Case#2- Airish & Jazmyne

5 0 0
                                    

CASE #2

"Ate! Naaasar na ko jan sa ex ng jowa mo ah! Pag ako talaga napuno, makakatikim na sakin ang bruhang yun!" Talak ng kapatid ko at pasalampak na naupo sa sofa sa tabi ko.

"Bakit? Ano nanaman ba ang ginawa?" Walang gana kong tanong habang nagbabasa ng magazine.

"Aba't ang sama na naman ng tingin sakin kanina eh! Napadaan ako sa isang coffee shop kanina at nandun sila ng mga barkada niya. Akala niya hindi ko alam na binaback stab niya ko? I mean ikaw pala! Nakakabwisit talaga yung impaktang yun! Kala mo naman kagandahan, eh suso niya lang naman ang asset niya!" Napahagalpak ako sa tawa sa mga sinabi niya. Siraulo 'tong kapatid ko!

"Hayaan mo na. Wag mo nalang pansinin." Sabi ko ng medyo natatawa parin.

"Hinayaan ko naman talaga siya! Kaya nga buo pa ang mukha nun dahil di ko pa siya pinapatulan. Pero malapit na talaga ate. Konti nalang. Nakuuu!" Panggigigil niya.

"Ang bobo bobo niya! Hanggang ngayon talaga akala niya ako ikaw!" Dagdag niya pa

"Ganon talaga, magkamukha tayo eh. Wag mo nalang nga kasi pansinin. Ako nga walang pakialam sa kanya, tapos ikaw itong nag aalburuto jan." Niligpit ko na at binalik sa lagayan ang magazine na hawak.

"Paanong hindi ako mag aalburuto ate kung ganon siya katanga?! Ni hindi niya alam ang mukha ng kinakalaban niya! Hininhintay ko lang talaga na unahan niya ko eh. Dahil susupalpalin ko ng bongga ang pagmumukha nun!"

Tatlong taon ang agwat namin ng kapatid kong si Jazmyne pero marami ang nagkakamali samin kung hindi kami tunay na kilala.

Sobrang magkamukha kasi kami ni Jazmyne kaya may mga taong napagkakamalan kaming kambal, o di kaya'y napagpapalit kaming dalawa.

Sino nga naman kasi ang maniniwalang tatlong taon ang pagitan namin kung magkamukhang magkamukha kami at magkasing tangkad pa? Pati ang ayos ng pananamit namin ay hindi naglalayo. Hindi ko alam kung sadyang matangkad si Jazmyne o ako itong pandak!

Minsan nga, kahit kami nalilito na rin kung kambal ba kami o hindi eh. Minsan naiisip ko kung clone ko ba siya. May mga pagkakataon kasing iisa lang ang iniisip namin. Minsan nagsasabay pa kami ng sinasabi.

Maybe we really have that telepathy only twins can have huh?

At yung pinuputok ngayon ni Jazmyne ay si Karissa, ang atribidang ex ng boyfriend ko. Ever since nanligaw sakin si Tyronn ay naging bwisit na sa buhay ko yang si Karissa.

At first, I didn't even know she exists. Wala ako masyadong pakialam sa mga taong hindi ko naman kilala at walang kinalaman sakin.

Kaya nagulat nalang ako isang araw nang sabihin sakin ng pinsan ko ang tungkol sa kanya.

"Ate Airish! Kilala mo ba si Karissa?" Tanong ni Jayne

"Sino?"

"Si Karissa. Diba nanliligaw sayo si kuya Tyronn? Ex niya si Karissa." Jayne

"I don't know her. Why? Ano ngayon kung ex sila?" Tanong ko

"Binaback stab ka kasi nun, sinisiraan ka. Inagaw mo daw si kuya Tyronn sa kanya. Usap-usapan sa school." Bulong ni Jayne sakin

"Nonsense." sabi ko at kinagatan ang order kong cheeseburger.

"Totoo ate! Classmate ko yung kapatid niya. Yun yung nagkakalat ng chismis sa school. Sabi niya inagaw daw ng bagong salta galing amerika yung boyfriend ng ate niya."

"Pano ko aagawin eh ni hindi ko nga kilala si Tyronn o yang babaeng yan pag-uwi namin dito. Si ate Dianne ang nagreto sakin kay Tyronn. Isa pa, mga kaibigan niya ang unang nakipagkaibigan sakin para itulay si Tyronn sakin. San banda dun ang pang-aagaw?" I rolled my eyes at ininom ang kape.

WombmatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon