Chapter 3

29 3 0
                                    

Best Night

Huling subject na lang namin ito ngayong araw. Haay salamat. Ang boring kasi eh. Kung hindi lang dahil dito sa gwapong nilalang sa katabi ko, kanina pa ako umuwi. Marami pa naman kami sa room. Konti lang ang umuwi. Pwede naman mauna nang umuwi. Pero syempre, dahil nandito pa si Czar, di muna ako uuwi. Hehez. Ganyan talaga. Hayaan nyu na.

As usual, tulog na naman itong katabi ko. Hindi ko na siya tinitingnan nang sobrang tagal. Jusmee. Di ko na ata makakaya kung mahuli niya ulit ako. Kaya pasulyap-sulyap na lang muna. Hahaha.

Si Sienna naman ay busy sa cellphone. Huhu. Kanina ko pa kaharap itong cp ko. Haays. Ang boring talagaaaa.

Tiningnan ko ang relo ko. 30 minutes before bell na lang. Haay salamat. 30 mins na pagtitiis Franz. Kaya mo yan.

OWEMJI!!! Maya-maya ay bumangon si Czar. Whaaaaa. Franz, relax. Huwag pahalata. Huwag mag panick. Relax. Enhale, exhale. Whooo! Kaya ko to.

Tumingin siya sa relo niya. Napatingin na rin ako. Napanguso ako nung nakita ko ang oras. 5 mins before the bell. Haays. Sge lang. May bukas pa. Hehez.

"Okay class. You may now go. Goodbye class. See you tomorrow," biglang sabi ni Sir Hector.

Unti-unti na nga kaming nagsilabasan.

"Uy beb! Mamaya na tayo umuwi. Kumain muna tayo. Nagutom ako eh," anyaya ni Sienna.

"Oh sige ba. Nakaramdam na rin ako ng gutom eh. Tara na."

Pumunta na nga kaming canteen. Mabuti na lang di pa sila nagsara.
Bumili kami ni Sienna ng fries and ice cream, our favorite. Hihi!

"Uy Franz. Ang dami pa lang gwapo dito. Owemjii!! Lalo na yung sa basketball team na mga seniors. Whaaaaaa. Ang gugwapo nila"

"Hay nako Valderama! Ikaw talaga. Andyan na naman ang gwapo hunting na ugali mo"

"Che! Ewan ko sa iyo. Ganyan talaga kapag single. Maraming crush. Pero may isang nangingibabaw"

"Sabagay. May point ka. Pero sino ba ang nangingibabaw sa lahat Sien?" Biglang pumula ang pisngi niya. Ay grabe tong bestfriend ko oh. Di mn lang nagsasabi.

"Haay nako Franz! Sa susunod ko na sasabihin. Malalaman mo rin kung sino. Huwag kang atat"

"Alam mo ikaw, ang daya mo. Ako sinasabi ko mga sikreto ko sa iyo. Eh ikaw? Hmp. Magtatampo na talaga ako sayo"

"Ganyan talaga beb! Makikilala mo rin iyan. Sa tamang panahon"

"Tss. Sige na nga. Basta ha. Sabihin mo sakin"

"Yes Valentino"

Hmm. Sino kaya itong mystery guy na ito? Oh well! Malalaman ko rin naman sa tamang panahon. Haays! Yung babaeng yun talaga oh. Ang daya!!

"Uy franz. May try out ng basketball ang mga Grade 8 ngayon. Tara!! Nood tayo! Baka may mahanap tayong gwapo! Owemjii!"

"Talaga?? Ba't di mo agad sinabi? Nakoo. Tara na. Baka sumali si Czar. Whaa. Tara na Sien"

"Psh. Czar na naman. Sige na nga. Tara na sa gym"

Tinapos na agad namin ang aming pagkain. Dumiretso agad kami ng gym. Haay. Mabuti na lang at di pa nagsisimula. Nag papraktis ang ibang mga sasali. Hmmm. Mahanap nga si Czar.

Ilang beses ko nang nilibot ang mata ko sa buong gym pero di ko siya nakita. Tsk. Anubayaan!

Eto namang katabi ko ay nag gwapo hunting na naman. Hayaan ko na nga lang. Sanay na ako. Hahaha.

Pumito na ang referee. Hudyat na magsisimula na ang try outs. Haay. Nawalan tuloy ako ng ganang manuod.

"Grade 8, kulang kayo ng isang player ah. Asan yung isa? Si Mendez. Asan na yun?" sabi ng referee.

He Took Me for GRANTED(On Going)Where stories live. Discover now