Kylie POV
"Ms. Hezina, after class pumunta ka sa'kin may sasabihin ako." sabi ni Sir Gary.
"Okay po Sir."
Bakit kaya ako pinapapunta si Sir Gary sa kanya? Wala naman akong bagsak diba? Hays. Kinakabahan tuloy ako.
"Guys, punta muna ako kay Sir Gary." pagpaalam ko sa kanila.
"Sige lang." Sagot ng dalawa.
Pumunta na ako sa faculty at hinarap si Sir Gary.
***
Nasa harap na'ko ng faculty at dapat ay papasok pero may narinig ako na dapat hindi ko marinig.."Tristan, bagsaka ang history mo. Ano bang problema? Kelan ka ba magtitino?!"
Shit! Totoo ba 'to?
Kumatok na ako at pumunta sa table ni Sir Gary.
"Ms. Hezina, ayan ka na pala,"
Tumango nalang ako.
"Pinapunta kita dito dahil alam kong mataas ang mga grades mo. Gusto ko sanang tulungan mo si Sir Mendez. At pag nakita kong nag iimprove siya dadagdagan ko ang grades mo."
Wtf!
Totoo ba 'to?
Kaya ko ba?
Tatanggapin ko ba?
Para din naman 'to sa grades ko diba?
"I need your answer now, Ms
Hezina.""S-sige po..."
"Okay. I trust you."
"Yes po.."
"You two may go."
Sabay na kami lumabas ni Tristan sa faculty.
"Uy, Kylie seryoso ka?"
"May magagawa pa ba ako?"
"Pwede ka naman tumanggi eh"
Hindi ako tatanggi. Hindi ko pababayaan na bumagsak sa at mag repeat ng 4th year highschool dahil lang sa isang subject.
"Tch. Alam mo Tristan, history lang binagsak mo pa? Ano ka ba naman, memorization lang 'di mo pa magawa?"
"Nakakatamad ka-"
"Nakakatamad? So pag umulit ka ng 4th year sisihin mo ang sarili mo at itatak mo dyan sa kokote mo na ang dahilan ng pagka-repeat mo ay yang katamaran mo."
Kinakatamaran ba naman kasi ang pag-aaral."Wow. As in wow." Sabi nito habang nakangisi.
"Bahala ka nga!" Sigaw ko at iniwan ko na siyang mag isa dun. Psh. Bukas nalang kami magsisimula. Mabuti pang umuwi na ako. Pero nakalimutan ko wala nga pala akong uuwian. I even don't have parents.
***
It's already 5pm. Pagbukas ko ng gate na kita ko ang Daddy ko na papunta sa kanyang kotse. What's new? Puro pag tatrabaho lang naman ang nasa utak niyan. At ang Mommy ko? She's always blaming me. Ako lagi ang sinisi niya. Kung bakit ganun ba daw ako. Well Im maldita talaga. Half half. Magulo no? Hays. Ganun talaga buhay ko sobrang gulo. Mabait ako pagdating sa mga kaibigan ko. Sa mga taong nakapaligid sa akin. Pero maldita ako sa harap ng parents ko. It's just lagi nalang kasi nila akong sinisisi. Lagi nalang nila nakikita lahat ng pagkakamali ko. At sa bawat ginagawa ko, never nila akong sinuportahan. Kaya ayaw ko sa magulang ko. Pinalaki nga nila ako. Pero pinalaki nila ako ng wala silang ginagawa. Pinalaki nila ako ng walang kahit anong suporta. Kaya Natutunan kong maging Independent. Natutunan kong tumayo mag isa. Natutunan ko ng ipagtanggol ang sarili ko ng wala sila sa tabi ko.