Kylie POV
"Masyadong masakit ang iyong paglisan marahil ikaw ay minahal ko ng lubusan pero ako'y nagpakatanga ang nangyari ay nangyari na. Mahirap man tanggapin masakit man isipin. Ako'y nagmahal ng isang tao, ang dahilan ng pag-iyak ko ay isang maling tao. Minsan nga'y napaisip ako kung worth it ba lahat ng pagiyak ko sayo? Minahal kita ng totoo. Minahal kita ng buong buo, pero kailangan ko na yatang tanggapin na iba ang mahal mo. Iba ang babaeng pinapangarap mo, at hindi ako ang babaeng yun. Dapat na ata akong bumitaw, dapat na ata kitang pakawalan, pakawalan ng buing buo, yung sasangayon ang isip at puso ko.."
"Woohhh! Bestfriend ko yan!" Sigaw ni Chanel. Bestfriend ko.
"Bugok! Bestfriend natin." Pagtama ni Yumi.
"Very good Ms. Hezina."
"Thank you po Sir."
"Okay so goodbye. You may take your lunch."
At ayun na nga pagbalik ko sa upuan ko na pinaggigitnaan nila Channel at Yumi. Hindi pa nakakalabas ang teacher namin ay nauna ng lumabas sila Tristan. Hays bastos.
"Bessyy ang galing mo kanina. Mukhang si Tristan ang pinapatamaan mo dun eh!" malakas na sabi ni Channel.
"Baliw ka. Paanong si Tristan eh never ko naman nagustuhan yun. Tch." Sabi ko habang nag-aayos ng gamit.
"AHAHAHAHA!" Tawa nila. Mga baliw amp.
"Uy ang ingay mo," sabi ni Yumi.
"Ay sorry. Pffffttt.."
"Alam mo yang bibig mo di mo mahinaan ang volume eh no laging malakas. Sira na ata ang volume mo no?" Sabi ni Yumi.
"Sorry na nga diba," Hahaha! Parang bata tong mga 'to. Nakakatawa.
Pero kung alam lang talaga nila.
"Tara na nga." Pag-aya ko sa kanila at lumabas ng ng classroom. Pumunta kami sa canteen at umupo. Buti wala pang masyadong tao.
"Yumi, Kylie, ako na bibili ng pagkain." Pag prisinta ni Channel.
"Talaga!?" Tanong ni Yumi.
"Baliw. Akin na yung pera ako bibili. Tch"
"Ay!"
"AHAHAHA! Oh eto yung pera." Sabay bigay ko ng pera kay Channel.
"Akala ko pa naman din" pagreklamo ni yumi.
"Akala mo lang yun." sabay lakad ni Channel.
"Nako. Sasabunutan ko talaga yung babaitang yun. Binelatan ba naman ako."
"Bayaan mo na. Kayo talaga."
"Kylie, OMG look sila Tristan oh kasama yung mga power puff girls!"
"Wag ka ng maingay bayaan mo na. Tsaka ano? Power puff girls? Seryoso ka ba?"
"Like duhh magsama sila. Ugh. I dont like them talaga."
"Ikaw lang ba?" Sabay sulpot ni Channel.
"Hays bayaan niyo na nga," Ang kulit talaga ng mga 'to.
"C.R lang muna ako." Paalam ko sa kanila sabay punta ng C.R.
Pagpunta ko sa C.R humarap ako sa salamin. Bakit ganun? Aaminin ko.Walang nakakaalam.Walang nakakaalam na may gusto akong isang lalaki. Kahit mga kaibigan ko walang alam. Natatakot ako. Kasi pag nalaman niyang may nagkakagusto sa kanya iniiwasan niya. Ayokong mangyari yun. Ayoko.
Ayoko na.
Ugh! I hate this.
Ayoko na. Pero ang kulit nitong puso ko.
Inayos ko ang sarili ko. At naghugas ng kamay.
Lumabas na ako sa C.R at bumalik sa pwesto namin.
"Oh shit!"
Wtf!
"Kylie, sorry..." Nyemas tong babaeng to. Kinuha ba naman pagkain ko. Oo bawas na. Tch
"Lagot ka Channel. Takaw kasi eh! HAHAHAHA!"
Sabi ni Yumi. Kanino ba talaga 'to kampi? Bakit natawa? Tch."Sorry na gutom lang talaga ako."
"Sige lang. Baliw ka talaga kahit kelan."
"Oha! Sabi na nga ba eh 'di magagalit si Kylie. AHAHAHA ikaw lang naman tong pinapaiyak ako!"
"Talaga ba? Eh ang alam ko si Ash lang ang nagpaiyak sayo eh." Sabat ni Yumi
Silence...
AHAHAHA tumahimik si Channel at ako? Ito nag pipilit tumawa. AHAHAHA 'di pa kasi aminin na may gusto siya kay Ash.
"Hindi kaya."
"Weh?" Tanong ko.
"Hays bahala nga kayo. Kakain nalang ako. Food is life. HOHO!"
"Food is life daw mamaya magulat nalang ako isang araw mataba ka na ah," Sabi ni Yumi.
By the way. Ang dalawa kong baliw na bestfriend. Si Alexandra Yumi Park. Masungit. Parang nanay ko na din. Laging humuhugot. Pero 'di naman broken hearted. Ayt. Ewan ko ba dyan di naman nagkekwento kung sino gusto niyan. Parang baliw lang. Channel Vena Potterason. Pinaka baliw saming lahat. Parang laging nakalunok ng microphone. Ang ingay. AHAHA sa pagkakaalam ko may gusto siya kay Ash. Katropa nila Tristan. Psh.
"Guys puntahan ko lang si Ms. Fernandez ipapasa ko lang 'tong assignment ko." hays. Dami naman kasing pinapagawa.
"Sige," Sagot 'nong dalawa.
"Kylie!"
"Tristan.."
"Magpapasa ka din ng assignment?"
"Ah-- Oo eh.."
Shitt!! Kylie, kalma!
"Sabay na tayo."
"Ah sige."
Sabay kami naglakad papuntang faculty. Kumatok kami at pumasok. Agad namin nakita si Ms. Fernandez kasi nasa bungad naman siya
"Ms. Fernandez, ito po yung assignment ko. Sorry po kung late."
"It's okay Ms. Hezina. Pero Tristan ilang beses ka na nale-late magpasa."
Silence...
Hindi sumagot si Tristan.
Hays.
"You two may go."
Habang palabas kami ng faculty gusto ko siyang tanungin kung bakit laging late siya magpasa ng assignment pero wag nalang.
Tristan Rain Mendez. Ang lalaking ilang beses na akong pinaiyak ng walang nakakalam kundi ako lang. Ang lalaking hindi ko masabi sabi sakanya na gusto ko siya dahil natatakot ako. Ang lalaking unang minahal ko ng totoo. At ang lalaking unang nagpasakit ng puso. Wala ng iba.
I'm Kylie Chaine Hezina. 4th year highschool. Ang babaeng umaasa ng patago. Nasasaktan ng patago. Umiiyak ng patago kay Tristan Rain Mendez.