One

171 6 1
                                    

ONE

***

*Click*

Tinignan ko ang nakunan kong litrato. Mmmh... like always. Maganda pa din ang una kong kuha. *Sigh* Pero may kulang.

“Hoy, Raven!”

Lumingon ako sa tumawag. “Tapos ka na ba dyan? Aalis na raw tayo sabi ni Boss.” Naka-ngiting sabi ni D’mitri. Tumango na lang ako tsaka kinuha ang mga gamit ko. Naglakad na ako papalapit sa kanila.

“Ang tahimik mo Raven.” Bungad nya sakin. “Ba’t di ka magsalita?”

“May kailangan ba akong sabihin?”

“Eh? Wala naman.” Napakamot sya ng batok.

“Nako naman kasi D’mitri. Alam mo na ngang ganyan yan si Raven, nagtanong-tanong ka pa =_=.” Sabi naman ni Aicelle.

“Hehehehe sorry na. Dati naman madaldal yan diba? Naging tahimik lang sya simula ng mawala si...”

“D’mitri!” napalingon kaming lahat ng sumigaw si Rachel. “Tumahimik ka na.” May diin nyang sabi.

Napayuko sya, “Opo Boss.”

Umiwas ako ng tingin. Ayan na naman. Yang nawala na naman. Ano ba kasi talaga yun? Ano ba kasi ang talagang nangyari? Bakit sinabi na naman ni D’mitri na dati madaldal naman daw ako, pero tumahimik simula ng mawala sya? Sino ba sya? Sya ba ang kulang? Bakit wala naman akong matandaang nawawala sakin? Bakit ganito?

“Raven?” naramdaman kong may tumapik sakin. Nilingon ko sya.

“Bakit?” tanong ko kay Rachel.

“Ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong nya sakin.

Tinitigan ko sya. Ano ba ang dapat kong sabihin? Ayos ba ako? Di ko ramdam. May kulang sa sarili ko at alam ko yun.

“Oo.”

 Kaya alam ko rin na di talaga ako ayos.

***

Nandito kaming lahat sa opisina. Anong ginagawa namin dito? Nag-t-trabaho malamang. Ine-edit ko ang mga pictures na kinunan ko kanina. Ako ang Head Photographer ng Lux Publishing Company. Si D’mitri naman ang Head Editor namin dito. Si Aicelle naman ay ang Head Writer, mga articles ang madalas nyang sinusulat pero nagsusulat din naman sya ng stories. Si Rachel naman ang Company President, tawag namin sa kanya dito ay Boss.

Di man halata pero, mag-be-bestfriend kaming apat. Simula nung bata pa kami ay magkakasama na kami. You can say that we lived our whole lives with each other, ‘cause literally? We did. Mag-be-bestfriend din naman ang mga magulang namin, mag-ka-ka-sosyo sa business. Pero may individual businesses pa din naman. Etong company? Samin din ‘to, at sa aming apat ipinamahal nila Mama ‘to.

Kilala na naming apat ang isa’t isa. Alam na namin lahat ng good traits, at the same time, alam din namin ang lahat ng baho. We all live in one house. Why? Wala lang, trip lang namin. Ganun na kasi yun simula bata pa kami, that’s why we decided to continue it up ‘til now.

Pero, tulad nga ng sinabi ni D’mitri, dati madaldal ako, dati makulit ako, dati mas masaya ako. Ngayon? Oo, masaya naman ako. Pero kasi, may kulang. There’s this little empty space in me, that I don’t know what or who is going to fill. Or... maybe, that space was once filled but it was removed or it disappeared. I don’t know.

“Hey guys! You all need to finish this tomorrow. Remember, tomorrow’s the deadline.” Paalala ni Rachel saming lahat bago sya pumasok ulit sa loob ng kwarto nya.

“Raven!” Lumingon ako. “Kompleto na ba lahat ng photos mo para sa article?” tanong ni D’mitri, sya ang mag-lalagay ng litratong kinunan ko sa article. Editor, remember?

“Di pa. Kulang pa akong ng mga photos sa dalawang site.” Nilingon ko sya. “Don’t worry, aalis ako ngayon para kuhanan yun. By the end of the day, mabibigay ko na sayo.”

Ngumiti sya. “Thanks Ven.” Aalis na dapat sya pero napatigil sya at humarap ulit sakin. “Oh yeah, sa bahay ka na dumiretso. Aalis din ako ngayon kasi sasamahan ko si Aicelle na mag-grocery. Tsaka, ako naka-toka magluto ng dinner ngayon diba?”

I nodded. Hinarap ko ang laptop ko. “Bakit kasi di pa kayo mag-pa-kasal diba? 25 ka na, 24 na si Aicelle. Ilan taon na rin ‘In a relationship’ ang status nyo. Why not step into a next level?”

Wala akong narinig na response kaya nilingon ko sya, at nakitang sobrang pula ni gago. I chuckled. “Oh, anong itsura yan D’mitri?”

“Aish!” binatukan nya ako.

“Ah!” napa-hawak ako sa ulo ko. “Para san naman yun?!”

“Tarantado ka talaga! Di mo ba alam na nakakahiya yung sinabi mo?!” Umiwas sya ng tingin pero namumula pa rin ang mukha nya. Nakita ko na ang pula din ng dulo ng tenga nya. Hahahahahaha

“Gago! Anong pinagsasabi mong nakakahiya? Asan dun ang nakakahiya?” tinitigan ko sya at bigla akong may naisip *Ting!* I smirked, “Don’t tell me...”

Tinignan nya ako, “Ano?” naguguluhan na sya. Hahahaha damn, his face is priceless! So that’s the reason.

“Hahahahahaha!” I finally burst into laughter. Napatingin lahat ng tao sa office sakin. Pati nga sina Aicelle at Rachel ay lumabas mula sa kwarto nila.

“Why are you laughing Raven?” Aicelle asked when they arrived at the place where D’mitri and I are standing.

“Hahahaha nothing, really. It’s just that I figured out something.” After saying those word, I continued laughing.

“Okay. Okay. Raven, stop laughing and spill it.” Rachel said with authority. She crossed her arms.

“Listen, you guys. Sa tingin ko kasi...” I stopped to catch my breath. “This guy over here...” inakbayan ko si D’mitri.

“Ako?” tanong ni D’mtri habang nakaturo sa sarili nya.

“Oo, gago. Malamang ikaw. Ikaw ‘tong hawak-hawak ko diba?”

“Sorry na.”

“Tigilan nyo na ang pasakalye. Ano bang nakakatawa kanina ha? Ang ingay mo kaya.” Sabi ni Rachel.

“Hahaha sorry sa tawa ko kanina. Hahaha minsan lang naman ako tumawa ng ganun kaya sagadin na diba?”

“Fine.” Umirap sya. “Sabihin mo na kasi.”

“Hahaha lapit muna kayo,”

Sinimangutan nila ako.

“Oh come on! Lalapit lang e!”

“Aish! Oo na! Oo na!” lumapit silang dalawa.

Tinulak ko naman palayo si D’mitri.

“Ano ba Ven! Makatulak ‘to!” nag-pout sya. Ang bakla!

“Di kita kailangan ngayon e. Hehehe” inakbayan ko naman ngayon sina Aicelle at Rachel. “Ganito kasi yan...” binulong ko sa kanila.

“Hahahahahaha!” tumawag si Rachel samantalang namula naman ng sobra si Aicelle.

“Nakakatawa diba? Hahahahaha,” tanong ko kay Rachel.

“Hahahaha oo. Grabe! Ngayon ko lang na-realize!”

“Oh ano, Aicelle?” tumingin sya sakin saglit tapos tinignan din si D’mitri. Namula sya lalo.

Tumingin naman sakin si D’mitri, “Hoy Raven, ano ba yung sinabi mo?!” naguguluhan pa din ang itsura nya.

“Hahahahaha bawal sa torpe!” sigaw ko tsaka kinuha ang camera at susi ng kotse ko, tsaka tumakbo ako palabas ng office.

“RAVEN!” narinig ko pang sigaw ni D’mitri bago ako pumasok sa kotse ko at pumunta sa dalawa pang natititrang site.

The Picture (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon