Chapter 7

803 7 10
                                    

Pumasok na ng sasakyan ni Quen si Devon at agad agad naman nitong kinuha ang salamin sa kanyang bag.

Nagulat naman si Quen at inasar ang dalaga. "Aba!At kelan ka pa ngkaron ng salamin dyan sa bag mo?Eh madalas wala ka naman paki alam sa itsura mo.."

Hindi nmn sya pinansin ng dalaga at patuloy na inayos ang sarili sa salamin.

"Pffft..sinabi ko lang ksma natin si Sam nag ayos ka na agad.."Mahinang pang aasar ni Quen sa dalaga nguni't nariniig nya ito.

"Oi hindi kaya noh!"Naka simangot na sagot ni Devon at binaba na ang hawak na salamin.

"Sabi mo eh.."Pag tawa ni Quen.

"Teka..saan ba kasi tayo pupunta?"Tanong ni Devon.

"Pina pa kidnap ka sakin nila Fretzie..mag sshopping tayo for Coleen's birthday.Kailangan mo daw bumili ng damit." Pag ngisi ng binata.

"Utang na loob Quen ibaba mo ako dito!" Tila ng papanic na sagot ng dalaga.

"Naka child lock na po lahat ng doors except sakin..hindi ka na makakalabas."Pag tawa ni Quen at sumimangot nalang ang dalaga.

"I hate you.."Pag bulong nito.

------------------------------------------------------

"Devs!!!!!!!!Mabuti naman at sumama ka!"Pag bati ni fretzie sa kaibigan ay niyakap ito.

"Well done Quen..nauto mo ang leon!" Pag ngiti nito sa kaibigan.

"Nako,hindi naman mahirap eh..sinabi ko lang na kasama si-" naputol na sinabi ni Quen dahil siniko sya ni Devon at binigyan ng masamang tingin.

Hindi inaasahan ay dumating narin ang iba pa nilang mga kaibigan kasama na dito ang taong tila sabik na sabik makita ni Devon kahit na hindi alam kung bakit.

"Sam..si Devs oh.." Pang aasar ni Robi

. "Uyyyyyy!" Pang aasar ni Devon sa sarili nguni't natigilan sya ng mapag tanto na sya lamang ang gumawa nito.

Nag tawanan naman ang mga kaibigan nila at namula nalamang si Devon.

"Hay nako!Wala tayong mauumpisahan nyan,tara na guys!Shopping time!"Pag sigaw ni Coleen sa mga kaibigan at lahat naman ito ay sumunod na sakanya.

Nahati naman ang dalawang grupo sa lalake at babae.Ang kakaiba dito ay tila ang mga lalake ay mahilig din mamili ng mga damit.Si Devon lamang ang naiiba dahil hindi nya alam kung saan sya mamimili.Nakakita ito ng mauupuan sa isang tabi at nagmumukmok.

"HOYYYYYYY!ANONG GINAGAWA MO DYAN!" Ginulat na sinigaw ni Sam kay Devon ng makita itong nag iisa.

Nasuntok naman ni Devon ang binata sa gulat. "EPAL ka Sam,ginulat mo ko!"Pag sigaw ni Devon.

"Puso ko nahulog ata.."Tila hinahanap ni Devon ang nawawalang puso daw nya.

"Pag nahanap ko,akin nalang?" Tanong ni Sam sabay tumawa.

Nag ka tinginan naman ang dalawa ng maintindihan ang mga pinag sasabi nila.

"Bakit ba hindi ka kasi namimili ng damit?Magagalit sayo si Coleen nyan.." Pag basag ni Sam ng atmospera sa kanilang dalawa.

"Napilitan lang naman po kasi ako pumunta dito noh..Saka,di ko nga alam kung saan ako mamimili eh.."Buntong hininga ni Devon.

"Ahhhh..eh di..."Kumuha si Sam ng polo sa likod nya at pinakita sa dalaga.

"Mag ganto ka nalang..tapos lagyan mo ng bow tie..pwede ka ng maging waiter namin sa party." Pag tawa ni Sam at hindi napigilan tumawa narin ni Devon.

"Buang ka!" ang nasagot lamang nito.

*Beep Beep* nag ring ang telepono ni Devon at nilabas nya ito.

Nagtataka at pangungulit ay kinuha ito ni Sam.

"Sino to.." tila titignan na sana ni Sam ang Caller ID ng biglang hahatakin na sana ni Devon muli ito.

"Akin na yan Sam!!!" Pag mamaka awa ni Devon ng parang bata.

"Hep..patingin lang..kanina ka pa kaya may ka-text." Pag pigil ni Sam at tinaas pa ang telepono.

"Saaammm!!" Si Devon naman ay pilit na inaabot ito nguni't di makakaila na mas matangkad si Sam sakanya at hindi nya maabot ito.

Parang mga bata nag aagawan ang dalawa sa telepono.Para silang may mga sariling mundo at walang paki alam kung pinag titinginan na sila ng mga tao.

Tila si Sam ay nasisiyahan pa sa ginagawa nya ng biglang.. *Swwwwesssshhh* Nadulas si Devon sa sintas ng sapatos nya at nadulas ito

.Nasa harapan nya ang binata at nahagip nya ito.Nalaglag si Devon sa dibdib ng binata. Tila tumigil nnmn ang oras ng dalawa hangang sa mamalayan nila na nasa paligid na nila ang mga kaibigan.

"Eeeeeeeeeyyy!!Ang corny nyo!" Pang aasar ni Linn.. "Para kayong love team sa teleserye!" Pang aasar muli nito.

Tumayo na ang dalawa at patuloy na naghiyawan ang mga kaibigan.

"Wusshuuuu!!"Sigaw ng mga ito. Tila hindi maka tingin sa isa't isa ang dalawa.

Bigla naman naramdaman ni Sam na may humatak sa teleponong hawak nya..

"Aba!James Reid?!" Tila hindi maka paniwala na sinabi ni Fretzie ng mabasa ang nasa telepono ni Devon.

------------------------------------------------

Author's note: Cliffhanger much?Hehehe comments po sana ulit!Thank you po sa mga ng babasa! :) ♥

You Stole My Heart - (On Hold)Where stories live. Discover now