Chapter 3

2.5K 74 1
                                    

"Gumawa tayo ng kasunduan, I mean schedule para sa mga hindi dapat gawin tuwing may pasok" sabi ni Sab nung natapos na kaming kumain ng dinner

Andrea's POV

"Sige!" pagsang-ayon nung dalawa. Umupo kaming apat dun sa dining chair. Nang naimis na namin yung pinagkainan namin "Tayong apat ay magbibigay ng batas ok? Ang hindi tumupad o ang lumabag dito ay may karampatang parusa" sabi ni Sab.

"Ako muna ang magbibigay ha. Ahmm let see, ah alam ko na tuwing may pasok bawal magpuyat" sabi ni Sab, nagtinginan nman kami sa isa't isa at tumango, inilista ni Sab yun sa papel.

Bawal Gawin Tuwing May Pasok:

✔ Bawal Magpuyat

Punishment: Hindi ka gigisingin ng kahit na sino kung di ka nagising ng maaga bahala kang magpalusot kay Ma'am kapag nalate ka sa klase

"Ako nman!" sabi ni Lucille "Dapat at exactly 8:30 pm lights off na" sabi nito habang naka ngiti, pumayag nman yung dalawa sa sinabi ni Lucille bahala nga sila dyan. Pero kelangan kong gawin kung ano mang nakasaad dun or else I will be punish T__T

✔ By exactly 8:30 pm- Lights off

Punishment: Ikaw ang maglilinis ng buong bahay sa loob ng isang linggo

"Teka? Isang... isang linggo? Ang tagal nman ata nun? Bakit ba kasi hindi nalang kumuha ng maids" sabi ko, tumingin nman sakin si Alexis "Kaya nga nating hiniling sa mga magulang natin na gusto nating maging independent kasi we want to stand in our own tapos gusto mo ng maids. Tsss kung magmamaids lang tayo dapat tayo'y bumalik na sa kanya kanyang bahay natin" sabi ni Alexis.

Oh? Bakit highblood sya? Nagsusuggest lang ih. Nagpout nalang ako.

"Ako nman. Ahmm dapat magsha-share tayo ng mga sagot kapag may assignment kasi diba malay mo hindi alam nung isa tapos alam mo nman kung baga share your answer hahaha" sabi nman ni Alexis, ngumiti yung dalawa tapos isinulat yung sinabi ni Alexis

✔Share your answer in your assignment/s

Punishment: Hindi ka papansinin sa loob ng isang araw kapag di ka nagbigay ng sagot mo!

Ano ba nman yan pati yun may punishment ahah! Ganun na ba nilang balak magbagong buhay? Pwede bang konti lang muna, para namang kulungan to.

Tumingin silang lahat sakin "Babae! Ikaw nalang hindi nagbibigay ng rule mo" sabi ni Sab skin. Tumingin nman ako sa kanila "Wala akong maisip eh" sabi ko "Aba ay mag isip ka" sabi ni Alexis "Oo nga, dapat lahat tayo may binigay na rule" sabi ni Lucille.

Nag isip nman ako. Ahah hindi pwede, ayun na lang ang pinanghahawakan ko hindi ko pwedeng sabihin yun. Never! Yun na nga lang ang pwedeng gawin kapag may pasok eh. Hindi! Hindi ko yun sasabihin.

Andrea-ya! hwaiting!! (hwaiting- fighting)

"Sabihin mo na kung ano man yang iniisip mo" sabi ni Alexis "Oo nga. Naghihintay kami" sabi ni Lucille. Ahah teka bakit pinagpapawisan ako at parang nasa hot seat ako ngayong oras na to.

"Kung ayaw mong sabihin ako na ang magsasabi" sabi ni Sab "Hindi sige ako na" huminga muna ako ng malalim bago nagsalita "Ano..ahmm tuwing may pasok..bawal...gu--gu---gumimik?" sabi ko na parang tinatamlay ako.

"Yun! Sinabi din" sigaw nila. So expected na nila na yun ang sasabihin ko? Tsaka talagang makakaya nila na walang gimik?

✔ Bawal Gumimik tuwing may pasok

Punishment: Hindi isasama kapag gigimik ang barkada tuwing walang pasok kung baga GROUNDED ka!

No! Mamamatay na ata ako, torture na to mga pre! Bakit nyo to ginagawa. T.T

GANGSTER Princes V.S CASSANOVA PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon