Nasa loob ako ng sasakyan ko ngayon. Ako lang mag-isa sa sasakyan ko na naka-park naman sa parking lot ng isang restaurant.
Tumingin ako rearview mirror at chineck ko ang make up ko. Konting eyeliner? Check. Eyebrows? Check. Konting blush on? Check. Lips? Check. Inilugay ko na ang mahaba kong buhok. Isinuot ko na ang grey high heels kong 3 1/2 inch para bumagay sa suot kong skinny jeans, swagger shirt with black coat na babagay naman sa porma ko. Kinuha ko na ang handy bag ko at kinuha ko ang phone ko. Tinignan ko muna yung lalakeng naka-red na checkered habang may kausap syang babae.
"Ttss. Enjoy your date with her, because this is the last time." Naiinis kong sabi. Saka ko sila pinicturan.
Bumaba na ako sa kotse ko. Dumeretso ako doon sa restaurant kung saan nandun si Michael, yung lalakeng naka-red na checkered. Pagkapasok ko ay dumeretso agad ako sa table nila at syempre, elegante ngunit cool akong naglakad papunta sa kanila.
"Look who's here." Mataray na sabi ko. Kaya naman napatingin sa akin si Michael pati ang babaeng kanina lang ay kausap nya.
"Can I sit here?" Mataray na tanong ko.
"Excu--"
"Thank you" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Michael dahil hinila ko ang upuan at nakishare sa table nila.
"Ah excuse me miss pero--"
"Sino ako?" Sabi ko atsaka ako nag crossed legs at crossed arms at sumandal sa sandalan ng upuang inuupuan ko. Kumunot naman ang noo ng dalawa.
"What the heck Mic. Are you playing around?!" Medyo pasigaw kong sabi. Medyo naiirita na ako ha. Nalabas na katarayan ko.
"What are you talking about?" Nalilitong tanong ni Michael sa akin.
"Okay. First, lagi kang tawag ng tawag, text ng text, chat ng chat. Second, nanligaw ka then sinagot kita. So we're couples. Third, lagi kang napunta ng condo unit ko kasi gusto mong magsleep over." Nakakunot na ang noo ng dalawa at ang labi nung girl ay napapasabi na ng 'what' gayun din si Michael.
"And I let you."sabi ko pero this time sa girl na ako nakatingin.
Hindi na ata nakatiis yung girl kasi tumayo na sya at akmang aalis na.
"Wait Dianne, let me explain first."
Sabi ni Michael habang hawak nya sa wrist yung girl, which is si Dianne daw.
Tumingin lang yung girl pero makikita mo na paluha na ito kahit anong oras.
"Oh, I forgot. Sa kamamadali mo kahapon nakalimutan mo ito sa condo ko." Sabi ko sabay labas ng isang boxer ng lalake.
Nagulat yung girl pati si Michael. Kaya naman hinablot ni Michael sa akin yung boxer.
"Sino ka ba talaga?!" Nanggigilaiti na tanong ni Michael sa akin.
"Girlfriend mo nga, or should I say fiance mo. Yun ang gusto mo di ba?" Tumayo na ako sa kinauupuan ko. "Well, see you later Michael *smirk* alam mo naman password ng condo ko di ba?" Sabi ko at iniwan na yung dalawa na nakatangla atsaka ako tuluyan nang umalis.
Sumakay na ako sa sasakyan ko atsaka ko tinanggal ang heels ko at isinuot ko na ang rubber shoes ko. Kinuha ko ang bag ko at saka ko kinapa ang phone ko. At tinawagan ko na si Rose.
"My work is done. Don't forget your payment" Sabi ko after nyang sagutin ang tawag ko at ibinaba ko na ito. Tumingin ako sa relo ko. 11:32 am palang naman.
Nagdrive na ako papunta sa isang mall. Pinark ko ko muna ang kotse ko atsaka ko kinuha ang paper bag ko sa likod ng kotse. Pagkapasok palang sa mall ay dumeretso na ako sa girl's room. Pumasok ako dun sa dulo ng cubicle at nagpalit na ng simpleng shirt, pantalon, at rubber shoes. Inipit ko ang buhok ng magkabilaan at saka ito itinirintas. Kinuha ko na di. Ang salamin ko sa mata. After kong magbihis ay lumabas na ako ng cubicle at naghilamos na. Tinanggal ko muna ang make up ko. Atsaka ko pinunasan ang mukha ko at kinuha na ang paper bag ko.
Tiningnan ko ang relo ko. At 11:50 pa lamang. Naupo muna ako dun sa isang bench at kinuha ko ang isa ko pang phone. Actually, tatlo ang phone ko. Isang pang work, isang pang nerd at isang pang personal.
Oh, nakalimutan kong magpakilala. Since maaga pa. Magpapakilala muna ako. I'm Ashleyann Bexor. Ash for short. Pero pag nasa work ako, mas kilala akong Breaker. Breaker? Ano yun? From the word itself, breaker, wrecker, maninira, tagawasak.
Breaker of what? Heart :)
Breaker@aeibcd.email or text/call 090589****88
That's my email and phone number. You want revenge? You want to break the heart of the person who breaks your heart? Well, just email, text or call me. If ever na may gusto kang ipagawa dapat magpakilala ka, anong gusto mong ipagawa sa akin at magkano ang ibabayad.
Kahit ano ginagawa ko para sa client ko maliban nalang sa pagpatay ng tao o hayop.
Many people tried to track and hack my account, but none of them succeed. Thanks to my bestfriend's Boyfriend, Mark. (I'll introduce someday :) )
Ako si Breaker, at ako din ang secretary ni Breaker na kilala naman as Nera de Guzman (na sya namang diguise ko ngayon). Pero ni isa, walang nakakaalam ng totoong identity ko. Na si Ashleyann Bexor, Nera de Guzman at Breaker ay iisa
Well, I'm 24 years old . 5'4 ang height, at simpleng babae na hindi girly. Yung tipong rubber shoes, tshirt, at maong ang suot.
Oh wait- may nagtext
*You've got a message*
From: Client Rose
I already deposit it to your account.
After kong matanggap yung text ay pumunta agad ako sa banko at chineck kung ok na. And ok naman ang bayad nya. 25,000 pesos. Not bad.
Lumabas na ako ng bangko at nagpunta na ako ng parking area. Inilagay ko na yung paper bag ko sa likod ng kotse. After that pumasok na ako sa kotse atsaka ko tinanggal ang pagkakabraid ng buhok ko. Tumingin ako sa rearview mirror para ayusin ang buhok ko. Tinted naman ang salamin ng kotse ko so it's safe. At pinaandar ko na ang sasakyan ko.
"Gosh, gutom na ako. Sa cafeteria nalang ako kakain." At saka ako umalis.
BINABASA MO ANG
One Mistake
Teen FictionOne. Mistake. Every mistakes that we have done is part of our life. Sabi nga nila, "No ones perfect" even the smartest person in the world made mistakes. It's only God who is perfect. A person maybe look like perfect because of her or his greatness...