Rocco' s POV
"Guys umuwi na tayo, may pasok pa bukas.""Teka bago ang lahat ihatid muna natin si Summer! alam nyo na anak ni Governor eh haha."
Naglalakad kami ngayon kasama ang aking mga kaklase papauwi upang ihatid si Summer. Galing kami sa perya dahil last day na nang aming bakasyon at maghihiwalay ng kami ng paaralan.
Nilapitan ako ni Clark at siniko ako bigla.
"Aray" sabay hawak ko sa tagiliran ko.
"Kanina mo pa hawak yang Pusong nasa Stick na yan ah? Di mo pa ba ibibigay sakanya?"tanong nya sabay turo sa hawak ko.
"ahhhhh ka-ka-kaseeeee eh anooo." utal na wika ko.
Oo nga di ko pa pala naibibigay itong pinagawa ko para sakanya. Isang pulang puso nakalagay sa isang stick na may nakasulat na "Can you be my Summer in this world affected by Climate Change?" Gusto ko na sanang umamin ng nararamdaman ko para sakanya ngunit nauunahan ako ng takot at katorpehan.
"Guys, malapit na rin naman tayo ok na hanggang dito nalang"biglang nagsalita si Summer na animo'y pinagtatabuyan nya kami.
"O-kay l-ang Sum-mer gus-to lang na-namin masigu-gurado na lig-tas ka" nauutal kong wika.
WTF ano tong ginagawa ko.
"Sige sabi nyo eh"
Ito na yon! ito na yung chance ko. Binilisan ko ang paglakad ko para makasabay sa kanila hanggang sa maabutan ko sila. Iaakma ko na sanang iabot ito ngunit na unahan ako ng kaba.
The F*ck di ko magawa.
"Ayun na yung sundo ko oh, sige dito nalang talaga" natatarantang wika ni Summer sabay turo sa isang itim na sasakyan.
Lagot na di ko namalayan ay ibinigay ko ang hawak ko kay April "Pwedeng ikaw nalang magbigay hindi ko kaya" at nagmamadaling akong pumunta sa bandang likod ng grupo upang puntahan si Clark.
Nakita ko nalang na iniabot ni April ang pusong nasa stick kay Summer ngunit tinanggihan niya ito at kumaripas ng takbo. Hinabol namin siya hindi para ipagpilitan iyon kundi para humingi ng tawad. "May nagawa ba kong masama" wika ko.
Kasabay nang aming pagtakbo ay biglang pagkapal ng usok sa paligid tinignan ko ito at galing sa isang dapog ng sinusunog na dahon at basura.
Wow huh? nasa timing naman itong Fogged Effect na ito napaka romantic kung matatawag nga itong romantic.
Hingal na hingal kaming tumigil sa pagtakbo ng mapansin naming nawala na sa paningin namin si Summer.
Nakakapagtaka nawala siya?
"Uy nawala siya"sambit ni Loius
"Sumakay na yata sya dun sa sasakyan"sagot ni Lianne
"Napakamisteryoso talaga ng Anak ng Governor na iyon" wika ni Clark
"Pati naman si Governor eh misteryoso din" dugtong ni April sabay balik sakin noong puso.
Kinuha ko ito at biglang iniabot kay Tacia "Pwede mo bang itago ito? baka magamit ko sa Tamang Panahon".
"Ok lang yan. Minalas ka lang siguro, alam mo naman kung ano ngayon di ba?"pagaalala sa akin ni Clark sabay patong ng kamay sa balikat ko.
Oo nga pala Friday The 13th ngayon. Oo nga, siguro nga minalas lang ako.Kasabay ng pagkawala ng babaeng minahal ko sa paningin namin ay siya ring pagkawala ng tyansang mahalin nya rin ako.
-----------------------------------------------------------------------------------------
A/N: This is not your ordinary love story so don't expect that much.
BINABASA MO ANG
Witching Hour
Mystère / ThrillerThis World Is like a Big Arena and we are the gladiators fighting for our lives. The winner takes the reward and is assured of freedom. Clock is Ticking. Every Second, Every Minute, Every Hour, Counts. Can you survive the Witching Hour?