Chapter 10

1 0 0
                                    

(Kris POV)

-_-

-_O

O_O

Nasaan ako?Nasa langit ba ako?

"Salamat naman at nagising kana..Ang tagal mong natulog ah?"huh?anong nangyari sakin?

"Teka?Sino ka?Nasan ako?" bakit nga ba ako nandito??

"Seriously Kris?Di mo ako kilala?Ako to si Kyle,bestfriend mo"huh?bestfriend?pano nangyari yun e ngayon ko lang naman sya nakita..

"Pasensya na pero wala kasi akong natatandaang bestfriend ko"

"P-pero--" magsasalita pa sana sya ng biglang dumating yung doctor...

"Gising kana pala Hijo...Anong nararamdaman mo?"

"Sino po ba ako?Paano ako napunta dito?" wala talaga akong matandaan e....

"Wag mo munang piliting makaalala hijo, ikakasasakit lang yan ng ulo mo.Mag uusap muna kami " tinuro nya yung lalaking bestfriend ko daw....

'Weird'

(Kyle's POV)

"Bakit doc?ano po bang nangyari kay Kris?" Sana nagbibiro lang si Kris....Sana nakaaalala pa sya....

"I came here to tell you that the patient may be experiencing amnesia when he wake up but I guess I was right." WHAT??!!!!

"Meron po bang gamot para don doc?Kailan po ba sya makaaalala?"

"We only have medicines para pampawala sa sakit ng ulo, if ever sasakit yung ulo nya.We are not sure kung kelan sya makaaalala. Pwedeng bukas,sa isang linggo,buwan o taon o habangbuhay...We don't know...Kaya sana hijo wag mong pababayaan yang kaibigan mo hanggang sa makaaalala sya..Pwede na syang ma discharge dito since nakarecover na yung sugat nya sa ulo at nagising na sya.Aalis muna ako hijo at may mga pasyente pa akong aasikasuhin "

Habangbuhay?O_O

Nanlulumo akong pumasok sa loob ng kwarto ng hospital.Pano na kami kung di nya kami makilala.Paano na si sya?Paano na si Haiden?

(Kris POV)

Bumalik na yung lalaking bestfriend ko daw na parang nanlulumo?Seriously?Sino ba talaga ako?

"Kris,hindi mo man ako nakikilala pero susubukan ko para makilala mo ko..Just stay always at my side..Magpahinga ka muna at i eempake ko muna ang mga gamit mo"

Anong sinasabi nya??Susubukang makaalala?Kung totoo man yung sinabi nya, sino ba talaga ako?Bakit ako narito?

Sumasakit na ang ulo ko sa mga tanong na hindi ko naman mahahanapan ng sagot...Mas mabuting magpahinga muna ako bago ko hahanapin yung mga sagot na yan...

(Tin's POV)

"Tin ano?okay kana ba?Sorry Tin ah?kasalanan ko to e..Kung di ko lang sana pinakilala yung gayuma na yan, di ka sana nasasaktan ngayon.."

Nandito ang bestfriend kong si Riz para damayan ako sa katangahan ko...

"W-wala *sobs* kana mang kasalanan *sobs* Riz e..*sobs* ako itong tanga na napainom ang gayuma sa maling tao *sobs* kung bakit ko pa kasi sinubukang gamitin yung gayuma e *sobs* ..Ang tanga ko, Ang tanga tanga ko" sabi ko habang sinusuntok suntok yung dibdib ko..

"Tin tama na yan, wag mong sisihin ang sarili mo..Tao ka rin Tin,nagkakamali..Kaya huwag mong dalhin lahat ng problema sa mundo...Ghadd! Wake up Tin, One week ka nang ganito,hindi ka na pumapasok, pati sa trabaho di ka narin pumapasok...Tin naman!isipin mo naman ang sarili mo kahit ngayon lang..Pano ang kinabukasan mo nyab kung palagi ka nalang ganyan....Tin you have to move on...Alam kong mahirap pero Tin you have to.."

'Kailangan na ba talaga kitang iwanan sa nakaraan Kris?Kailangan na ba talaga kitang kalimutan?Ito na ba talaga ang tamang panahon para kalimutan lahat lahat?'




GayumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon