A/N: Wala akong maisip na magandang introduction...
Bahala na kayo d'yan... :/
#Miss_Lonely_Vampire
* * *
RENZ
Elementary pa lang kami ni Shean ng maging magkaibigan kami. Matalino s'ya at valedictoran ng klase. Tahimik pero maingay. Ano daw? Oo. Basta 'yun na 'yun. Minsan mo lang s'ya makikitang mag-recite pero kapag tinawag 'yan, agad-agad may maisasagot.
Nagustuhan ko s'ya 'di dahil sa talino at galing n'ya sa academics. Gusto ko s'ya dahil maganda s'ya. Joke. Pero maganda nga s'ya! 'Yung pinakagusto ko lang sa kaniya ay 'yung pagiging mabuti n'ya sakin kahit na may pagka-baliw ako.
Nagustuhan ko s'ya kasi s'ya s'ya. Wala sa ugali n'ya ang pagiging plastic at pangongopya ng ugali ng iba. 'Di s'ya try hard tulad ng ibang babae. Okay, medyo mataray din s'ya minsan. And by 'minsan', I mean palagi. But I learned to tolerate and adopt with her personality.
Ngayong nasa tenth grade na kami, naramdaman kong may nag-iba sa pagtingin ko sa kaniya. Hindi na gaya ng dati na masaya lang ako kapag nakikita ko s'ya, ngayon parang natataranta ako kapag nilalapitan n'ya ako. Whenever she holds my hand, I feel something weird na hindi ko ma-explain. It's weird in a way na para bang ayoko s'yang bitiwan. It's weird because I realized I've fallen in love with her.
Yep. It's cheesy. But still, kahit na gaano ko man gustong i-express ang emotions ko, 'di ko magawa. Madaming posibleng mawala sakin kapag sinabi ko sa iba. At isa na doon ang pagkakaibigan namin ni Shean.
Ang hirap pala maging torpe. Dapat lahat tago. Dapat walang makakaalam kung 'di ikaw. Dapat ma-maintain ang balance ng naturalesa.
Dapat...
Bahala na si Batman.
* * *
SHEAN
Si Renz? Well, s'ya 'yung tipo ng taong 'di ka hahayaang umiyak... mag-isa. Kasi makikiiyak din s'ya sayo kahit 'di n'ya alam 'yung dahilan kung ba't ka nagmumukmok. Madali s'yang pakisamahan kaya madaming nagmamahal sa kaniya including me.
We had been friends since childhood and up until now, magkasama pa rin kami. I should be thankful to have him since frendship nowadays only lasts a second.
Ang ayoko kay Renz ay 'yung magtatampo s'ya sakin tapos 'di n'ya ako papansinin. Pasensitive? But I got to admit, at the back of my mind, I find him cute whenever he gets mad. Heh.
Dati pa lang, may feelings na ako para sa kaniya but I don't think it would be a good idea to tell him. First, conservative ako. Second, I don't want to put our friendship at risk.
Masaya na ako sa kung anong meron kami ngayon at ayokong iwasan n'ya ako once malaman n'ya. I'm not sure kung lalayo ba talaga s'ya pero okay na 'to. We're better off friends.
No more. No less.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita. Mahal Mo Ko. Ano Ba To?
Teen FictionNang mabasa ni Renz ang diary ng crush niyang si Shean, hindi niya akalain na M.U. pala sila. Oo . M.U. as in "Magkaibigang Unggoy". Choz! Hahaha! K. So 'yun na nga. 'Di ba nalaman ni Renz na may gusto din pala si Shean sa kaniya, may nagsabi naman...