Supernova : A Dream Come True

7.1K 212 22
  • Dedicated kay Frias Rubico
                                    

Another short story! Please support it the way you supported my other stories. I love you, guys!

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

I always dreamt of catching a falling star. It may sound weird and at the same time, impossible, but would you believe me if I tell you it came true? And I caught not just an ordinary star, 'cause it's a supernova.

**

"Star light, star bright, I wish I may, I wish I might have the wish I wish tonight," pagkasabi ko n'un ay pumikit ako at nagsimulang humiling sa isang maliwanag na bituin sa langit.

"Kamree! Stargazing again, huh?"

Ako si Kamree Jhenie Perez. One of those typical teenage girls out there. Isang babaeng hindi nagsasawang tumingin sa mga bituin sa langit at humiling sa isa sa mga ito.

Siya naman si Krissa Jen Perez, ang ate ko. Siya 'yung taong hindi naman tutol sa pangarap ko pero naniniwala s'ya na imposible ito.

"Nag-wiwish ako, Ate," sagot ko sa kanya.

"Oh! Let me guess... hinihiling mo sa isang bituin na sana bumagsak s'ya para masambot mo! Right?" tanong n'ya.

"Yup."

My wish may sound weird, well, it really is weird pero 'di ba sabi nila, "Kung mangangarap ka na lang din naman, taasan mo na." At wala namang masamang mangarap 'di ba? And I swear, I'll do anything for this dream to come true.

"Oh s'ha, bumaba ka na. Hinahanap ka na ni Mama. Buti nalang alam kong sa rooftop ka lang mahahanap," sabi ni Ate Jen.

"Sige, Ate, susunod na'ko."

**

"Class, maupo muna kayo. Bago tayo magsimula ng ating aralin, magkakaroon tayo ng maikling aktibidad," sabi nung teacher namin.

Ano naman kayang plano ng Filipino Teacher namin ngayon?

Biglang tumayo si Rikka, yung classmate kong super ganda ng boses. Mala-Little Mermaid ang boses n'yan! Superstar ng klase eh. Pumunta s'ya sa platform ng classroom at nagsimulang kumanta...

"Ikaw ang aking pangarap.

Ikaw ang sagot sa ‘king dasal.

Puso ko ay inaalay,

‘Pagkat minamahal kitang tunay.

Ikaw ang aking pag-ibig,

Ang nagbibigay kulay sa ‘king daigdig.

Wala nang nanaisin pa,

Kung magpakailanman ay kasama ka.

Ikaw ang pangarap."

Wow! Ang ganda talaga ng boses n'un! Idol much! After n'yang kumanta, umupo na s'ya.

"Salamat Rikka. Bilang pagsisimula ng ating aralin, para sa in'yo, ano ba ang isang pangarap?" Err? Si Sir talaga!

Supernova : A Dream Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon