Miyerkules

14 0 0
                                    

CHAPTER 3- MIYERKULES

Nagising ako sa text message na sinend mo. Ang sabi mo sakin "good morning Sofia. Nagbreakfast ka na ba? Ingat ka sa trabaho mo. Have a nice day". Abot langit ang ngiti ko nun alam mo ba? Ang sweet mo kasi eh.

Natapos ang isang buong maghapon na ikaw ang nasa isip ko suot-suot ang mga ngiting hindi maalis sa aking mga labi. Niyaya mo akong makipag-date sayo, at sino ba naman ako para tumanggi? siyempre pumayag ako.

Again, we talked, we laughed, but didn't dance.

11:45pm. You walked me home. Wala eh, enjoy tayo sa paglalakad.

11:59pm. Narating natin ang bahay ko. Papasok na dapat ako nang bigla mo akong pigilan at sinabi ang mga salitang hindi nagpatulog sa akin nang gabing yun.

"I Love You."

Isang Linggong Pag-ibig [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon