Kobe Johan

3 0 0
                                    

Ako nga pala si Maegan Arizul Lormano. 18 yrs old. Isang second year college student. Isang babaeng broken-hearted. Nakipagbreak kasi ako sa boyfriend ko dahil mas pinili ko ang studies ko over him. Masyado na kasi nyang inoocuppy yung time ko. Ayoko naman ma'disappoint sila mommy sakin kaya yun nalang naging desisyon ko.

Minsan naiisip ko na itext nalang sya at sabihin na di ko naman pala talaga kayang wala sya. Sabihin na namimiss ko sya. Na everytime na nakikita ko sya sa school, sa department store, sa mall o kahit saan gustong gusto ko tumakbo at yakapin sya.

Tatlong taon na kasama ka Kobe Johan Abansado. Ang dami nating pinagsamahan. Ang dami nating memories together. Asaran, pikunan, kulitan at kun anu-ano pa. Nagmature na tayong magkasama. Sobrang memorize na natin ang strengths and weaknesses ng bawat isa. And yet, nagawa ko pa ring iwan ka. Alam kong naging tanga ang naging desisyon ko. Isa yun sa mga pagkakamaling hanggang ngayon pinagsisisihan ko.

Kobe, I love you. Nothing has changed. Hindi pala mapapalitan ng diploma ang saya kapag kasama ka. Sana masaya ka na ngayon. Sana masaya ka nung graduation mo habang umaakyat ka sa stage kahit na kakahiwalay palang natin noon. Sana masaya masaya ka nung natanggap ka sa trabaho. Sana natupad mo mga pangako mong travel sa parent's mo sa unang sweldo mo. At sana......


masaya ka na sa taong kapiling mo ngayon.

Laikulet's One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon