jusko Lord, kung panaginip lang ito, huwag Niyo na po akong gisingin. Humaygass. For real?? Si Czar talaga yun? Si Czar na sobrang cold na halos hindi makausap eh hinatid ako? Whaaaa. Ang swerte ko namaaaan.

Kinurot kurot at sinasampal ko na ang sarili ko, totoo talaga eh. Whaaaaaaaa!!! Jusmeeeee.

"FRANZEN GALE VALENTINO!! WALA KA BANG PLANONG PUMASOK?"

Hala! Kanina pa pala ako tulala dito sa labas. Kung hindi pa ako sinigawan ni mama, buong magdamag na siguro ako tulala dito. Hehe.

"Hehe. Sorry ma. Eto na nga po, papasok na."

"Susmaryosep na bata to oh. Saan ka ba kasi nanggaling at ganitong oras ka nakauwi ha?"

"Eh ma. Naisipan kasi namin ni Sienna na manuod ng basketball try outs. Gabi na pala natapos. Hindi ako nakasabay kay Sienna kasi may pupuntahan daw sila. Naabutan ako ng ulan at nahirapan akong maghanap ng tricycle."

"Aynakoo. Kayo talaga. Kung ano ano nalang ang pumapasok sa isip niyo. Hindi ka pa nagpaalam ng maayos. Papatayin mo ba ako sa pag-aalala? Hindi mo pa sinasagot mga tawag ko."

"Hehe. Sorry na ma. Promise. Hindi na po mauulit. Magpapaalam na po ako sa inyo sa susunod."

"Osya sige. Pero Franz, magtapat ka nga sakin, sino yung lalaking naghatid sa'yo kanina? At yun pa ata ang rason kng bakit ka tulala sa labas kanina."

Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni mama.

"Uhmm. Ma, sya po si Czar Alexander Mendez. Anak po ng may ari ng school namin. Nag aabang po ako sa waiting shed ng tricycle nang bigla siyang dumating. Naghihintay rin po ng kanyang sundo. At diba po umulan? Walang tricycle. Kaya nag offer po sya na ihatid nlng ako dito sa bahay. At sa totoo lang ma, siya po yung crush ko"

Naalala ko na naman yung ngiti niya kanina. Whaaaa!

"Aba aba aba! Hoy ikaw ha. Hanggang crush lang muna. Huwag ka munang mag boyfriend, sakit lang yan sa ulo at sa puso anak. Mag aral ka na lang mabuti"

"Syempre naman ma. Hanggang crush lang talaga ako. Priority ko po ang pag aaral"

"Mabuti naman kung ganon. Sige. Matulog ka na at anong oras na oh. Goodnight anak"

"Sge ma. Goodnight po"

Umakyat na nga ako sa kwarto at agad na nagbihis. Haaay. Nakakapagod itong araw na to ha.

Pagkatapos kong magbihis ay sumalampak na ako sa kama. Haaay. Pagod na pagod talaga ako. Pumasok na naman sa isip ko ang nangyari kanina. Kinikilig pa rin talaga ako ngayon. Hindi ko na mapigilan at nagpagulong gulong na ako sa kama. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at agad na sumigaw. Whaaaa! First time in history talaga ito. Hinatid niya ako dito sa bahay at hindi ito panaginip. Totoo ang lahat. Whaaaaa!!!

Ano na kaya ang mangyayari bukas? Eto na ba ang simula ng lahat? Haaay. Sana tuloy tuloy na ito. Makatulog na nga. Excited na ako bukas eh. Goodnight world.

~The next day~

Goodmorning world!!! Ang ganda ng gising ko ngayon. Syempre. Sino ba naman ang hindi gaganda ang gising dahil nagkaroon ng magandang panaginip. Gusto niyo malaman kng ano napanaginipan ko? Secret. Ano kayo sinuswerte? Whahaha. Joke lang. Napanaginipan ko ang mangyayari ngayon. Sige. Ikwekwento ko sa inyo.

Papasok na ako ng eskwelahan ngayon. Hindi ko alam pero may nararamdaman akong kakaiba. Oh well. Hayaan ko na nga lang.

Pagdating ko sa room ay wala pa si Sir Hector. Konti pa lang ang andito sa room. 7:00 pa lang eh. Hehe. Si Sienna ay wala pa din dito sa room. Kaya dumiretso na lang ako sa aking upuan. Hmm. Wala pa si Czar ah. Sabagay, ang aga pa naman eh.
Maya-maya ay may biglang pumasok sa room na nakangiti na abot tenga at ang gwapo gwapo. Alam niyo na kung sino. Walang iba kundi ang nag iisang Czar Alexander Mendez. Whaaaa. Kingina. Ang gwapo talaga. Lalo na dahil siya ay ngumingiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He Took Me for GRANTED(On Going)Where stories live. Discover now