*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
Haaaaaay, pasukan nanaman at heto ako kapapatay ko lang ng alarm at parang hibang nakahiga parin sa kama ko at nagiisip kung papasok na ba ako o magpapakasarap muna kahit isang araw lang.
HINDI ! Goal ko ang maging Valedictorian sa klase sa aking huling taon ng highschool at ang pagabsent sa klase ay hindi katanggap tanggap ! (With matching pagtaas ng fist ko sa ere habang competitive ang aura ko)
"Uhm.. anong ginagawa mo KM?"
Huh !? Paglingon ko sa pinto ko nandun ang pinakapanget kong kuya nakasilip habang nakapoker face -_-
"Hoy kuya !!! Bakit hindi ka kumakatok ang bastos naman eh nagmomoment ako dito eh !" sigaw ko sa kanya habang pilit na sinasara ko yung pinto nakakahiya kaya yung pinaggagagawa ko kanina
"Wow. Ako pa may kasalanan samantalang kanina pa ako katok ng katok dito! Magayos ka na baka malate tayo niyan first day of class malalate tayo panget yun!" sagot ni kuya habang effortless niyang sinasangga yung pagtulak ko sa pinto, aba'y kay lakas naman netong mokong nato !
"Oo na maliligo na ako at magaayos antayin mo na lang ako sa baba!" sabay sara ko ng pinto
Ano ba yan ! Nasira pa yung pagmomoment ko si kuya kasi eh !
Makaligo na nga!
O-----------------------------O
Tapos na ako maligo at magayos, simple lang naman ako eh, pulbos lang sapat na ! hahah
"Goodmorning papa ! Sa daan ko na lang po kakainin ang breakfast namin ha baka malate po kasi kami. Bye pa ! I love you!" greeting ko kay papa pagkababa ko ng hagdan at pagkarating ko sa dining area namin nagmamadali na kasi kami ni kuya kasi 45 minutes na lang klase na haha
"Ah osige! Magingat kayo ha! I love you too!" sigaw ni papa sa amin
"Tara na kuya hahhaha sorry medyo napatagal sa banyo." ang hirap kaya maligo kapag napakaganda ng soundtrip mo napapasayaw ka eh hahah
"Anong bago? Kainin mo yang breakfast pero wag ka magkakalat sa sasakyan ko ah kundi ikaw rin maglilinis niyan." Ang sunget naman neto monday na monday eh ! Ako pa ba ako kaya ang pinaka OC sa aming dalawa haha.
Sige habang nasa byahe kami papunta sa school magpapakilala muna ako for the sake of all of you para naman close na tayo haha
Ako nga pala si Karra Maeven Lopez, 17 years of age. I grew up in Tagaytay, dun ako nagsimula magaral hanggang grumaduate ako ng elementary tapos sabi ni mama kailangan namin magmove sa states kasi yung business deals mahirap asikasuhin mula dito eh ayaw ni papa na magkahiwahiwalay pa kami kaya sumama na lang kami imbes na si mom lang, hanggang 3rd year highschool nga lang ako dun nung naging angel na yung mom ko nagdecide sina papa at kuya na bumalik na ng Pilipinas. dito sa Manila kami nanirahan tsaka para daw maganda ganda ang credentials ko dahil sa isang prestihiyosong paaralan ako grumaduate ng highschool. Napalipat kami dito not only because of my mom but also because of some of dad's business deals, para din raw na hindi na mahirap magmeet sa mga clients nila. Simpleng babae lang naman ako di ako maarte no, friendly ako to the point na ako na yung nasasaktan pero okay lang sa akin haha. Mahilig ako kumain swear kaya wag kayo magiiwan ng pagkain na hindi ubos pag magkasama tayo kasi uupakan ko talaga yan haha.
Eto namang kumag na kasama ko ay kuya ko. My fraternal twin brother. Why kuya? Syempre may twins ba na lumabas ng sabay ? hahah syempre nauna siya sa akin ng 3 minutes. Keith Marco Lopez, 17 years of age. Sikat yang kuya ko, nagfefreelance model kasi yan sa isang clothing line kaya kahit saan kami magpunta ang dami nagpapapicture. Minsan nga ng nagpunta kami sa mall akala nung iba alalay ako eh hahah nakakabastos diba? Pero okay lang yun proud ako sa naachieve niya as long as hindi naman nakatapak ng tao okay lang sakin.
YOU ARE READING
Little Ms. Clumsy
Teen FictionPaano kung pinaglalaruan na kayo ng panahon at tadhana...will you take the risks that's served in front of you? or hahayaan mo na lang at magpakasaya sa kung ano ang meron ngayon? Will you still engage in your past? Or continue on to love and grow t...