"Urghh... ang traffic naman.. gutom na talaga ako." Sabi ko Sa sarili ko habang ang parehong kamay ko ay nakahawak pa rin sa manubela.
After 17 minutes nakadating na rin ako sa coffee shop.
"Oh, Ash, nandito ka na salamat naman." Bungad na sabi sa akin ni Lyka, best friend ko.
Napansin ko na super daming customer.
"Sorry, nalate ako. Katatapos ko lang sa work ko eh. Lam mo na. Pero teka, bat sobra atang daming costumer natin ngayon?" Sabi ko sa kanya
"Ah, siguro dahil dun sa estudyanteng iyon." Sabi ni Lyka sabay turo sa lalaking nasa dulo at nakasuot ng tshirt na white.
"Ang pogi beh." Dugtong pang muli nito habang nakatingin dun sa lalake at nakangiti.
"Ah, ganon ba, sige mag bibihis na ako" sabi ko at dumeretso na ako sa locker room at nagpalit na ng uniform.
Lyka Santiago is my best friend since highschool. We're both graduated at the same school, same course and of course, same year. We own this coffee shop. This is our dream when we're still in college and it's a success. She's my best friend, so of course she know my secret, that I'm breaker and Nera.
After kong magbihis, dumeretso agad ako sa counter.
"Miss, 1 cappuccino and 1 slice of chocolate cake." Sabi nito habang isinusulat ko ang order nya.
"Pakidala nalang dun sa table nung guy na nakawhite shirt." Sabi nito
"Okay po ma'am" atsaka sya nagbayad at naupo na sa upuan kung saan malapit dun sa guy.
"Ken, 1 cappuccino." Sabi ko kina Ken, na sya namang part timer dito sa coffee shop. Habang ako, nakuha ng chocolate cake.
"Ate ito na po." Sabi sakin ni Ken at ipinatong ko na ito sa tray kung saan nakapatong din ang cake. Naglakad na ako papunta dun sa pwesto ng lalake na itunuro ni ate kanina.
"Ah, excuse me sir." Sabi ko. Kaya napatingin sakin yung lalake. Well, maitsura sya.
"Ah, miss hindi yata sa akin to." Sabi sa akin nung lalake ng walang expression ang mukha.
"Sabi po kasi nung customer dito daw po table na ito ko ibigay." Sabi ko kaya naman kumunot ang noo nya.
"Ah ok." Sabi nya pero dun na ulit sya sa libro nya nakatingin.
Bumalik na ulit ako sa counter nang may dumating na lalake. He's wearing white shirt with ripped jeans habang yung girl na kasama nya ay nakayap na sa kaliwang braso nya. Atsaka sila naupo dun sa table na nasa likod nung guy na kanina ay mag-isa, ngayon naman ay may kausap nang babae.
Then may pumasok na naman. Isang magandang babae.
"Welcome po" sabi ko pero di man lang lumingon yung babae.
*Ding ding ding.. ding ding ding.*
(Sorry, taghirap sa sound effect eh 😂)
Tiningnan ko yung phone ni Breaker na nagriring. And yes, tatlo ang phone ko, isa kay Breaker, isa kay Nera at isang pang personal. Kaya kinuha ko kaagad ito at pumunta sa loob ng kusina at sinagot.
"Yes hello, this is Breaker. How can I help you?" Walang emosyong sabi ko.
"Hey there Breaker. This is Lucy Washington. I want you to ruin that guy's life. Not totally destroyed but ruining his day is enough. Even just one whole day is enough." Maarte at mataray na sabi ng nasa kabilang linya.

BINABASA MO ANG
One Mistake
Teen FictionOne. Mistake. Every mistakes that we have done is part of our life. Sabi nga nila, "No ones perfect" even the smartest person in the world made mistakes. It's only God who is perfect. A person maybe look like perfect because of her or his greatness...