Chapter 11: Waiting...

2.7K 61 0
                                    

SHEAN

Kahit pinagsabihan na ako ni mama na 'wag lumabas ng bahay ngayong weekend, hindi ako nakinig. Kailangan ko kasing puntahan si Allen dahil pag-uusapan namin ang accomplishment report ng SSC Organization. Secretary kasi ako at President s'ya at wala nang ibang mag-aasikaso nun kung 'di kami.

Sa Starbuck's kami magkikita. 9 o' clock sharp daw kaya dapat nandun na ako fifteen minutes bago ang call time.

Saktong 8:32, nakarating ako sa mall. Pero naunahan n'ya pa rin ako.

"You're late.", sabi niya habang naka-cross arms. I rolled my eyes at lumapit sa kaniya. May dala s'yang iPad na nakasalpak sa charging station.

"Nine 'yung usapan natin.", umupo ako sa upuan na katabi ng sa kaniya.

"I thought you were responsible enough to come earlier than the call time."

"8:36 pa lang. 'Di pa ba maaga sayo 'yun?"

"Hindi. From now on, when I tell you to come at a specific time, gawin mo nang habit na dumating one hour bago ang call time."

"So kanina ka pang alas-otso dito?"

"Nope. Kakarating ko lang din. I was just messing with you."

Inirapan ko siya. He stopped laughing, clearing his throat.

"Anyways, kailangan natin 'yung logo ng club para ma-print na rin natin sa mga t-shirts."

"I don't have the logo. Nakay Eiza 'yun.", kinagat n'ya ang ibabang labi niya at tumingin sa kaliwa.

"Sabi ng head teacher, kailangan naka-include 'yun sa ipapasa nating form."

"Wala akong load."

"Pero alam mo 'yung address n'ya 'di ba? You're the secretary so you ought to know.", tumango ako at pumalakpak s'ya.

"Let's go to her house instead.", hinila n'ya ako palabas ng shop.

"Seryoso ka bes?", 'di s'ya sumagot. Walking distance lang ang layo ng bahay nila sa mall na 'to kaya okay lang siguro.

Naglalakad lang kami ng biglang huminto si Allen. Tumingin ako sa kaniya. May binabasa s'yang text.

"Crap. Naiwan ko 'yung iPad! D'yan ka muna. I'll be right back.", tumakbo s'ya paalis at nakatayo lang ako. Malapit din pala ang bahay nila Renz dito.

Naiisip ko na naman ang nangyare kahapon. Totoo ba talaga 'yun o nanaginip lang ako?

Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng maliit na pouch na nakasabit sa balikat ko. Dinial ko ang # niya at tinawagan ko s'ya. May load talaga ako. Ayoko lang gamitin ni Allen.

Maya-maya ay sinagot n'ya na ang tawag.

"Hello?"

"Bes...", may narinig akong pag-ubo na parang may nabilaukan.

"V-Vesh! *Ehem* Bes! Napatawag ka?"

"Nasa SM ako ngayon. Puntahan mo ako."

"H-Huh? Anong ginagawa mo d'yan? Sige. Pupunta na ako."

Pinutol n'ya ang tawag. Dinial ko naman ang # ni Allen. Nas'an na ba s'ya?

"Hello, Allen?"

"Shean? Akala ko ba, wala kang load?", napalunok ako. "Anyways, kini-claim ko pa 'yung iPad ko. Muntik nang nakawin. Great. Just great."

"Hala.", I replied, stalling.

"I need to hang up. Kung hindi ako lumabas after five minutes, 'wag mo na akong hintayin."

Pinutol n'ya na ang tawag... So here I am. Naghihintay sa dalawang tao sa tapat ng SM sa kalagitnaan ng sidewalk.

Waiting...

Mahal Kita. Mahal Mo Ko. Ano Ba To?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon