Case#3- Avery & Zekia

4 0 0
                                    

CASE #3

"Avi?" Sigaw ko habang tarantang palinga linga dito sa mall. Saan na naman ba nagsusuot ang batang 'yon?!

"Avery!"

I told her to wait for me with the grocery bags dahil naiwan ko sa counter ang ID ko.

"Babalik din ako agad Avi ha. Wag na wag kang aalis jan. Bantayan mo ang mga pinamili natin." Klarong bilin ko sa kanya.

"Yes mama." She answered while licking her ice cream.

"Jan ka lang." Ulit ko pa.

"Opo." Sagot niya.

Alam kong wala pang 5 minutes nang nakabalik na ko sa pinag iwanan ko sa kanya pero pagdating ko ay nandun parin ang mga groceries pero wala ang anak ko!

"Avery!" Sigaw ko ulit at nagpalinga linga na naman. Halos mabali na ang leeg ko at parang puputok na din ang puso ko sa kaba.

Oh Lord, help me! Where is my child?

Nilibot ko ang buong mall. Checked all stores and corners. Baka sakaling napadpad doon ang anak ko, pero wala!

I walked past a small playland, walked back and to my relief, I saw her inside. Playing.

"Avi! Jusko anak, I told you to stay put! How did you get in here?"

Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Akala niya siguro ay pinapagalitan ko siya kaya nag-umpisa na siyang umiyak.

"I want my daddy!" Sigaw niya.

Huh?

"Avi, anak. Ano--"

"Daddy!!!" Sigaw ni Avi na siyang nagtawag ng atensyon ng mga tao sa paligid.

Lumapit sa akin ang isang staff ng playland.

"Uhh Ma'am, bawal pong kunin ang kids kung hindi po kayo ang nakapirmang guardian ng bata."

"Miss, ano bang pinagsasabi mo? Anak ko siya. At hindi ko siya ipinasok dito, pauwi na kami nang bigla siyang nawala at dito ko siya nahanap."

"Pasensya na po ma'am pero dahil nasa premises na po siya ng playland ay kailangan nating sumunod sa protocol." Mahinahong paliwanag ng babae.

"Okay fine. Do whatever you need to do. I-check mo kung naka log ang pangalan ng anak ko sa listahan niyo. Avery Meneses." I said

Habang chinicheck ng babae ang logbook nila ay pilit namang kumakawala ang anak ko sakin.

"Avi, stop!" Saway ko sa bata.

"I'm not Avi!!" Sigaw niyang bigla at nagpumiglas ulit. This time ay nakawala na siya dahil nagloose ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Sabay naman kaming napatingin ng babae kay Avi.

The woman then looked at me suspiciously. Pagkatapos ay nakangiting nilapitan ang bata.

"Hi! I'm ate Riza. What's your name?" Tanong ng babaeng employee.

"Zekia.." Avi said in a very low voice.

"Wow! What a nice name. Can I ask you kung sino ang kasama mo pumunta dito?" Riza asked again. Tumango naman ang bata saka sinabing.

"Daddy." What the hell? Wala siyang daddy!

Hindi ako makasali sa usapan nila because I am too stunned to speak. Ano ba tong pinagsasabi ng anak ko?

"May I know your dad's name?" Riza

"Jaime."

"Thank you Zekia." Ngumiti si Riza at chineck ang logbook. Maya maya ay sa akin naman siya tumingin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WombmatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon