6:14 AM

67 2 1
                                    


Maaga nagising ang lahat. Kailangan na kasi nila maghanda para sa nalalapit nilang pag-alis patungong Thailand para sa kanilang reality show at iba pang activities. As expected, si Jaehyun ang huling nagising. At dahil huli siya, wala siyang choice kundi maki-share ng banyo sa isa sa kanyang ka-banda. Actually, dalawa ang banyo sa kanilang dorm dahil sa dami nila kaya lang nasira ang isa nung nakaraan araw kaya sobrang inconvenient talaga lalo na sa kanya. Wala namang kaso sa kanya maki-share pero mas prefer talaga niya mag-isa. Nakakaiilang daw kasi.

Kasalukuyan siyang naglalakad patungo sa kinaruruonan nang banyo. Nang marating na niya ito   napakamot na lang siya sa kanyang ulo habang nakatayo sa harap ng pinto. Hindi alam kung ano gagawin. Kung hihintayin nalang niya matapos ang naliligo sa loob. Pero nagmamadali talaga sila kaya kahit nagaalinlangan, kumatok nalang ito.

"S-sino nandyan? Pwede m-makisabay?" hiya at nauutal na sabi ni Jaehyun.

Naghintay siya nang ilang saglit ngunit walang sumagot. Napayuko na lang siya dahil sa frustration. Hindi kasi niya alam kung bakit ganito ang kanyang nararamdam. "Wala namang malisya, parehas naman kami lalaki" mga salitang tumatakbo sa kaniyang isipan. Tumagal ng ilang segundo ang pangumngumbinsi niya sa kanyang sarili hanggang sa napagdesisyunan niya kumatok uli.

Habang nakayuko ang kanyang ulo, nagbadyang kakatok ulit siya. Nang malapit na niyang maikatok ang kanyang kamay, biglang bumukas ang pinto at dahil dito nailapat niya ang nakamao niyang kamay sa basang dibdib ng lalaking bago ligo at nakatapis lamang sa harapan niya. Walang iba kundi si Taeyong.

🌸🌸🌸

"Ugh..."

"Ah! Pasensya!" Gulat na sambit ni Jaehyun sabay bawi ng kanyang kamao na nakadikit sa basang dibdib ng lalaking nasa harapan niya. Hindi malaman ang gagawin, sinubukan niyang magpaka-casual habang tinatanong niya kung

"Tapos ka na ba... maligo...?"

Nag-antay ng ilang sandali pero hindi siya nakatanggap ng sagot kaya napagdesisyunan niyang iangat ang kanyang ulo at itanong ulit ang tinanong niya kanina. Mali ata ang naging desisyon niya dahil halos isang hakbang na lang ang pagitan nila, nagtagpo pa ang kanilang mga mata. Kahit lalong bumilis ang kabog ng kanyang puso niya ay itinuloy niya pa rin.

"Tapos n-- Este hin-di pa" sagot ni Taeyong.

"Ah" ang naging tugon ni Jaehyun. Ngayon nagdadalawang isip na siya kung sasabay pa ba siya kay Taeyong. Halos hindi na kasi niya makontrol ang puso niyang nagwawala sa kaba. Ang bilis na nga ng tibok ng puso niya presensya pa lang ni Taeyong, pano pa kaya kung...

Naistorbo ang pagiisip niya ng biglang sambitin ni Taeyong ang mga salitang nagpabaliw lalo ng husto sa nagwawala na niyang damdamin...

"Ugh... gusto mo sumabay sakin... maligo...?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Refuse (JaeYong fanfic)Where stories live. Discover now