Four

72 3 0
                                    

***

The Picture

Written by xxxheartgirlxxx

***Four***

-Raven Tolentino's POV-

"Pano... pano mo ko nayakap?" tanong ko sa kanya.

Nagkatinginan kami. Bumitaw sya sakin tapos nilagay ang pointing finger nya sa may baba ng labi nya. Yung parang nagiisip.

Pagkatapos ng ilang segundo.

Tinaas nya ang pointing finger nya. Ngayon yung parang nagkaroon sya ng... BRIGHT IDEA.

"Oo nga no?!" she exclaimed.

"So pano nga?" tanong ko ulit.

Tinitigan nya ako. Tapos...

"... Ewan." sabay nag shrug lang sya.

Ay... kala ko naman may makukuha akong matinong sagot. Nu ba yan...

"Sure ka bang multo ka?" 

"Oo naman!"

"Weeeeeeeeeeeh... Sige nga patunayan mo."

"SIGE!!!!" tapos tumakbo sya. Lumapit sya dun sa isang Aling Tindera. Tapos...  Bigla nyang... SINUNTOK??

Pero di nasaktan yung Ale. Tumatagos lang ang mga suntok nya e. Multo nga.

"O ANO?!! NANINIWALA KA NA?!!" sigaw nya habang nandun parin sya sa pwesto nya.

Maloko nga to. Ano kaya gagawin nya?

"HINDI E!! MUKHANG DI KA NGA MULTO!!!!" sigaw ko sa kanya.

Nagulat sya. Tapos naging DETERMINED naman yung itsura nya.

"PAPATUNAYAN KO!!!!" ngayon naman nagdadabog syang tumakbo sa may gitna ng kalsada.

Teka... anong gagawin nito? 

*Peeeeeeeeeeet* *Peeeeeeeeeeet* 

(A/N: Busina po yan ng truck. Walang pakelamanan sa Sound Effects. Basta sa Trcuk yan. :P)

Napatingin ako sa kanan ko. May truck na paparating. Dun dadaan sa pwesto ni Anna. Pero si Anna nakatayo pa rin dun.

"Anna!! Umalis ka jan!!" sigaw ko sa kanya.

"Ayoko!!!! Papatunayan ko sayo na multo talaga ako!!!!" sigaw nya.

"Ano ba Anna!!!! Alis na jan!!! Naniniwala na ako sayo!!!!" nagaalala na ako sa kanya e.

"Di ka naniniwala!!!!" 

"Naniniwala na sabi ako e!!!!"

"Di kayaaaaaa!!!!"

"Oo nga!!!!"

"Eeeeeeeee!!!!!!!!!"

*Peeeeeeeeeeet* *Peeeeeeeeeeeeeeet*

"Annabeth!!!!" 

"..." tumahimik sya saglit. Nakatingin sya sakin. Ganun din ako sa kanya. "O sige na nga." papaalis na sya dun. Naglalakad na sya...

*Wooooooooooooooooooooooooooooooooosssssssshhhhhhhhh*

"Anna!!!!" tumakbo ako papunta sa pwesto nya. Wala sya.

"Anna? Anna? Anna??" palingon-lingon ako. Wala sya.

"Sht." 

"Wui."

Napalingon ako. Si Anna... ok lang sya. walang sugat o kung ano pa man.

"Naniniwala ka na? Multo talaga ako no. Naalala mo ba? Nasagasaan din ako kanina? Second time na to." sabi nya. (^o^)V

Naalala ko. Oo nga no? Wala pa nga atang isang oras ang nakakalipas e. Nakalimutan ko agad? Ulyanin na ata ako. 

"... Oo nga no? Nakalimutan ko. Nagalala pa naman ako. Psh... nu ba yan." nasabi ko na lang pagkaalala ko. (=______=)

"Woah woah woah... nagalala ka??? Talaga? Nagalala ka sakin????" natutuwa nyang tanong. (*o*)????

Ay... nasabi ko ba talaga yung NAGAALALA part??!! Sht... dapat di ko yun sasabihin e. Bigla na lang lumabas sa bibig ko. 

"H... ha?! A... a... anong pinagsasabi mo jan?! Wala akong sinabing ganun no!" kinaila ko na lang. Di ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko kinaila. Basta...

"Eeeeeeeeeeeeeh?!! Sinabi mo kaya!!! Wag kang sinungaling!!!!"

"Wala akong sinabi... nakarinig ka lang siguro ng kung ano jan."

"Pero narinig ko talaga e. Sure ako dun." nagsalubong na ang kilay nya. Pilit ata nyang iniisip e. 

"Aish... pag di ka tumigil di na kita tutulungan!!!!" 

"Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh???!!!!" nagulat sya. "Sige na nga. Wala ka nang sinabi." nagpout sya. (=3=)

Pwew... nakaligtas ako dun ah. Kasi naman e, bakit ko ba un nasabi? Ay EWAN!!!!

***

Umuwi ako ng bahay.

Pagod na ako. Sobraaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa...

Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay si Rachel agad ang nakita ko. Pababa sya ng hagdan.

"Oh Ven, bakit andito ka na? Mamaya pa uwi mo diba?" tanong nya sakin habang papalapit.

"Tinamad na ako pumasok e. Cutting na lang." palusot ko sa kanya. Alangan naman sabihin ko na...

'Nakakita kasi ako ng multo. Tapos sabi nun sakin tulungan ko daw sya. Nagulat lang ako na may multo pala. Kaya ayun tinakbuhan ko sya. Pero sa huli napapayag nya akog tlungan ko sya. Gusto mo tumulong ka rin samin?"

Baka akalain pa ni Rachel na baliw ako. Mabuti pang wag ko nang sabihin.

"Umalis pala si Tita. Pumuntang clinic."

"Ha? Bakit?" 

"Ilang araw na rin kasi yung pagkahilo nya. Kaya naisipan nya kanina na pumunta na dun." sabay upo nya sa sofa. "Pasalamat ka talaga at wala si Tita. Kundi sesermonan ka talaga nun."

"Yaan na." sabi tsaka umakyat na papuntang kwarto ko.

"Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay ansakit ng ulo ko." humiga ako sa kama. Nakakahilo pala pag marami kang nalamang bagay na hindi mo aakalaing totoo. Nakakasabog ng utak!!

Pinikit ko ang mata ko. Maya-maya din e nakatulog na ako.

*Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz*

"Mmmmm mmmm mmmm mmm."

Naalimpungatan ako ng bigla akong may naririnig na naghahum. 

(A/N: At dahil tamad ang inyong writer pabitin epek muna tayo ha? XD Abangan kung ano ang mangyayari. :P)

The Picture (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon