Kabanata 1
Unang kita pa lamang ni Jayden sa picture ni Nadia na pinakita sa kanya ni Cecile ay nagandahan na nya ito. Well, hindi naman ito bago sa kanya dahil sa dati syang playboy at nagbago lamang iyon ng makilala nya si Cecile, pero sa kasamaang palad ay may mahal itong iba.
“Sigurado kaba dito? “ tanong ng binata kay Cecile.
“Oo. Kung ito lang ang tanging paraan para makaganti kay Ethan. Gagawin ko. Natin “ puno ng determinasyon na sabi ng dalaga na ikinabahala naman ni Jayden dahil sa tingin nya ay di ito patas dahil wala naman kasalanan si Nadia dito.
“But, isn’t Fair ... I mean , wala naman kasalanan sayo yung babae kaya bakit pati siya idadamay mo? “ Pagliliwanag ni Jayden sa dalaga.
“This is the only way Jayden! Kung may ibang choice lang ako di ko siya idadamay! “ pangangatwiran ng dalaga. Eto lang talaga ang tanging paraan na naiisip nya upang makaganti sa binata at siguro para makuha nya ulit ito.
“Look Cecile, marami pang ibang paraan “ Pagkukumbinsi ng binata kay Cecile.
“Like what?! Hahanap ako ng ibang babae para paibigin siya tapos icocomport ko pagkatapos syang saktan?! Hindi ako tanga Jayden! Alam ko na malaki ang posibilidad na mahalin nga nya yun at ano?! Maiiwan nanaman ako sa huli?! No way! “ Galit na sabi ni Cecile kay Jayden. At sa sinabi ni Cecile nayon ay napatunayan nya na mahal pa nga ng dalaga si Ethan.
“You still love him, right?” Saglit na natigilan si Cecile sa tanong ni Jayden at sa pagkakabigkas ng binata sa mga salita nayon ay alam nyang nasasaktan ito. Of course mahal pa nya si Ethan. Kaya nga gusto nyang maghiganti kahit sa ano mang paraan.
“Silence means Yes” Pagpapatuloy ng binata. Habang si Cecile ay walang nagawa kundi ang tingnan lamang ang binata na papalabas na ng condo nya. Mahal din naman nya si Jayden kaya nasasaktan din sya para dito. Yun nga lang mahal nya ito bilang kaibigan.
Saglit na huminto si Jayden sa harap ng pinto at sinabi ang “ Send me the Details of our plan “ Yun lamang ang sinabi nya at tuluyan na syang lumabas ng condo ni Cecile. Habang si Cecile ay di alam kung matutuwa sya o malulungkot dahil sa pagpayag ni Jayden sa hiling nya.
-
Tuluyan ng nakaalis si Jayden sa Condo ni Cecile at natanggap narin nya ang detalye ng kanilang plano. Labag man para sa kanya ang gagawin nya ay wala syang magagawa dahil mahal nya si Cecile at gagawin nya ang lahat mapasaya lang ito.
Sakay ng kanyang kotse ay nagtungo siya sa Southboard University kung saan nag’aaral si Nadia at ang kanyang kuya na si Ethan.
Papunta sya ng Principal office ng Madaan sya sa gym at doon nya nakita si Nadia na kasalukuyang naglalaro ng volleyball.
Saglit siyang natigilan at doon nya nakumpirma na talaga palang napaka ganda at amo ng mukha ni Nadia.
She’s beautiful but she will never win my heart yan ang mga katagang pumasok sa utak nya.
Iniwas na nya ang tingin kay Nadia at tuluyan ng dumiretso papunta sa Principal Office.
Sa paglalakad nya di maiiwasan na tingnan sya at pagbulungan ng mga kababaihan dahil talaga naman na gwapo sya, kaya halos tumili na ang babae na madadaanan nya. Pero sya? Deadma lang. Sanay na sya sa ganitong sitwasyon eh. Ano pa’t tinagurian siyang the The Hottest Boy in Town kung di sya titilian ng mga kababaihan.
“Good Morning “ bati sa kanya ng isang babae bago pumasok sa office ng Principal at sa itsura ng babae ay mukha itong secretary ng Principal
“Where’s Mr. Kang? “ Tanong nya sa secretary na nahalata nyang nagpapacute sa kanya
ts .. mga babae nga naman .
“ Ah! Nasa loob po “
Pumasok na sya sa loob at naabutan nya ang Principal na may inaayos na papeles pero ng Makita naman siya nito ay bigla itong tumayo at binate siya.
“Jayden! What’s bring you here? .. upo ka “ Pagtatanong ng principal sa kanya. May share kasi ang family nila Jayden sa Southboard University kaya ganon nalang ang pagtanggap nito sa kanya.
“Nothing. Mag eenroll lang “ Na ikinatuwa naman ng Principal dahil sa oras na mag’aral sa school nya ang anak ng sikat na si Mr. Renold Sondoval ay sigurado na mas marami pa ang mga sikat na business man ang ieenroll ang kanilang anak sa school nya. Lalo na ang mga babae, syempre para mapalapit sa famous na si Jayden Sondoval ang anak ng may ari ng Sondoval Corp. Ang pinaka tanyag na company sa buong Asia at ngayon ay nagpiprimera narin sa Europa.
“Sige ipapaayos ko na sa secretary ko ang papers mo”
“ Para saan pa? Bakit di mo nalang ibigay ang schedule ko?”
“Ah! Oo sige. Ano ba gusto mong maging section? “
“Section ni Nadia Condrova “ Napatingin sa kanya ng makahulugan ang principal at sa oras din nayon ay may nabuo sa isipan ng Principal.
“Okay .... Here” May inabot sa kanyang papel at ng buksan nya ay nalaman nyang schedule nya iyon.
Isang makahulugang ngiti lamang ang isinukli ni Jayden at tuluyan ng umalis.
---
Kung gusto nyo pong ituloy ko to. Mag iwan nalang po kayo ng comment or just vote nalang po :)
BINABASA MO ANG
Farewell, Jayden.
RomanceBuo na ang loob ni Cecile na maghiganti kay Ethan pero sa ibang paraan. Gagamitin niya ang kapatid ni Ethan na si Nadia na paiibigin naman ni Jayden, katulad ng napagplanuhan nila ni Cecile. Pero mapapaibig nga ba ng binata ang dalaga? Paano kung si...