Chapter 1

849 10 0
                                    

Nguusap ang barkada sa Snackery area ng school nila ng biglang tumatakbong dumating si Fretzie at tila may importanteng sasabihin sa kanila.

“Oh anong problema Fretz?” Nagtatakang tanong ni Quen sa kaibigan.

“Si Devon..” Hinihingal na sinabi ni Fretzie. “Si Devs..” pilit na tinatapos ang sasabihin.

“Ano nnmn ngyari don?May kaaway nnmn ba?” Tanong ni Coleen sa dalaga.

“Kailangan ba natin back up-an?Marami bang kaaway?” Tila wala sa mood na tinanong ni Robi bilang sanay na sya sa mga ngyayari sa kaibigan nila.

“Hinde!” Nakayanan na sumigaw ni Fretzie. “Ung kaaway nya ang kailangan natin back up-an!Kawawa naman walang kalaban laban!Baguhan ata dito at si Devon ang naka banga!” Napaliwanag na sa huli ni Fretzie.

“Ano?!”Sigaw ni Quen. “Hala kayo tara na!Baka kung ano pa magawa nun don!” Sabay takbo si Quen sa pinaggalingan ni Fretzie kanina at sumunod naman ang barkada.

--

“Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!Ayan tuloy nabungo mo ako!Tignan mo nga oh!Nabuhos mo pa ung bwiset na kape mo sa damit ko!!”Sigaw ni Devon sa isang binata na kaharap nya.

Buti nalamang ay may pumipigil na sa dalaga na bugbugin ang lalakeng nsa harap nya.Tatlong lalake ang naka hawak dito ng dumating sila Quen.

“Devon,ano nnmn ba ang ngyari?!” Si Quen na ang humawak sa dalaga.

“Ayan kasi oh!Yang lalakeng yan sinira araw ko!” Sigaw ni Devon at tila tatangalin ang sapatos para ibato sa binata.Buti nalamang ay napigilan sya ng mga kaibigan nito.

“Oh oh tama na!Para naman bawal na gumawa ng kamalian kapag kasama ka!”Pag pigil ni Quen sa kaibigan.

“Kami na bahala sa damit mo Devon..papahiramin ka nalang namin.May extra damit ako kasi may training kami sa volleyball mamaya eh..”Pilit na pinapakalma ni Coleen ang kaibigan.

“Ayoko nga!Mamaya pang babae ang ibigay mo sakin na damit!” Hindi parin kumakalma na sinabi ni Devon sa kaibigan.

“Sorry na Miss,hindi ko sinasadya..”Sa wakas nagsalita na ang binata na kinaiinisan ni Devon.

Napa palo nmn ang mga kaibigan ni Devon sa ulo ng bangitin ng binata ang salitang “Miss”

“Aba!Ngaasar pa ata itong mokong na to!Anong Miss?Ano suntukan nalang oh!” Pilit na kumakalas si Devon sa hawak ni Quen.

“Halika na Devs,tama na yan!” At binuhat na ni Quen ang dalaga papalayo sa basketball court kung san nagsimula ang away.

“Pasensya ka na ha..Uhm..”Kumamot si Robi sa ulo at nilahad ang kamay.

“Samuel pare..”At kinuha ang kamay ni Robi.

“Ah yon,Samuel..Ako nga pala si Robi..Bago ka ba dito?”Tanong nito.

“Oo eh..Mejo naguguluhan pa nga ako..Ung babaeng yon..”Nalilitong tanong ni Sam kay Robi.

“Ah yon,Si Devon yon..Darling Dude yan dito..Eh may pagka tibo lang kaya ganun.Pasensya na ulit ha?” Pag paliwanag ni Robi.

“Wala yon..”Ngiti naman ni Samuel.

“Ah ano,ganto nalang.Tour ka nalang naming dito sa School..mukhang naliligaw ka pa eh.”Alok naman ni Robi.

“Sure..salamat!”Sagot ni Sam at sumama na sa binata.

Tahimik lamang ito habang tntour sya ng bagong kaibigan pero sa isip isip nya ay hindi matangal ang ‘Babaeng’ nakita kanina..

You Stole My Heart - (On Hold)Where stories live. Discover now