THE SHADOW

58 1 0
                                    

Pag gising ni Mcky ay bumaba ito ng kama pero nabigla sya ng pag apak nya sa sahig pares ng tsinelas ang saktong natapakan nya. Nagkibit balikat sya at sinuot na lamang ito, pumasok sya sa banyo memoryado nya parin ang gamit sa loob ng banyo mabuti naman.

Nakarobe na lumabas sya ng banyo, nagkalad sya papunta ng closet nya kinapa nya ang drawer pero nahawakan nya ang malambot na tela. Kinuha nya ito at sinuri medyo namula sya dahil isang tshirt, jersey short at brief ang mga ito. Parang sinadyang iabot ang mga ito.

Pagkatapos magbihis, dumiretso sya sa kusina pero papasok palang sya ng humarang sa daanan nya ang isang Mesa? Paano nagkaroon ng mesa sa hallway? Wala ito kahapon ah? Itatabi nya sana ito pero may kamay na tumulak sa kanya at napaupo sya sa silya. Muli nyang kinapa ang paligid, saktong kutsara at tinidor ang nahawakan nya.

Kanina pa na pakiramdam ni Mcky ay may tao sa tabi nya, pero ng kumapa sya wala naman.

Hindi nya mapigilan ang mapaisip sa lahat ng nangyari sa araw na ito, lahat parang naging instant, simula pag gising nya na parang may sadyang naglagay ng tsinelas nya, ang parang may nag abot ng damit nya, yung mesa at pagkain nya, at kahit sa paglabas nya ng bahay pipihitin palang sana nya ang pinto ng bumukas agad ito.

Hindi nya nakikita pero dama nya may taong nasa tabi nya at nakamasid. Magta tatlong oras na syang nakaupo sa isang kahoy na upuan sa labas ng kanilang bahay, wala syang ibang ginawa kundi ang makinig sa musikang kanyang nadidinig sa kabilang bahay.

Kung sa ganito man umiikot ang kanyang maghapon, okay lang sa kanya. Wala syang makita, pero hindi sya manhid sa puso nyang simula ng dumating sya sa bahay na ito ay mas lumalakas ang pagtambol.

Habang nakapikit ang mga mata nya at nakikinig sa awit ni Ed Sheeran na Photograph ay ang paglapat ng ulo ng babae sa balikat nya. Medyo nagulat sya doon, kinapa nya ang babae, mahaba ang buhok nito na tantsa nya aabot hanggang beywang, sinunod nyang kinapa ang mukha nito, makinis halatang alaga, mahahaba ang pilik mata, matangos na medyo maliit ang ilong, medyo may kakapalan ang mga labi.

Nag init ang pakiramdam nya dahil naguguhit nya sa isip ang magandang itsura ng babae. Bumaba pa ang mga palad nya, dumako ito sa may beywang ng babae, "25" aniya ang sukat ng beywang nito, '34' aniya sa isip ng sukat ng balakang nito.

Nakagat nya ang labi, hinapit ang babaeng kung makatulog sa balikat nya ay napaka komportable.

Ang ganda na nga ng iyakin at patpating si Celine.

****

Pilit na pinipigilan ni Celine ang mapasigaw at makiliti ng suriin sya ni Mcky gamit ang mga kamay nito. Gusto nyang mapasigaw ng more! Kaya lang baka mabisto sya ni Mcky na nagpapanggap lang.

Gustong gusto na nya itong makausap kaya lang natatakot syang itaboy nito. Kaya naging shadow sya pansamantala ni Mcky. Maaga palang nag abang na sya sa pagising nito.

Hinanda nya lahat ng kaylangan nito, sya na sana ang magpapaligo dito kaya lang malakas ang shakrang pumigil sa kanya. SAYANG.

***

Isang umaga na naman, nakaupo na naman sa kahoy na upuan si Mcky, hawak ni Celine ang hose at nagdidilig ng mga halaman sa garden nila Mcky. Pasulyap sulyap sya rito. Hindi naman kumikibo ang lalaki at mataman ang pakikinig sa radyo.

****

Bitbit ang mga nilabhang kurtina napadaan si Celine sa silid na hindi nya pa napapasok. Ipinagkibit balikat nya ito at dumiretso sa katabing silid at inayos ang mga nalabhang kurtina.

Nadaan sya ulit sa silid na iyon, parang hinihila talaga si Celine kaya dahan dahan syang pumasok sa silid. Madilim ang loob nito at tanging maliit lang na siwang mula sa medyo nakaawang na bintana.

Hinanap nya ang switch ng ilaw, pagbukas ng liwanag mas namangha si Celine sa tagong kayamanan sa silid na iyon. Paintings....paintings...at paintings pa.

Ang gaganda ng mga tanawin na nakapinta dito. Namangha pa sya sa muling pagdako ng kanyang mga mata sa estanteng napuno ng recognitions. Lahat nakapangalan kay Mcky.

Isa syang pintor? Ano ba ang nangyari kay Mcky bakit hindi na ito nakakakita ngayon? Nagkasakit ba sya? Naaksidente?

Natigil ang pag iisip nya ng madinig ang malakas na sigaw doon lang din sa silid, hinanap nya ang kung saan nang galing ang pagsigaw kanina.

Nadurog ang puso nya sa nakikita. Yumuyogyog ang mga balikat ni Mcky, nakayukyok sa tuhod hindi na kailangan pa itong tanungin umiiyak ito.

Sa tabi nito ay nakatumba ang canvass, nagkalat ang paintbrush at iba't ibang kulay ng pintura. Magulo ang loob ng silid na iyon.

Siguro matindi ang prustrasyon nito, dahil hindi na ito makaguhit ng maayos halata naman na ang gulo ng nasa canvass nito.

"M-mcky..." nanginginig nyang tawag dito.

Parang nanigas si Mcky. Lumapit si Celine dito ay walang paalam na niyakap nya ang likod ni Mcky. Umiiyak din si Celine. Sya mismo ay naiinis sa sitwasyon ni Mcky.

Isang sobre ang nakita nya kanina, alam nyang isa iyon sa pangarap ni Mcky...ng lahat ng mga pintor para mas mahasa pa ang kanilang talento. Two months from now ang Zemdil Painters Guild competition, ang mananalo sa contest na iyon ay mabibigyan ng full scholarship sa isang Elite University sa Norway.

Kung pinipilit ni Mcky na magpinta ngayon, malamang naghahanda ito para sa nasabing competition.

"Tahan na Mcky...." sinasabi nya yun pero sya mismo hindi mapigilan ang pagbagsak ng mga luha.

"L-leave...leave me alone..." nakuha pa nitong sabihin.

"Hindi dito lang ako, i'll help you...hindi man ako marunong magpinta pero gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang..."


"Ano ba talaga ang nangyari sayo? Bakit ka nabulag?"

"Galing ako sa isang site sa Capiz, naglilibot ako kung saan may magandang tanawin para maging subject sa entry ko para sa Zemdil, ginabi ako sa daan, umuulan pa noon at hindi ko kabisado daan kaya naaksidente ako."

"Na damage ang mata mo?"

"Oo. Pero pwede pa ulet ako makakita pero kailangan ng alive donor...." malungkot itong napangiti.

"Masakit man, ayokong makasira ng kinabukasan ng iba. Ang dami kung gustong gawin Celine...pero kailangan ko ulet bumuo ng pangarap na isinaalang-alang na limitado lang dapat ang pangarap ko at hindi pwedeng mataas."

Kailangan may gawin sya para kay Mcky, ayaw nyang hindi matupad ang mga pangarap nito. Dapat may gawin sya hindi nya lang alam kung paano.


****

MAEJESTY

WHAT I CAN GIVEWhere stories live. Discover now