Linggo

11 1 0
                                    

CHAPTER 7- LINGGO

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Nilingon kita pero wala ka don. Wala ka na sa tabi ko. Hinanap kita sa buong bahay pero wala ka. Sinubukan kitang tawagan pero hindi na kita ma-contact.

Xander, di kaya iniwan mo na ako?

Nanlulumo akong bumalik sa kwarto, luhaan at durog ang puso. Umalis ka ng walang pasabi. Iniwan mo akong nagtatanong. Mahal, hindi mo manlang muna inalam na step-brother ko ang kausap ko kahapon. At basta mo nalang ako hinusgahan.

Pero kung sinabi ko sana sayo agad kagabi, aalis ka parin kaya? Palagay ko, oo. Dahil kung talagang mahal mo ako, hindi mo ko iiwan ng ganun-ganon nalang.

Kaya siguro nga hindi mo ako mahal, hindi mo ako minahal.

Ang isang linggong pag-ibig na ipinadama mo sakin ay mananatili na lamang isang alaala na kahit kailan ay hindi ko na mababalikan.

Mahal kita pero isa ka nalang nakaraan sa buhay ko, Xander.

Isang Linggong Pag-ibig [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon