Chapter 6

2K 62 0
                                    

Lucille's POV

Naandito na kami ngayon sa bahay hinihintay ang bruhang si Andrea na pinaghintay kami sa bookstore pero di sumipot.

Nakarinig kami nang pagbukas ng pinto, baka si Andrea na yun. Kaya lahat kami ay napatayo sa pagkakaupo at tiningnan kung sino yung nagbukas nang pinto.

Nakita namin si Andrea na nga ito kaya lahat ng mga kilay namin ay nagsitaasan at kaming tatlo ay mga nakacrossed arms.

Ngumiti lang samin si Andrea "What's up?" sabi nya smin. Ah ganun what's up? Hindi ba nya alam na pinaghintay nya kami ng isang oras dun sa bookstore.

"What's up?! Ha?! Ganun na lang ba yun ha?! Hindi ka man lang magsosorry samin dahil sa ginawa mong hindi pagpunta dun sa bookstore kanina. Alam mo bang nangalay kami kakahintay sayo dun? 1 hour Andrea. 1 hour!" sigaw ni Alexis haha hindi na nakapagtimpi ah.

Napayuko si Andrea tapos huminga sya nang sobrang lalim "Sorry" sabi nya.

"Sorry? Sorry talaga? Hay naku Andrea ang sakit kaya nang paa nmin dahil sayo. Hindi ka man lang nagpasabi samin na hindi ka na pala makakapunta. Nagmuka po kaming ewan dun" sabi naman ni Sab.

"I'm sorry may nangyari kasi eh" sabi ni Andrea, napasmirk nman ako "May nangyari? Ano nman yun ha?!" sabi ko

"Eh kasi kanina I'm on the way to the bookstore when two adiks blocked my way. They try to rape me" sabi ni Andrea. Nagulat naman kaming tatlo "What?!" sigaw naming tatlo.

Nagnod lang sya nang nagnod "So what happen next nadevirginized ka ba nila? Is your virginity already taken away?" tanong ko.

"Nope. Someone save me" sabi nya nakahinga nman kami nang maluwag "So sino?" tanong ni Alexis.

"Si Kevin ang tumulong sakin" sabi nman ni Andrea lahat kami nanlaki ang mata. Weh? Talaga si Kevin na 1st Prince ang tumulong sa kanya. Wit madami na kaming alam sa school. Tao na kami hahaha.

"Oo. Bakit parang hindi kayo makapaniwala? Alam nyo alam kong sya ang 1st Prince and he's very suplado and cold if you compare to the others except the 4th prince mas cold yun pero tinulungan nya ako ang problema may kapalit" sabi ko

"Kapalit? Ano namang kapalit?" sabi ko bigla namang sumimangot ang muka nya pero biglang ngumiti. BALIW! "Ano ahmm magiging fake girlfriend nya ako tapos pagseselosin nmin yung crush nya" sabi ni Andrea.

"Pagselosin yung crush? Paano naman kayo nakakasigurado na magseselos yung crush nya?" tanong nman ni Sab

"Yun na nga eh yun na yung sinabi ko sa kanya pero sabi nya feeling naman nya may feelings yung crush nya para sa kanya ewan ko dun masyadong confident" sabi ni Andrea.

"Hay naku saka na natin pag usapan yan masyado na tayong madaming ginawa ngayong araw kaya matulog na tayo nga pala Andrea nakakain ka na ba?" tanong ko.

"Oo kumain na ako" sabi ni Andrea

"Eh? Nilibre ka ni Kevin?" sabi ni Sab umiling si Andrea "Hindi kumain akong mag isa. Pagkapakita nya kasi sakin kung sino si Arianne iniwan na nya ako nakakainis nga eh.." sabi ni Andrea.

"Ano pa nga bang maaasahan mo dun sa mga yun. Tss, tara na tulog na tayo" sabi nman ni Alexis.

Umakyat na kami papunta sa mga kwarto nmin at natulog

Kinabukasan lahat kami ay medyo late na nagising kaya hindi kami magkaalaman kung anong unang gagawin namin kaya eto medyo late nga kaming nakapasok pero buti wala si ma'am

Nilagay ko muna yung bag ko dun sa upuan tss wala pa ang magaling kong katabi. Hay hayaan na yun sana nga hindi na yun pumasok eh.

Lumabas ako nang room at pumunta sa washroom tapos ay tumingin sa salamin hahaha mananalamin lang ano ba kayo. Pagkatapos kong magpaganda at pagkatapos mabasag nung salamin dun sa washroom grabe hindi na keri ang ganda ko. Hmmp!

GANGSTER Princes V.S CASSANOVA PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon