HIS EYES...HIS EYES

156 2 1
                                    


Kasabay ng bagsak ng tubig sa katawan ni Celine ay ang pag indak ng kanyang balakang. Ugali na nya ang sumayaw-sayaw at umindak tuwing maliligo. Katatapos lang nyang maglinis sa bahay bakasyunan ng Ninang nya. Darating daw kasi ang anak nitong si Mckenzee o Mcky.

Kababata nya si Mcky (makee) pero walong taong gulang palang ito ng umalis sa lugar nila at nanirahan sa ibang probinsya. Pulis ang Ama ni Mcky kaya kung saan ito nakadestino doon din sila. Naiwan ang dati nilang bahay sa pangangalaga ng Ina ni Celine.

Bakasyon ngayon kaya umuwi din sa lugar nila si Celine doon na kasi nya ipinagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo sa Bacolod City.

Ayun sa kanyang Ina madalas daw bumisita ang mga magulang ni Mcky sa dati nilang bahay. Kaya ng mabalitaan nyang uuwi si Mcky nagpresenta syang maglinis ng bahay.

Sa kabilang banda, dumating ang isang lalaki. Hindi na sya nag-abala na humingi ng tulong para maglibot sa buong bahay. Memoryado kasi nya ang buong bahay dahil dito sya noon madalas maglaro ng habulan at ng taguan hanggang sa kasuluksulukan ay tandang tanda nya.

Nakaramdam sya ng pagkauhaw, kaya naglakad sya papuntang kusina. Napangiti sya dahil ganun parin pala ang ayos ng buong kabahayan, wala man lang pinagbago kahit labing tatlong taon na ang nakaraan.

Ngunit ng sya'y papaliko na papunta sa ref ay nabangga sya ng isang silya, napaatras sya pero agad din nawalan ng balance kaya lumagapak ang likod nya sa semento.

Hindi agad sya nakagalaw dahil sa sakit ng pagkakabagsak nya.

Hindi narinig ni Celine ang nangyari sa kusina dahil sa ingay ng bagsak ng tubig sa shower. Sinabayan nya pa ito ng Adele birit song. Ng matapos sa pagbabanlaw tinapis nya ang tuwalya sa katawan nakalimutan nyang magdala ng pambihis.

Pagbukas nya ng pinto ay natalisod sya sa isang..Binti?!

Bumagsak sya sa ibabaw ng isang lalaki, nanlaki ang kanyang mata sa nangyari. Nakatingin lang ng diretso sa kanya ang lalaki, namumulang lumayo dito si Celine pero ang di nya inaasahan ng patayo nya ay nahubad ang kanyang tapis na tuwalya napasinghap sya at nilingon ang lalaki.

Hawak nito ang tuwalya nya habang nakahiga parin ito sa sahig. Nakatutok lang ang lalaki sa katawan nyang hubad dahil sa kahihiyan pinagsisipa ni Celine ang lalaki.

"Manyak! Bastos ka! Manyak! Gago!" Bawat bigkas nya ng salitang iyon ay tadyak sa lalaki. Ng mapagod hinablot ni Celine ang tuwalya sa kamay nito. Tahimik parin ang lalaki, naupo ito  at kumapa kapa. Hanggang sa maabot ng kamay nito ang mesa.

Nagkasalubong ang tingin ng dalawa nakaigting ang bagang ng lalaki halatang nagpipigil ito ng galit, pansin ni Celine na parang may mali, sa mga tingin ng lalaki, sa mga blankong expresyon ng mga mata nito.

Hirap na hirap ito sa pagtayo, habang diretso ang tingin, dahan dahan inangat ni Celine ang kamay, itinapat sa mukha ng lalaki at ikinumpas.

Napasinghap si Celine ng ganun parin ang reaksyon sa mata ng lalaki diretso parin ang tingin nito. Tuluyang nakatayo na ang lalaki, itinaas nito ang kaliwang kamay at kumapa kapa sa hangin hanggang sa dumapo ang palad nito sa dingding. Naglakad na ito palabas ng kusina habang nakaguide sa dingding.

Nahihiya si Celine sa nangyari akala nya sinamantala sya ng lalaki hindi pala, may deperensya sa paningin ang lalaki. Mabubunggo na sana ito pero mabilis na tumayo si Celine at iniwas ito, nag "tsk" lang ang lalaki at marahas na kinuha ang kamay nyang nakahawak sa mga braso nito.

"Umalis kana kung sino ka man, ayoko na may aaligid na kung sino man sa bahay ko." Ma autoridad na sabi nito.

"Oh eh bakit sino kaba? For your info lang Mr, Ninang ko mismo ang nagbigay sakin ng susi sa bahay nato at for your information again dito ako natutulog everytime na uuwi ako dito sa lugar namin. Ikaw sino ka ba? Basta basta ka na lang humihiga sa sahig natapilok tuloy ako..."

"Leave." Sa dami at haba ng sinabi ni Celine yun lang ang sinagot nito.

"Sino ka muna..."

"Mckenzee Locsin. Now leave."

Napatalon si Celine at napaharap kay Mcky. "Mcky! Oh my God Ikaw na yan?! Ang gwapo mo na lalo noon tumutulo pa yang sipon mo! At ang galing japorm na japorms ang pormahan ah!"

Walang kareaksyon-reaksyon si Mcky tinapik ito ni Celine sa balikat. "Oy, Mcky nakakatampo ka...si Celine ito..." napayuko sya at naghintay ng sasabihin ni Mcky dahil sa kanyang pagpapakilala.

A minute pass. Walang ingay na narinig sa kanilang dalawa. Then Mcky said. "Leave now. Dont ever comeback and Please lock the door."

Tulala at nakanganga lang si Celine matapos syang lampasan ni Mcky. Napanguso sya at napapadyak. Tinakbo nya ang distansya ng pinto dahil sa masunuring dalaga nilock nya ang pinto. Pero napangiti ng hindi sya lumabas ng bahay.

"Magtutuos tayo Mckenzee Locsin. Hindi mo ako pinapansin ah! Tignan natin..."

****

MAEJESTY

WHAT I CAN GIVEWhere stories live. Discover now