HASHTAG // SIXTEEN: #Support

174K 3.2K 146
                                    

Lauren’s POV


As I enter our classroom this morning, I was surprised with what I saw. Wala pang estudyante ang nasa loob. I scanned the whole room but then I couldn’t see anyone, really. Napakunot ang noo ko. Am I in the right room?

Seriously, kapag pumapasok ako sa aking 8:15am class it’s either I’m late for 30 minutes or the class is already done. I first stepped outside to check if I am in the right room. VH 304. Nasa tamang room naman ako. Napatingin ako sa aking relo and it somehow, no it really surprised me to see what time is it!

7:32 am.

Just... bakit ang aga ko? This is kind of... unusual. Lauren Cassidy Imperial being early, in fact, too early in class? Hindi pa iyon nangyari. Ngayon lang.

I sat down for a while. This morning, I helped Seth while he's training his athletes. Mabuti nga at hindi niya ako masyadong pinahirapan ngayon e. Pasalamat siya at may interest ako sa basketball dahil kung wala pa, hinding-hindi ko siya tutulungan! I don't know but I like playing basketball. That's why bukal sa loob ko na tulungan siya at hindi iyong tumutulong lang ako kasi kailangan kong tumulong as his “SA.”

Naglalaro ako ng basketball sa bahay namin with my boy neighbors. Hindi naman sila bastos kaya nai-enjoy ko ang paglalaro. Well, it’s a part of me that is not too open to public. Sana nga may babae akong makalaro e, lagi na lang mga lalaki. Kaunti lang kasi iyong mga babaeng naglalaro ng basketball.

“Whoa, Lauren? Ikaw ba ‘yan?” Napalingon ako sa babaeng nakatayo sa harapan ko. Hindi ko namalayan na may nakapasok na pala?

I almost rolled my eyes. “Of course, Jean.” I replied in a ‘duh’ tone.
She remained smiling. Mabait naman ito si Jean. Most punctual nga ito sa class namin.
I mean, sa lahat ng class namin. Siya lagi ang nauuna at ayaw niyang nali-late. Iba nga lang ngayon dahil ako ang nauna.

“Alam mo Lauren, may napapansin na ako.” She smiled and sat down on the seat in front of me.

“Ano na naman? Lagi naman kayong may napapansin sa akin e,” Nakahalumbabang sabi ko. Totoo naman. Lahat napapansin nila. Lahat napupuna. Nakakarindi na nga pakinggan. Pero anong magagawa ko? I can’t control their lines of thought.

“Grabe ka. Hindi naman ito iyong mga sinasabi noon nila. Tsaka hindi ako ganoon, ano.” She sighed. “May napapansin ako— no, kami pala sa iyo Lau”

“Sabi na nga ba, you’re backstabbing me again right?” I said rather calmly. Sanay naman na ako no.

She smiled. “Hindi nga. Kasi ganito iyon... We noticed that you never skipped classes again. Hindi ba noon ay palagi kang nag-aabsent tsaka nagka-cutting?” She asked ngunit hindi ko siya sinagot. “Then napansin din na namin na maaga ka na sa mga klase mo, just like now. Oh diba?” She smiled again.

Kulang na lang kumuha siya ng papel at ballpen para isulat ang mga sagot ko sa mga napapansin niya. Member pa naman ng school paper itong babaeng ‘to.

“Ok, tapos?” Bored na sagot ko sa kanya kahit medyo napapaisip na rin ako sa mga sinasabi ni Jean. Ganoon na ba talaga ako? Seryoso?

“And then... ito pa, Lauren,” She chuckled. “Napansin din namin na... you’re not entertaining boys now. Iyong totoo? Is there someone behind these changes that are happening to you? Hmm. Huwag mong sabihing wala dahil hindi talaga ako maniniwala.” She raised her brow.

I rolled my eyes. “Hindi ka naman pala maniniwala edi hindi na lang ako magsasalita. Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan.” Sabi ko sa kanya.

“Oh come on, Lauren. We have speculations that you are already in love kaya unti-unti ka ng nagbabago.” She smiled sweetly again.  “The great playgirl is already in love? Oh diba, nice headline. Hihi.”

Tangna sabi na nga ba. For sure pasimple niya lang akong iniinterview para mayroon siyang maisulat na article. Jusko.

“You know what, I don’t know what you’re talking about but I’ll just say this to clear everything... I am changing myself for the better not because of anyone but for myself and myself alone.” Kalmadong sabi ko.

Magsasalita pa sana siya kaya lang ay lumipat na ako ng ibang mauupuan para hindi na niya ako guluhin ulit. Hindi matanggal sa isip ko ang mga sinabi ni Jean kanina. Iyong mga pagbabago ko raw at iyong pagbabago ko dahil sa isang tao? In love na raw ako?
Ewan... hindi ko alam.



“MAY LARO kami ng mga faculty members bukas...” Biglang sabi ni Seth.

He’s currently tutoring me about Calculus as what he had promised. Mabuti naman at hindi niya pa nalilimutan ang kasunduan namin in exchange sa pagiging SA ko. Anyway, ang pagiging SA ko ay may kapalit atang scholarship? But my subjects are just the same.

Syempre, Seth already asked the university president about this. At tsaka pinayagan akong hindi mag-underload dahil kilala naman ng UP ang mama ko. Pero I’m glad na kahit paano hindi ako nagiging pabigat sa mommy ko. At least nakatulong ako. And wow, ngayon naiisipan ko nang tumulong huh? Changes indeed...

“Okay, good luck.” Ngumisi ako at nagkunwaring walang pakealam habang sino-solve ang ibinigay niyang problem.

“Just like that?” He asked.

Tumango lamang ako at nagpatuloy sa pagso-solve. Vacant ko kasi ngayon before sa Calculus class namin tsaka wala rin pala siyang load before our Calculus class that’s why we agreed na ngayong oras niya ako tuturuan which I guess is the right time.

“Hindi ka man lang manonood?” Tanong niya ulit na nakakunot na ang noong nakatingin sa akin. Ngunit hindi ko pa rin siya tinitingnan kahit ramdam ko na ang titig niya.

“Bakit naman ako manonood?”

“Support.” He simply said ngunit ramdam ko na sa boses niya na medyo naiinis na siya.

“Sinong susuportahan?” Kunwari nagtataka na tanong ko. “Ay, oo! Kasali ba si Professor Kylar Zamora? Kasali ba siya?” I acted as if I am excited.

He looked at me intently then he nodded mindlessly, obviously not in the mood. His jaw was clenched. “So what if he’ll also play?”

This time I looked at him. “My God! Ang gwapo kaya ni Prof. Kylar! If maglalaro nga talaga siya, susuportahan ko talaga siya!” Tumili pa ako nang naisip ang mukha ni Prof. Kylar. Gwapo naman talaga iyon, half-Brazillian, half-Filipino iyon. Pero ewan, mas gwapo pa si Seth sa kanya.

Kung papipipiliin ako, kay Seth ako susuporta ano. Marami naman ang nagkaka-crush kay Prof. Kylar pero mas marami talaga ang may crush kay Seth. Tss kung pwede lang sabihin na doon na lang sila kay Prof. Kylar e.

“You’ll just go there for him.” Hindi iyon tanong. It’s more like a statement.

“Of course, Seth! Minsan lang maglaro ang favorite professor ko e. Aha, magpagawa kaya ako ng banner—”

“Okay.” Sabi niya sa pabagsak na tono tapos ay biglang tumayo, nakakunot ang noo at nakaigting ang panga.

Nagtataka ko siyang tiningala. Tapos na ba ang session na ito?
“Tapos na ba ang—” Hindi ko natapos na tanong.
“It’s already time. Kung gusto mo tapusin i-solve ‘yan, it’s your choice. I’ll go.” Walang kangiti-ngiting sabi niya at lumabas na sa office niya.

Ang walangya, iniwan ako?! Wow ha. Problema ng lalaking ‘yon! Tss, parang inaasar lang. Iniligpit ko na ang gamit ko tapos isinilid sa bag. Pff, hindi man lang ako hinintay ng mokong.



“SIR, MAY galit ka ba sa amin?” Tanong ng isang kaklase ko na walang preno ang bibig. Tanungin ba naman si Seth ng ganoon?

“Why?” Nakakunot-noong tanong niya.

“Kanina pa po kayo nakakunot-noo tapos hindi man lang ngumingiti. Ang sama pa ng tingin.” Sabi pa niya kay Seth. Tumango-tango naman ang ibang mga babaeng kaklase namin. Natigilan si Seth tapos ay parang nagbago ang ekspresyon niya.

“Ay hala, mas lalong kumunot ang noo ni Sir. Ano ba namang klaseng tanong ‘yan Glads.” Julian whispered to me while looking at Gladys. Napalingon ako sa kanya.

“Kasalanan ko ata iyan, Gags.” I whispered.

Ngumisi si Julian. “Feeler mo huh? Bakit naman siya maba-bad mood dahil sa’yo.” Sinabayan niya pa ito ng tawa.

Umiling lamang ako at hindi na nagkomento pa. Hindi ko pa kasi nasishare kay Julian ang tungkol sa pagpayag ko sa pagiging SA ni Seth. Marami pa akong hindi naikikwento sa kanya. Busy kasi kami masyado e.

Hanggang sa natapos ang klase namin, halatang bad mood pa rin si Seth. Seryoso? Parang inasar lang! Grabe. Ganito pala ito maasar. Hindi na ngumingiti. Wa epek nga ang pagpapa-cute ng mga kaklase kong babae sa kanya.

“Goodbye, Prof. Montreal. If you need someone to talk to, I’m free tonight.” Sabi ng kaklase ko kasama ang grupo niya. Itinulak pa siya ng mga kasama niya tapos ay nagtawanan.
Pero hindi sila pinansin ni Seth. Napangisi ako, ano kayo ngayon?
Nakasimangot silang umalis tapos bumulong pa na kesyo bad mood lang si Sir kaya sila hindi pinansin. Pero kapag ayos daw si Sir pa daw ang lumalapit. Weh? Kapal.

As usual, nagpahuli ako. Grabeng pabalik-balik sa mga gamit ang ginawa ko ha! Kapag naipasok ko na lahat, ilalabas ko ulit para lang magtagal ako dito. Ang tagal naman kasi lumabas ng mga babaeng yun. Saktong pang-apat na balik ko sa gamit ko, naglakad na palabas si Seth! Tss, ano ba ‘yan!

“Uy, Seth! Teka lang,” Sabi ko habang isinasarado ang bag ko. Tapos ay tumayo na ako at isinukbit ang aking bag sa likod.

Tumigil naman si Seth sa paglalakad. Then he glanced at me, his expression was still the same as it was when he walked out of his office.

“Kanina ka pa nang-iiwan ha.” Sabi ko nang makalapit na sa kanya.
Nakatayo lang siya at masama akong tiningnan. “Ang sama mo naman makatingin—”

“May importante ka bang sasabihin? I’m in a hurry,” He said na parang nagmamadali.

Napalunok ako. “Ah kasi Seth— Ano kasi—”

“What?” Supladong tanong niya.

Bad mood nga ito. Grabe! Hindi na talaga ako mang-aasar!
“Kasi ano... joke lang iyong sinabi ko kanina. Ikaw naman talaga ang susuportahan ko e. Hindi si Prof. Kylar.” Napakamot sa ulong sabi ko. Err, nakakahiya naman ito.

He stared at me for a while. His expression remained the same, his jaw was still clenched. “No, it’s okay. Doon ka na sa Zamora’ng iyon. Marami namang susuporta sa akin.” He smiled politely ngunit nagtagis pa rin ang bagang niya.

“Talaga? Pumapayag ka na?” Kunwari masaya ako sa sinabi niya. Fuck, ipinapamigay na ata ako ng Seth na ito! Pwes bahala siya! Not my loss. Sinabi ko na ngang susuportahan ko siya e.
Umigting ulit ang panga niya, tila nagpipigil. Then he let out a very deep sigh. Suplado ang tingin na ipinupukol niya sa akin.
Then he looked at me.

“Bakit naman hindi?” Malamig na sabi niya.


Ouch. Bakit naman hindi?

My Possessive Hot Professor (Possessive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon