Kabanata 3

19 1 0
                                    

 Kabanata 3

Dahil sa sobrang inis ko sa nangyari kanina hindi na tuloy ako nakapasok sa isang klase ko.

Bwisit na lalaki yun! Nacuttingan ko tuloy yung isa kong klase.

Dahil saw ala naman akong mapupuntahan pumunta nalang ako sa soccer field. Class hour pa kaya konti lang yung mga nagliliwaliw na estudyante.

Meron rin namang mga nagsosoccer kaya lang konti lang saka mga freshman pa.

Umupo ako sa isa sa mga bleacher don.

Ang Boring naman.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko. Titingnan ko lang kung may message. Meron nga at galing kay kuya Ethan.

Anong kailangan  nito?

From: Ethan

0935*******

I heard a news.

News? Ano kayang nabalitaan nito?

From: Me

0916*******

What news?

Reply ko.

Mga 5 minutes pa ang nakalipas bago ulit ako nakatanggap ng reply galing sa kanya.

From:Ethan

0935*******

Nothing. Pumasok kana sa class mo.

Ts. Nakitang late na nga ako tapos papapasukin pako. Saka pano kaya nalaman nun na di ako pumasok. Sabagay sa dami ng galamay nun di na nakapagtataka.

After 15 minutes na pagtanga ko sa soccerfield nagbell na rin hudyat na breaktime na.

Pumunta nako ng canteen dahil dun lang naman tumatambay sila Mags. Isa sa mga kaibigan ko.

“Nadia” Tawag sakin ni Mags. Pinuntahan ko sila sa table nila at mukang may bago silang kasama.

“Bakit di ka pumasok kanina? Nagbigay pa naman ng quiz si Sir” Aniya ni Mags.

“What? Sayang naman” Bwisit kasi na lalaki yun. Di tuloy ako nakakuha ng quiz. Nakakaasar!

“ikaw kasi eh. Ba’tkasi di ka pumasok?”

“Wala. Nagpalamig lang ng ulo”

“Ahh. About bayan dun sa scene nyo nung gwapong lalaki kanina?”

“Gwapo? Anong gwapo dun? Ts. Ang pangit kaya”

“Ewan ko sayo Nadia” Umiirap na sabi niya. Okay fine. Gwapo siya pero ang sama ng ugali niya. Tapos ang yabang yabang pa. Tanga nalang ang magkakagusto dun.

Napatingin ako sa bago nilang kasama. Maganda siya at mukang model ng isang magazine. Siya yung babaeng kaiingggitan ng lahat. Syempre except me. Hindi naman ako yung taong inggitera eh. Kasi alam ko lahat tayo may sariling ganda. Naks!

Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya tumingin din siya sakin.

“Hi! Im Cecille” Nakangiting bati niya. Mabait naman pala. Muka kasing mataray siya.

“Nadia” Sabi ko gamit ang tipid na ngiti. Hindi naman ako friendly na tao. Saka madalang akong makipagkaibigan sa mga babae dahil alam ko ang habol nila sakin. Ang mapalapit sa mga kuya ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Farewell, Jayden.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon