Heartless FanFic
A/N: Hi! Kagaya nga ng naipangako ko na, gagawan ko nga po ng fanfic ang Heartless! HAHAHAHA. Pero try lang ‘to. Supposedly, dapat po talaga ay ‘di ko na ito gagawin kasi INUNAHAN NA AKO NI ROZEN NA MAGKAROON NG ANAK! PAMBIHIRA HAHAHAHA XD. Pero, dahil sayang naman ‘yung plot na nagpe-play sa utak ko for CoZen, I’ll push this to infinity and beyond xD. So yeah! Here it is!
Ps., I do not own the characters, and the story itself. It is owned by ate Jonaxx. Thank you so much ate J for having Coreen and Rozen in our lives ♥♥♥
♥~♥~♥~♥
After 2 years
Abala ako sa paghahanda ng agahan ng asawa ko. Maaga pa lang ay nagising na ako para ihanda siya ng makakain. Mukha atang napagod si Coreen sa pag-aalaga kay baby. Dalawang taon na ang nakalipas buhat ng maikasal kami at pinanganak niya ang panganay namin. At ngayon, hindi pa rin nito nababawasan ang saya na nararamdaman ko, because I have Coreen, the love of my life.
Napaangat ako ng tingin mula sa paglalatag ng mga plato ng marinig ang mabilis na yabag galing sa taas. Nagising na siguro si Coreen dahil sa alarm na ginawa niya. Simula ng maikasal kami, gusto niya ay siya na ang maghands-on bilang asawa ko. She even enrolled for a cooking class. Sabi ko, hindi naman na kailangan pa iyon. Nandito naman ako, tsaka gusto ko ako ng naghahanda para sa kaniya. Kaso, ang kulit niya talaga! Kaya ayun, dahil mapilit siya ay hinayaan ko na. Mahal ko, eh.
“Ikaw ang naghanda.” Iyon ang bungad niya ng makalapit na sa dining. Nakasimangot siyang nakatingin sa ‘kin.
Ngumisi ako. “Hindi na kita inabala. Pagod ka kagabi galing sa trabaho. Tapos, inalagaan mo pa si baby bago matulog. Kaya ayos lang.”
Mas lalo pa siyang sumimangot. “Dapat hinahayaan mo na lang ako.”
Kagaya ng madalas kong ginagawa, lumapit ako sa kaniya at ipanadausdos ang mga kamay ko sa baywang niya. “I will do this because I love you Coreen. It’s okay.” Bulong ko. Naamoy ko ang sabon na ginamit niya sa paghilamos. Ang bango niya talaga.
Pagkatapos, ay umupo kami ng magkatabi. “Si baby? Tulog pa rin?”
Tumango siya. “Mamaya, magigising na rin ‘yun. Si yaya na ang mag-aalaga sa kaniya pagka-alis natin.”
Kahit na mag-asawa na kami, hindi niya pa rin iniiwan ang trabaho niya sa bangko ng kaniyang ina. Tumigil lang siya ng ilang buwan dahil sa pagbubuntis.
Habang hinahawakan na niya ang tinidor at kutsara, napasapo siya agad sa kaniyang noo.
“Are you okay, Coreen?” nag-aalala kong tanong ng dagli ko siyang dinaluhan.
Umiling lang siya. “Oo, okay lang. Medyo pagod lang yata ako.”
Nakaramdam ako ng pag-aalala. Lately, napapansin ko na madalas siyang pagod galing trabaho. Tapos, minsan nagususungit. Kapag may mga nakalatag na pagkain, kasama na ‘yung paborito niyang damo, inaayawan niya. Wait, is this some kind of déjà vu?
Me:
Babes, don’t skip your lunch okay?
Ps. I won’t fetch you up later. May urgent meeting kami at baka gabihin na ako.
Nakaupo ako sa swivel chair at inilapag ko na sa mesa ang celphone ko. Hindi pa rin matanggal sa isip ko ‘yung nangyari kanina. Hindi masyadong kumakain si Coreen. Nagpapayat na naman ba ang isang iyon? She’s sexy for me. Kahit nga noong tumataba siya dahil sa pagbubuntis kay baby, siya pa rin ang pinaka-sexy na babae para sa akin. Ngayon naman na pumayat na siya pagkatapos niyang manganak, sexy pa rin siya. Haay nako ang babaeng ‘yun! Pinag-aalala ako.
