Chapter 9

2 0 0
                                    

(Tin Pov)

29 days ang nakaraan ng pagkakaibigan namin ni Kris at sa loob ng mga araw na yun, nahulog na ng tuluyan ang loob ko sa kanya..

Hindi e...maling mali yung pakikipagkaibigan ko sa kanya...di dapat yun nangyari e...Masasaktan lang ako sa huli...Pero ano pa bang magagawa ko,nandyan na e...

'Bukas na pala ang huling araw.'

Ano na ang mangyayari pagkatapos?magiging masaya pa rin ba kami?kilala pa nya kaya ako?

Natigil ang pagmumuni muni ko nung tumawag si Kris.

Kris Calling....

Accept o Decline, isang desisyon na makakapagpabago ng buhay ko..Sa halip na sagutin yung tawag, ini off ko nalang yung phone ko..

'Natatakot ako'

(Kris POV)

'Damn,pick up your phone Tin!'

Bakit ba di nya sinasagot ang tawag ko?May masama bang nangyari sa kanya?Shit I am now damn worried about her.. I pick up my car key and drive into Tin's house.

'Sana walang nangyaring masama sayo,hindi ko makakayang mawala ka sakin Tin.Ikamamatay ko."

(TIN POV)

Matutulog na sana ako nang may kumatok sa pintuan..Sino naman kaya yan?wala naman akong inaasahang bisita ah?

Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang nag aalalang mukha ni Kris

"A-anong ginaga--" di ko natapos yung pagsasalita ko nung niyakap ako ng mahigpit ni Kris

"Thank God youre okay..Im so damn worried about you" H-huh??

"D-di a-ako m-makahinga Kris " agad syang napabitaw sa pagkakayakap sakin.

"Sorry princess, okay kalang ba talaga?wala bang masakit sayo?Teka?galit ka ba sakin?may nagawa ba akong ikinagalit mo?Bakit di mo sinasagot yung mga tawag ko?Galit kaba sakin Tin?please Tin sabihin mo saakin kung ano ang nagawa kong mali at itatama ko,huwag kalang mawala sakin."

Niyakap ko sya atsaka umiyak..

'Kung alam mo lang Kris, ayaw na rin kitang mawala sa kin..Di ko kakayanin.Pero wala e, matatapos na. Mahal kita Kris.Mahal na kita'

"Princess?Huwag ka namang umiyak oh?nanghihina ako e.." Hindi....Bukas na.Bukas,di mo na ako kilala.Bukas,di mo na ako mahal.Bukas,di mo na ako tatawaging princess.Bukas,Wala nang mag eexist na tayo sa mundong ito...Bukas,magbabago ang lahat

Pinahid ko ang mga traydor kong luha na kanina pa pumapatak sa pisngi ko atsaka walang emosyong tumingin sa kanya...

"Kris, pwede ba itigil na nating tong kalokohang ito?" Gulat na gulat syang tumingin sakin.

"P-princess?anong sinasabi mo?Di yan totoo diba?nagbibiro kalang diba?Mahal mo na ako diba?"

Mahirap.Mahirap kang iwanan Kris pero para ito sa ating dalawa.Para sa nakabubuti nating dalawa.Di ko gustong gawin to pero kailangan..

"Di mo ba nahahalata?Pinaglalaruan lang kita Kris.Di kita mahal, si Kyle ang mahal ko, sya lang. Sumama lang ako sa iyo dahil malapit na kaibigan ka ni Kyle.Pero kailan man di kita minahal" Isang kasinungalingan pagsisisihan ko sa tanang buhay ko. Niyakap nya ako ng mahigpit

"Di yan totoo di ba Tin?Mahal mo ko diba?Tumingin ka sa mga mata ko at sabihin mong hindi mo  ako mahal" binitawan nya ako . Unti unti kong inangat ang paningin ko at tumingin sa mga mata nya.

"Di.  Kita. Mahal." Mahal na mahal kita Kris..Pero kailangan kong gawin ito...

Nagulat sya pero agad iyong nawala sa kanyang mukha at napalitan ng walang emosyon.

"Pasensya kana ah..Nakalimutan kong si KIR nga pala ang mahal mo. Pasensya ka na at naging hadlang ako sa inyong dalawa" sinabi nya yon ng walang emosyon atsaka umalis...

Naiiyak kong sinara ang pinto atsaka umupo sa sahig...

Ang tanga tanga tanga tanga ko...Pinakawalan ko ang mahal ko...

'Mahal kita Kris tandaan mo yan?Hinding-hindi magbabago yun.'

(Kris POV)

"Di.  Kita. Mahal."tatlong salita pero grabe ang epekto sa akin....

'Bakit Tin?Bakit?Binigay ko naman lahat sayo ah?Hindi pa ba sapat sayo yun?'

Galit?Hindi....Naiinis ako sa sarili ko dahil naniwala akong minahal nya ako..

Ang tanga tanga ko..

Mabilis akong nagdrive sa kung saan.....wala akong pakialam kong maaksidente ako tutal iniwan na ako ng buhay ko....wala ng silbi tong buhay ko.....

Patuloy lang ako sa pagmamaneho nang may tumawag sa cellphone ko....Sino na namang bwisit to?Tiningnan ko kung sino ang tumawag..

Kir?HAHAHAHA! Tingnan mo naman ang pagkakataon oh?

Bigla naman dumulas yung phone ko....Bwisiiittttt

Nakuha ko na sana yung phone nang mabangga ako sa puno....

'Mas maigi nang mamatay ako kung di naman kita kasama Tin..Mahal na mahal kita...Mahal pa rin kita'

And everything went black...


End of Chapter 10

GayumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon