FADE

9 4 1
                                    

-------------------

-------------------

Date:August 11, 2016

-------------------

-------------------

Sa dinamiraming tao sa mundo, iisa lang talaga ang laman ng puso mo, ang isang taong mahal mo at lahat kaya mong gawin mapatunayan lang na mahal mo nga siya.

Pero pano mo mapapatunayan ang pagmamahal mo kung sa umpisa pa lang bawal na.

Dito nagsisimula ang storya ko.

Sa istoryang nagwawakas sa pag ibig niyong wagas.
---------—--------

Nerd ako.

Cold siya.

--------------------

Ikaw ang lalaking tahimik.

Ikaw ang lalaking hindi basta basta.

Ikaw yung lalaking mahal ko.

At ikaw rin yung lalaking laging kasama siya.

Yung lalaking tumatawa lang kapag  siya  ang kasama.

Ang lalaking abot hanggang tenga ang ngiti kapag siya ang pinag uusapan.

Ang lalaking mahal na mahal siya.

SIYA at hindi AKO.

Alam mo ba kung bakit ko nalaman na mahal mo siya imbes na ako?

Yun kasi ang araw na pinagsisihan ko.

Pinagsisihan ko dahil bakit pa ako pumunta, edi sana hindi ko nasaksihan ang bagay na iyon.

Ang bagay na nakakasakit sa aking damdamin.

Paulit-ulit na winawarak ang puso ko.

Warak na nga, winarak pa.

Kingina lang diba?

Yun kasi ang araw na lahat ay na ka formal attire.

Prom kumbaga.

Nakasuot ako ng gown na itim na  pinarisan naman ng kulay pilak na sandal na may mataas na takong.

Ang ganda ko.

Ito ang unang beses na nagmukha akong tao.

Ang lagi ko kasing suot ay yung makapal na salamin, maong at laging sweater kahit na ang init init dito sa Pilipinas.

Kaya naman ay masasabing kung maputi ako.

At mas lalong lumitaw ang pagkaputi ko ng dahil sa suot kung itim na gown.

Pagpasok ko pa lang sa entrance ay lahat ng tao nakatingin sa akin.

"Woah, Siya si Sofia diba? Grabe dude akala ko hampas lupa yan, tsk, tignan mo nga naman may ibubuga pala."

"Oo nga dude, shet ang sexy niya sa suot na iyan."

Sa mga papuri nilang may halong lait, ay siyang napayuko sa aking ulo.

'Nakakahiya'

"Woah, Yung nerd nag transform."

Ang ganda ko raw, pansin mo ba?

"Kyaaaahh!!! Oh my G! Its them! Its them!"

Nagulat ako sa matinis na tinig ng isang babae.

Kaya ang lahat naman ng tao ay tumayo para lang tignan kung sino iyong isinisigaw ng babae.

Bituing Walang NingningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon