1:10 AM

269 3 2
                                    


Sigh.

Nakakapagod. Ang daming dapat gawin. Kailan ba ako matatapos nito? Kainis.

Kainins. Kainis. Kain--

"Oh. Gising ka pa pala. Madaling araw na ah? Ano pa ba ginagawa mo?"

Hyung.

"Ito ba? Sa school. Malapit na kasi ang graduation. Alam mo na, teachers dami pinapagawa for the last time. Last torture kumbaga."

"Nakakainis siguro 'yan haha"

Ang sarap talaga pakinggan tawa nito.

"Sinabi mo pa. Eh ikaw ba't gising ka? Naistorbo ba kita? Pasensya na sa --"

"Nako hindi. Nauhaw lang. Oh sige pagpatuloy mo lang yan ng matapos ka na. Kailangan mo pang matulog at busy tayo bukas."

Kahit kailan talaga napakamaalalahin niya.

"Okay."

Pagkatapos nun pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Pero hindi ata ako makapag-focus. Hindi ko kasi matigilan ang sarili ko magnakaw tingin sa kanya.

Kumuha na siya ng baso doon sa counter at pumunta sa fridge para kumuha ng isang pitsel ng malamig na tubig. Pagkatapos nun pumunta siya sa mesa kung saan ako gumagawa ng limpak limpak na school works. Nagkunwari akong walang pake, pero hindi ko napigilan. Tumingin ako ulit at una kong nakita ay ang braso niyang medyo toned. Ewan ko kung ako lang ba o bigla nalang humina ang takbo ng oras ng makita kong nag flex ang braso niya habang nilalagyan niya ang baso ng tubig.

Iniangat niya na ang baso at nagsimula ng inumin ang laman.

Ininom niya iyon, ng dahan dahan.

Dahan dahan.

Hanggang sa may tumulong isang butil ng tubig mula sa mapupula niyang labi.

Gulp.

At tumulo iyon ng dahan dahan papunta sa kanyang leeg.

Gulp.

Bigla atang... uminit.

Gulp.

At nagpatuloy iyon hanggang sa shirt niya at... at..-

Nabigla ako ng may narinig akong tunog na nangaling sa lamesa. Hindi ko namalayan, inilagay niya na pala yung baso. Pagtingala ko, nakita ko siyang taimtim na nakatingin sa'kin.

Gulp.

Sa pagkakatong ito, ako na ang napalunok.

Patay.

Nahuli niya ba ako? Patay. Ano ba kasing pinagagawa ko? Ano ng gagawin ko?

Patay patay pata-

"Okay ka lang ba?"

Shit. Nagulat ako dun ah.

"Ah.. Ha?"

"Namumutla ka at... pinagpapawisan. Okay ka lang?"

Wooh! Hindi ata niya napansin. Ata? Ewan. Salamat naman.

"Ah. Okay lang ako. Ano ah baka sa... sa dami ng mga gagawin ko pa. O yun nga."

"Ah... ganon ba?"

"Oo"

"Ano kailangan mo ba ng tulong ko baka makatulong ako."

"Nako wag na ayos na ako dito."

"...sigurado ka?"

"Oo nga sabi." bakit ba parang napapangisi siya? Is he teasing me or something? Erase erase. Baka imahinasyon ko lang 'yun.

"Ikaw bahala. Ge tulog na ako ulit." sabay pakita niya ng napakatamis na ngiti.

"Geh."

Sigh.

Buti na lang wala na siya makakahinga na rin ako ng maluw--

"Oo nga pala..

Napatingin ulit ako sa kanya. Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Naghihintay sa susunod na mangyayari. Bumitaw siya at napuyuko. Naaninag ko ang bahagya niyang pangngiti. Saka siya tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.

Sigh.

Buti naman.

Pero...

Nasa tapat na siya ng kwarto niya nang

...iniwan ko na lang pala yung pitsel ng tubig sa mesa. Baka kasi... nauuhaw ka." sabay ngisi niya ng nakakaloko.

Refuse (JaeYong fanfic)Where stories live. Discover now