Chapter 4: "The Revelation"

20 2 0
                                    

"Walang sekreto na di maibubunyag, kung ang bulok itago man, aalingasaw din yan. Kaya hindi tayo basta-basta magtiwala sa ibang tao except to ourself."

Habang busy si Johanieh sa paggawa ng kanyang assignment pumasok ang kanyang yaya.

"Maam, tinatawag po kayo ng iyong daddy sabi niya pababain ka muna."tipid na sabi ng kanyang yaya.

"Opo yaya, bababa na ako ngayon. Susunod na ako sayo, saglit lang."sabi niya habang nagreply sa text ni Xtian.

Pagbaba niya, nandoon ang kanyang mommy at daddy sa sala nanonood ng movie.

"Yes daddy. Gusto mo raw akong makausap?"sabay hug sa kanyang daddy.

"Ano tong nabalitaan ko Johan, na meron ka ng boyfriend sa inyong school!?"galit niyang tanong.

"Sinong nagsabi sayo dad?"inosente niyang tanong.

"Hindi na yan importante kung sino ang nagsabi sa akin, just answer me totoo ba?"tanong ng daddy niya.

"Hindi po totoo yan."mahina niyang sagot.

"Good. Sige mag-study ka na pero sa oras na malaman ko na totoo ang sinasabi sa akin hindi na kita papa-aralin.!"banta ng kanyang daddy.

"Ok po."sabay alis patungo sa kanyang kwarto.

KINABUKASAN

Nag-uusap ang magkaibigan.

"Alam mo best, parang alam na ni daddy na may bf na ako."malungkot niyang sabi kay Andrea.

"Bakit naman niya nalaman? Sinong nagsabi sa kanya?"tanong ni Andrea..

"Iwan ko baka naghire siya ng tao para sundan ang bawat galaw ko."nalulungkot niyang sabi.

"Huwag ka ng malungkot bestfriend kaya mo yan! Masaya ka naman di ba? So ok lang yan. Ipaglaban mo! Di ba best?"sabay kusot sa pisngi ni Johanieh..

"Thank you best, maasahan ka talaga."saad ni Johanieh

"What our friends for di ba? "sabay ngiti.

"Best, tika muna nagtext si Xtian na mag-uusap raw kami."pahayag ni Johanieh sa kanya.

"Ok! His your bf and im only your bestfriend, the second priority."tampo niyang sabi.

"Best, you are always my bestfriend but not all the time na magsasama tayo forever dahil darating ang time na magkaroon tayo kanya-kanyang pamilya."naaawa niyang sabi sa kaibigan.

"I know that best!, di ba nagpromise tayo noong bata pa tayo na dapat NBSB tayo hanggang makagraduate ng college? Nakalimutan mo na ba yon best?"paalala ni Andrea sa kanya.

"Best naman hindi ko yon nakalimutan pero hindi ko rin maiwasang magmahal best. Im totally inlove with Christian. Handa akong ipaglaban siya sa aking pamilya."pahayag ni Johanieh.

"Ikaw ang bahala, let see kung hanggang saan kayo hahantong sa inyong pagmamahalan. Pero matanong nga kita best handa ka rin bang ipaglaban ni Xtian?"makabuluhang tanong ni Andrea sa kaibigan..

"Iwan ko sa kanya basta best, sana hindi ka magbabago."paalala ni Johanieh sa kaibigan.

"Sure, i wont! Sige pumunta ka na doon baka magalit na yong babes mo!" utos niya sa kaibigan.
"Thank you best!"sabay halik sa kaibigan.

SA PARK

"Babes, ba't ang tagal mo? Kanena pa ako dito!"galit na sabi ni Xtian.

"Sorry babes, may importante kasi akong ginawa."alibi niya.

AKO O SIYA? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon