Chapter 7 : Iyak

8 0 0
                                    

Chapter 7 : Iyak 

Justine's POV

Di ko alam kung saan ako pupunta. Kaya pumunta nalang ako sa sementeryo. Madali ko lang nakita yung puntod ni Ren. Tumambay ako doon at Umupo sa lapag. Wala akong nagawa kundi Umiyak.

"Ren, ren. Sorry. Sorry sa mga nagawa ko dati. H-hindi ko alam. Hindi ko alam.."

Inabot ako hanggang gabi dito. Tsaka ko lang naisip yung number ni Xandra. 

Kinuha ko yung Phone ko at di-nial yung  number ni Xandra. 

Walang sumasagot. Puro ring. At voice messages lang ang pwede. Kaya nag voice message nalang din ako. 

Di pa ko makapagsalita ng maayos dahil umiiyak parin ako. 

Puro hikbi nalang yata maririnig mo dun sa message ko. 

"Xandra.. Please meet me here. P-please. P-please."

Xandra's POV 

Ano ba to. kanina pa nagriring yung phone ko. Tsk. 

"Mai, sasagutin ko na to. kanina pa pala nagriring. Feeling ko imporatante to e." 

"Sige lang.. Wag mo bitawan manibela mo. Haha. naalala mo nung last time na nabitawan mo yung manibela? Haha. Nakakatawa pramis!" Haha. Nag-rereminisce. 

Binuksan ko na yung phone ko. 

"Xandra.. Please meet me here. P-please. P-please."

Natahimik kaming lahat nang marinig namin yun. 

Gabi na at nasa Bulacan na kami. 

Tinignan ko yung mga kasama ko, at tumango lang sila sakin. 

Inikot ko agad yung manibela at pumatungo pabalik.

"Panu yan. Umaga na tayo makakarating dun" Pagaalangan ni Vien. 

"Basta.." 

Pursigido talaga kame makapunta ..

--------------------

Nandito kame sa Ospital ngayon. 

Pano. Nabangga kame. May pilay si Vien. Nasugatan naman si Mai. At nauntog ako. 

Ka-bobohan ko talaga. 

"Aray! Aray, miss, teka naman masakit diba?!" Naririnig ko si Mai habang ginagamot siya. 

Nilapitan ko siya at tinignan. 

"Sorry talaga Mai." 

"Okay lang. Bilisan nalang natin dito. Kailangan pa natin makita si Justine." 

"S-sige." 

--------------------

Umaga na nang makarating kame sa Sementeryo. 

Pagkapasok na pagkapasok namin sa puntod, may babaeng nakasandal dun sa stante kung saan nakapatong yung ash ni Ren. 

Hinawakan ko yung balikat niya.

"Tine."

Dumilat siya at nakita niya ko. 

Hinila niya ko tapos niyakap niya ko. Umiiyak siya sa balikat ko.

"Bakit?! Bakit! Bakit wala man lang nagsabi sakin? " 

"S-sorry." Yun na lang yung nasabi ko sa kanya. 

"Sorry?! Sorry?! Alam mo diba! Alam mo kung anong nangyare bago ako umalis?" Oo. Alam ko. Anung sasabihin ko? 

"K-kase, ayaw niyang ipasabi ko sayo." 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Do you still remember the days we know each other?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon