Chapter 3: "Christian courted Johanieh"

29 4 0
                                    

"Di lahat na nanliligaw mahal niya ang kanyang nililigawan , ang iba collection lang, ang iba naman dahil trip lang nila."

HABANG NAGLALAKAD SI JOHANIEH SA PATHWAY NAGTATAKA SIYA KUNG BAKIT SIYA TINITINGNAN NANG MGA KAPWA NIYA ESTUDYANTE... AT MAY ISANG BABAE NA NAGBIBIGAY SA KANYA NG RED ROSES..

"Johanieh, ang swerte mo naman"sabay bigay sa isang pulang rosas.

"Sinong nagbigay nito?"tanong niya sa babae pero hindi na ito sumagot.

PATULOY SIYA SA PAGLALAKAD AT MAYROONG LALAKI NA SUMALUBONG NA NAMAN SA KANYA.

"Miss Beautiful, may nagpabigay sayo."sabay alis at dalawang red roses na naman..

"Hey! Anong kalokohan to! "hindi nakinig ang lalaking tinawag niya..

NANG MALAPIT NA SIYA SA KANILANG ROOM NAGTAKA SIYA KUNG BAKIT SI ANDREA MAY HAWAK NA TATLONG ROSES.

"Best, sayo ba to? Thank you ha?Ang sweet naman ng bestfriend ko."sabay kuha kay Andrea sa tatlong roses..

"Best, hindi kaya sa akin yan. Anong akala mo sa akin LESBIAN!?Sa gandang kong to!"sabay taas sa kanyang kilay.

"Kung hindi ikaw, sino pala ang gagong nagbigay nito? "sabay lingon sa paligid..

"Ako lang naman Ms. Johanieh.."sabay pacute..

"Ano naman ang pumasok sa kukuti mo Mr. Christian!!!"galit niyang sabi.. pero ang gwapo niya ngayon mukhang mabait kamukha nga niya ang idol ko na si LEE MIN HOO.!! OMG! bulong niya sa sarili...

"Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip sayo? Kaya may utang ka sa akin..hnmm pero before that flowers for you"sabay abot sa isang bouquet ..

"Anong gagawin ko nito? May sakit ba ako? "taray niyang sabi pero kinikilig siya dahil first time pa niyang makatanggap ng bulaklak galing sa lalaki.

"Kainin mo! Ikaw pa tong binibigyan ng bulaklak! Ikaw pa tong masungit! Tandaan mo ngayon lang ako nagtitiyaga na manligaw!"sabay alis hindi niya akalain na madeadma ni Johanieh ang kanyang kagwapohan..

"Hey! Thank you! Kahit di kita type! "tawag niya kay Christian sabay ngiti..

"Best, ang sama-sama mo! Pinahiya mo si Christian. Bakit hindi ka na lang nagpasalamat ang dami mo pang satsat.. Ayon tuloy ng-walk out.. Kung ako pa ang nililigawan niya, hindi siya magsisi dahil sasagutin ko na siya agad.. Hahaha" paliwanag ni Andrea..

"Hwag kang mag-alala best, dahil sabihin ko sa kanya na ikaw ang ligawan niya."naawa niyang sabi sa kaibigan..

"Bestfriend, huwag mo naman akong ipahiya."malungkot niyang sabi..

CHRISTIAN's POV:

Pinahiya mo ako Johanieh, tingnan natin kong hanggang kailan ka magmatigas, pinapangako ko sa aking sarili na once mafall inlove kana sa akin, hahabulin mo rin ako.
" Christian huwag kang susuko, umpisa pa lang yan! "bulong niya sa sarili.

SA BAHAY NINA JOHANIEH..

DINALA NIYA SA KANYANG KWARTO ANG BULAKLAK NA BINIGAY SA KANYA NI CHRISTIAN AT NAPANSIN NIYANG MAY LETTER PALA ITO.

"To: Johanieh,

First time i saw you, hindi ko maiwasang ma-love at first sight sayo. Playboy man akong tingnan pero matindi itong magmahal. Try mo. Masaya na ako kung maging mabait kana sa akin. First time kung magbigay ng flowers sa babae. Hope u'll like it.

Loving you,
Xtian dela Ceña


Na-guilty si Johanieh sa kanyang ginawa.

"Wala namang masama kung maging mabait ako sa kanya di ba? "bulong niya sa sarili sabay tulog.

KINABUKASAN..

NAGTAKA SI JOHANIEH KUNG BAKIT MARAMING TUMITINGIN SA KANYA. PAGPASOK NIYA SA KANILANG CLASSROOM.

"Best, kanino tong teddy bear na pink?" tanong niya kay Andrea..

"Eh! Di kanino pa, sa suitor mong casanova!"sabay ismid..

"Ah.! ok! May favorite color.. Owzz.. ang cute nito.."sabay hug sa teddy bear..

Hindi alam ni Johanieh na nakamasid pala sa labas si Christian.

"It's 12 noon. Lunch na tayo."

"Best, narinig mo ba ang narinig ko?"tanong niya sa kaibigan habang busy sa pagsusulat.. may assignment kasi sila para sa kanilang literature 1 na subject.

"Oo, ang ingay naman!"sagot ni Andrea..

"Let's it! Im hungry! "..

"Best, ang galing naman nitong teddy bear nagsasalita. Wow, Ok Teddy!! Lets eat na.. Best, tayo na. "anyaya niya sa kaibigan.

PAGLABAS NILA SA CLASSROOM ANDOON PALA SA LABAS SI MR. XTIAN..

"Babes, nagustuhan mo ba gift ko? "tanong ni Xtian na nakangiti.

"Babes! Your face! Actually, i like it kasi pink at unique siya dahil nagsasalita." galit at may halong saya niyang sabi..

"Ganun ba? Actually, may naka-built-in na speaker diyan sa loob at connected sa wireless microphone na nandito sa bag ko. Hahaha"masaya niyang sabi.

"Baka may CCTV ito!"panigurado niyang tanong.

"Wala yang CCTV! Trust me! hmmfff.. Lets eat!"anyaya ni Xtian sa kanila.

"Ok! Sasama kami sayo dahil i like your gift! "nakangiti niyang sabi.

HALOS SA ARAW-ARAW NA PANLILIGAW NI XTIAN KAY JOHANIEH HINDI NIYA MAIWASANG MAHULOG ANG LOOB KAY XTIAN. IKAW BA NAMAN KUNG TODO EFFORT YONG NANLILIGAW SAYO TAPOS SUPER GWAPO PA. KAYA ISANG ARAW...

"Best, sasagutin ko na ba si Xtian? Feeling ko kasi nainlove na ako sa kanya kaya lang naguguluhan ako baka magalit sina mom at dad."malungkot niyang sabi.

"Best, kung mahal mo ang isang tao huwag mo nang pakawalan baka magsisi ka kung sa iba na siya nagkandarapa."pahayag ni Andrea sa kaibigan.

"Baka magalit sina mom at dad."nalulungkot niyang sabi.

"Promise, hindi ko sasabihin sa kanila."pangako ni Andrea sa kaibigan.

"Salamat bestfriend! Maasahan ka talaga."sabay hug.

NAPAGDESISYONAN NI JOHANIEH NA SASAGUTIN NA LANG SI XTIAN. BAHALA NA SI BATMAN KUNG MAPAGALITAN SIYA SA KANYANG DADDY AT MOMMY. HABANG NASA BENCH SILA NAKAUPO MALAPIT SA SOCCER FIELD.

"Babes, kumusta na yong sinabi ko sayo? "tanong niya kay Johanieh

"Babes ka diyan! Hindi pa nga kita sinagot may endearment na kaagad? "kinabahan niyang sabi.
"Mabuti na yong nauna kesa mahuli.. hahaha Babes, mahal mo na ba ako?"seryoso nitong tanong.

"Since, 1 month ka na sa iyong panliligaw dapat may reward ka". nakangiti niyang sabi.

"Anong reward yan? Sasagutin mo na ba ako? "excited niyang tanong.

"Hindi, bibigyan kita nang jacket. hahaha just kidding.. honestly, hindi ka naman mahirap mahalin Xtian kaya lang baka paglaruan mo lang ako."malungkot niyang sabi.

"Babes, handa akong magbago. You deserved to be loved. Hindi ikaw yong tipo nang babae na paglaruan lang ikaw yong babae na dapat pakasalan."seryoso niyang sabi kay Johanieh.

"Basta pangako mo sa akin kahit anong mangyari hinding-hindi mo ako ipagpalit kahit kanino?"paninigurado niyang tanong kay Xtian.

"Yes, babes! You're my inspiration! "saad ni Xtian.

"At dahil diyan! Yes! Sinagot na kita.."nahihiya niyang sabi.. sabay blush ang mukha.

"YES! Thank you Babes, hindi mo pagsisihan ang pagsagot sa akin. Now, you are mine and im yours! hahaha.. Iloveyou babes."masaya niyang sabi.

"Iloveyou too."tipid niyang sabi.

👍ABANGAN ANG CHAPTER 4: THE REVELATION👀👍

AKO O SIYA? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon