V - Curiosity

42 11 0
                                    

"Things never go the way you expect them to. That's both the joy and frustration in life. I'm finding as I get older that I don't mind, though. It's the surprises that tickle me the most, the things you don't see coming"

- Michael Stuhlbarg

November 18 20XX 10:05 AM

[GAB'S POV]

Katahimikan. Yan ang bumalot sa buong silid pagpasok namin. Agad naming nakuha ang atensyon ng lahat ngunit hindi ko iyon ikinabahala. Kilala ko at paborito ako ng professor ng klase namin ngayon, kaya naman malakas ang loob kong pumasok ng late.

Nginitian ko si Mrs. Kang nang magtama ang mga tingin namin at bahagya pa akong tumungo bilang tanda ng respeto. Siya rin ang naging professor ko sa Japanese language courses na kinuha ko noong isang taon. Gumanti naman ito ng ngiti at umaktong magsasalita ngunit bigla itong tumigil.

Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi na rin naging maaliwalas ang kanyang mukha. Bahagya akong nagtaka kung bakit nagkaganito ang reaksyon ni Mrs. Kang.

Hala! Di kaya baka papagalitan na niya ko?

Eh pangalatlong late ko pa lang naman diba?

Tinignan ko siyang muli at doon ko napansin na hindi na siya sa akin nakatingin. Blanko ang ekspresyon ng mukha niyang nakatitig sa taong kasama ko. Nahaluan ng pagtataka ang mukha ni Mrs. Kang nang makita niya ang magkahawak naming mga kamay.

Napalingon naman ako sa kasama ko na hindi na rin maipinta ang mukha. Agad ko rin namang naramdaman ang marahas na paghugot niya sa kanyang kamay. Inis akong tinignan nito at dali-daling pumunta sa harap ng silid at humarap kay Mrs. Kang.

"오랜마님니다" bati nito kay Mrs. Kim at bahagya ring tumungo. (Oraenmanimnida)

*It's been a while

"앉아 우리는 나중에 얘기하자" pagkatapos nitong pinirmahan ang registration form ay agad rin niya itong ibinalik. (Anja urineun najung-e yaegihaja)

*Sit down. We'll talk later.

Now this is interesting. Marunong din magkorean itong si new student? Naintindihan ko ang sinabi nila dahil bihasa na akong mag-Korean. Kinailangan ko lang talagang kunin itong course subject na ito para sa requirements.

So this means they know each other?

Agad rin naman kaming umupo. Hindi kami naging magkatabi dahil sa alphabetical ang seating arrangement. At kahit na maging magkasunod pa ang apelyido namin ay hindi pa rin kami magkakatabi dahil sa late enrollee siya. Ang mga late enrollees ay pinapaupo sa pinakahuling upuan ng klase.

Lumilipad ang utak ko habang nagkaklase. Hindi na ko nag-abala pang makinig dahil marunong na akong mag-Korean. Pumapasok lang naman talaga ako para sa attendance. I'm more interested in getting more information about the new student. Hindi ko alam kung bakit, pero panay ang lingon ko sa likod para mapagmasdan siya.

Base sa natunghayan ko kanina, marunong at nakakaintindi na rin siya ng Korean. Maaari nga ring kinukuha lang rin niya ang course subject na ito para sa required units. Pero habang pinagmamasdan ko siya ay bakas na bakas sa mukha nito ang pagkaseryoso. Maigi itong nakikinig kay Mrs. Kang, at nakakahiya mang aminin ay natutuwa ako sa itsura niya.

I don't find it amusing when someone's mouthing out words, as they try to keep up with what's being taught. Pero sa kaso niya, iba ang epekto sakin. Interesado talaga ako sa kanya.

"오늘은 모든입니다. 수요일에 여러분 모두를 참조하십시오." (Oneureun modeunibnida. Suyoil-e yeoreobun modureul chamjohasibsio.)

12 Minutes [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon