chapter 3 (let's be friends)

15 5 2
                                    

Namjoon's POV
Pagkatapos ng klase, hindi ko na nakita si cassandra. Dumiretso, na ko sa bahay.
"Namjoon!!! Gutom na ko" sabi ni kuyang tamad. Hindi ko na lang yon pinansin. Pagka bihis ko ng damit ay lumabas uli ako para bumili ng pagkain. Pano kasi inubos ni kuya ang pagkain sa ref.
Habang nasa grocery ako, may nakita akong babae na parang familiar. Tinitigan ko yun ng mabuti at yung buhok, yung height, parang kilala ko sya biglang itong humarap. Si-si cassandra! Lagot! Baka makita nya ako ng ganito ang suot! Nag tago ako.... Pagkaalis ni cassandra kaagad ko syang sinundan.
Tinitingnan ko sya habang naglalakad. Grabe! Lakad pa lang pamatay na!
Habang sinusundan ko sya at pangiti-ngiti pa na parang baliw. Hindi ko na napansin na nakarating na pala ako sa isang street malapit sa school. Napansin ko ring biglang tumigil si cassandra. Bakit kaya? Yun pala may malaking mama na humarang sa kanya. Sino kaya yun? Bakit parang kinakausap sya?

Cassandra's POV
"Miss! Parang ngayon lang kita nakita dito ah!" Sabi nung mama na amoy alak. Hindi ko na sana sya papansinin kaso....
" hoy! Miss kinakausap pa kita!" Sabi nya kasabay ng pag hawak niya ng mahigpit sa braso ko. Tinulak ko siya nang malakas kaya ito na out of balance sya. Pag katayo nung mama ay susuntukin ko na sya dapat pero nagulat ako nung biglang...

May lumapit na lalaki at sinuntok yung mama. Haisst! Kawawa naman yung lalaki. Nang maka suntok uli yung lalaki sa mama at muli itong tumumba. Agad ko nang hinawakan ang kamay nya at inilayo ko sya dun sa mama.

" TAKBO!..."
Baka kasi kapag di ko pa sya ilalayo lalong magiging bugbog sarado yun.

Namjoon's POV
Nung nakita kong hinawakan nung lalaking yun si cassandra agad-agad akong lumapit at sinuntok yung lalaki kaso bugbog sarado ako. Ang laki kaya nung mamang yon! Pakiramdam ko eh! Mamamatay nako pero "takbo!!..." Bigla akong hinila ni cassandra palayo dun sa lalaki, Habang buhat-buhat nya yung mga pinamili nya. Huminto na lang sa pagtakbo nung nakarating na kami sa park... halos walang tao dito eh!
Umupo kami sa isang bench na katapat lang ang dagat. "Haisst! Okey kalang?" Nag-alalalang tanong nya sakin.
"Hahaha wala toh!" Sabi ko na lang habang nakangiti pa ko pero ramdam ko na mahapdi na yung labi ko dahil sa sugat.
"Tsk! Halos mabura na nga yang mukha mo dahil sa pasa!" Sabi nya na nang aasar pa.
"Lumapit ka" utos nya.. Sinunod ko naman yun.
"Tsk! Lapit pa! Panu ko magagamot yang sugat mo!" Sabi nya pa.
"Ay! Sorry" sobrang lapit ko na sa kanya. Nakatitig lang ako sa kanya, mas maganda sya pagwala siyang salamin.
"Masakit ba?" Di ko sya pinansin, tuloy parin ako sa pagtitig sa kanya.
"Hoy! Naririnig mo ba ako?!" Sabi nya sabay diin nang bulak na may antiseptic.
"Aray!" Reklamo ko.
"Tsk!" Sabay smile
"Ay! Oo nga pala! Diba classmate kita? Anu nga palang pangalan mo?" Tanong nya.
"Kim namjoon" matipid na sagot ko.
"Ahh! Okey! Friends na tayo ha!" Naka ngiting sabi nya sabay abot ng kamay.

Cassandra's POV
Pagkatapos kong gamutin ang sugat ni namjoon, hinatid na nya ko sa bahay. Hindi ko na napansin ang oras. Gabing gabi na pala kaya ayun natulog na ko.

Kinabukasan
6:00 am akong nagising tinignan ko ang cellphone ko.

1 message receive

Galing kay kuya...

Hi rei na miss mo ba ako?
Ako oo, tinawagan ko na yung mga makakasama mo sa bago mong bahay, sunduin mo sila sa airport mga 10:00 am sila makakarating , dapat 9:30 palang nandoon ka na.
I love you bunso bye 💜💜💜

Sabi ni kuya na may pa heart-heart pang nalalaman. Isang araw pa lang miss agad? Maka pag bihis na nga lang muna.
-
-
-
-
Ready na ako pumasok..... Pero ba realize ko na it's saturday nga pala. Badtrip 😒 sayang lang pag hahanda ko! Maka kain nga lang muna!
Pagbaba ko, pumunta agad ako sa kusina. Anu bayan! Magluluto pa ko? Eh! I'm so hungry na! Nagbihis ako para pumunta sa fast food at doon na lang kumain..

Author's note

Guys!.... I'm so sorry kung ngayon lang uli ako naka pag update 😢😢😢 sana wag kayong mag sawang basahin ito...
Pero guys abangan nyo yung next chapter eto na silaaaa 😘😘😘

THE CLASHERS (BTS Rapmon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon