Case#1- Bella & Allen

11 0 0
                                    

CASE #1

Allen and I met five years ago sa isang ospital sa Texas. He was a doctor there at ako naman ay baguhang nurse. Believe it or not, it was a Love at first sight.

I was an orphan and alone for a very long time. 10 years old na ako nang may umampon sa akin. Pinakain, inalagaan, pinag aral, at itinuring tunay nilang anak.

At bilang kabayaran sa utang na loob at pagmamahal nila sa akin ay nag-aral ako ng mabuti at sinikap na makapagtapos ng kolehiyo.

Gumraduate akong cum laude at ipinasyang sa Manila mag-internship at magreview para sa board exam na siyang naipasa ko naman at nasama ako sa top 10.

Proud na proud ang mama't papa ko sa akin. Sobrang saya ko din na napasaya ko sila sa pagsisikap ko.

Nagkaroon ako ng mga magagandang opportunities sa malaki at kilalang ospital sa pilipinas. Dahil sa trabaho ko ay nakatulong akong ipa-renovate ang lumang bahay namin sa Cebu.

After a year ay kinausap ako ng director ng ospital na pinagtatrabahuan ko.

"I am so impressed sa dedication mo sa trabaho Bella. Halos karamihan ng pasyente natin dito ay kilala at gustong gusto ka."

"Thank you po. Mahal ko din naman po ang trabaho ko kaya hindi mahirap sa akin kasi nag-eenjoy naman ako. Lalo na pag nakikita ko ang mga ngiti at pag asa sa pasyente." Nakangiting sagot ko.

"That is why I chose you."

"P-po?" Nangunot ang noo ko.

"An ex colleague and old friend of mine asked me to send one of my best nurses at ikaw ang isa sa napili kong maging representative ng ospital na ito. If they liked your performance there, baka i-absorb nila kayo at gawin nang regular doon. And in return, magsusupply sila samin ng rare medicinal plants sa napakababang halaga. So it's a win win situation."

And that was where I met him.

We have so much in common, actually. We're the same age, pero lamang lang siya ng isang araw sakin. Doctor siya, nurse ako. Tubong Cebu ako, at well siya naman ay dito na sa America lumaki. But, dugong pinoy siya at sa Cebu din daw siya ipinanganak. And we both love CATS!!
Tsaka alam niyo ba yung katagang "he completes me"? Ganon mismo ang naramdaman ko nang dumating siya sa buhay ko.

We had dated few months bago ko siya sinagot. And now, pagkatapos ng mahigit tatlong taon ng pagmamahalan, nagdesisyon na kaming magpakasal. And I was the happiest girl on Earth having him in my life. Hindi ko lang siya naging boyfriend. He was also my bestfriend.

Umuwi kami ng Pilipinas at doon nagpakasal sa Cebu. Imbitado ang lahat ng malalapit naming kamag-anak at kaibigan.

"Ang ganda ganda talaga ng anak ko!" Inayos ni mama ang belo ko at nagpunas ng namumuong luha sa mata.

"Mama naman. Please wag kang umiyak, naiiyak na din tuloy ako. Nako! Sayang ang make up." Natawa kami dahil sa kadramahan namin.

"Sorry nak, di ko lang talaga mapigilan."

"Nandito na tayo." Ani papa at nauna nang lumabas ng kotse para alalayan kami ni mama palabas.

Nakita kong nagsiayusan na sa kani-kanilang pwesto ang mga entourage sa kasal namin ni Allen.

Ang puso kong kanina pa kumakalabog sa kaba ay kumalma nang bumukas ang double doors ng simbahan. Hudyat ito ng aking pagpasok at paglalakad sa altar.

Nagsimula na akong humakbang hanggang sa gitna kung saan naghihintay sakin sina mama at papa.

Mula sa kinatatayuan ko ay natanaw ko na ng gwapong gwapong mukha ng mapapangasawa ko.

Napakalapad ng ngiti at kumikinang ang mata niya sa nagbabadyang luha. Di ko na din napigilang ngumiti.

WombmatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon