Part 1

1.2K 20 10
                                    

“Ayiiiiiiiieeeeee!! Ayieeee talaga Myx! Kinikilig ako para sainyo! Yududuuuuyy!” Kulang nalang itulak nila ako sa terrace at ihulog galing 3rd floor nang dahil sa sobra nilang kilig.

“Haay nako Sis. Ano ka ba. Para yun lang daig mo pang sinagot ng krush mo.” Pag pipigil ko sakanya sa pag yugyog niya sakin.

“Che! Sagot ka jan, ako ang mangliligaw? Ganun??” Sagot sakin ni Amber.

“Asuuuuus, If I know, sasabog ka na diyan sa kilig pinipigilan mo lang. Ano ka ba Sis. Abnormal ka ba?” Pang-gagatong naman ni Audrey. Sabay yugyog niya sa balikat ko. Aray, ansakit na aaah.

“Haay nako ulit Sis, ano ba kayo. Normal pa ako kasi hindi ako nagpapadala sa kilig noh’. Baka mamaya niyan isipin niyang may gusto ako sakanya. Duh!?” Umiwas akong tingin sakanila. Opps.

“Ay nako din Sis. Ewan ko lang sayo’. Pakipot pa kasi! Jan ka na nga!” Aniya niya. Oh Lydie, don’t be too personal. Psh. At iniwan nila ako sa corridor at pumasok na sa classroom. Yung totoo?

Totoo naman talaga aah. Baka isipin niya eeeh patay na patay ako sakanya na kulang nalang hindi ako mag hilamos para lang di mawala yung, yung, yung.....kiss niya.

Ayt! Takte naman kasing dare yan eeh! Palagi nalang ako at siya ang pulutan! Nakakailang kiss na ako sakanya at nakakailang kiss na din siya sakin, nang dahil sa walang yang’ dare. Tsss.

Pero sa cheeks lang.

Enebeyeeeen. Pati nga sa lahat ng MUSE and ESCORT, palagi nalang kaming dalawa ang mabenta. Ano ba? Kung may income lang to matagal na kong mayaman.

Tuwing magbibigay ng examples ang mga teachers namin about sa love, KAMING DALAWA agad ang nakikita. Sana naman lumabo na mata nila noh para naman di agad kami yung nakikita nila diba?

Mr. and Miss, halos lahat, kasama kami. Bat di din nila kaya ako isali sa Miss Universe? Tas ipa-partner nanaman siya sakin ng maiba naman, Miss Universe with partner. Psh.

THEATRE ARTS CLUB, hindi na sila nasawa sa LOVE STORY at yun nalang ang palagi nilang pinapa-play samin. As usual, KAMI ANG MAGSING-IROG. Errgh.

“Ohh Romeo, what you don’t know is, is, from the very start, you already stole my heart. I have loved you before you do. I really love you. But you don’t know”..know. Know. Know. Ek-ek! Mga kadramahan!Isa lamang to’ sa mga lines na aking binibigkas na siya namang kinakikiligan nila kahit paulit-ulit na. Na naging trending sa website ng school namin dahil sa kanila.

“Wooooooaaah! Ang galing ni Juliet!”

“Wiiiwit! Around of applause!”

“Well said! Parang totoo!”

Niyakap niya ako matapos kong sambitin yun. At dun na nag HAPPILY EVER AFTER.

“Kasalan na to! Romeo and Juliet Yiiiiiiiy!”

“Wooah! Mas gusto ko tong version na Romeo and Juliet na to!’ Kakakilig!!!!!”

And the curtain closed.

Pero nakayakap pa din siya sakin.

Bigla akong bumitaw sa pagkakayakap niya.

Opps, mukha atang napalakas ng konti yung pag bitaw ko. Pero, konti lang.

Sorry, baka kasi may makakita, at kung ano pang isipin.

Haaay life.Kung sana kasi hindi lang to’requirement noh?

And there,

FOLK DANCE, COTILLION, WEDDING BOOTH, ano pa bang events na may partners jan? Dapat award-an nila kaming BEST IN ATTENDANCE eh, lahat kami present.

Pwede ba, give chance to others naman?

Para san ba tong mga pangyayaring to’?

Pano nalang kung isipin niyang tinitake advantage ko to’? Pano kung isipin niyang gusto ko to’?? Pano nalang pala kung isipin niyang interesado ako sakanya? Na gusto ko siya?? Edi nag mukha naman akong assumera? Pano kung malisyoso siya?? Pano kung feeling niya pabor na pabor sakin lahat ng to’? Lang yah naman!

Di kung magkataon, baka umiwas na siya.

 Ano baaaaa? Di ba sila titigil sa kaka-LINK nila samin?

Takte! Hindi ba sila nagsasawa!!!???????

Ako kasi, hindi.

“Myx, pasok na tayo.” Ay kabuteng gwapo! Andyan pala siya.

“Oh. Andiyan ka pala. Sige pasok na ako.” Nauna na ako sa paglakad. Baka kasi kung ano nanamang pumasok sa kokote ng mga kaklase ko at pag-malisyahan ang pagkasabay namin pag-pasok.

“Ayiiiiiiiiiiiiieeeee!”

“Uyyyyy ang loveteam ooh!”

“Waaaaah, bagay talaga. Haha!”

“Nice one tol’”

“Kilig si Myx!”

Ayan, kakasabi ko lang nga. Almost 2 yards na nga pagitan namin malisya na agad. Haaaaay, ang hirap ng palaging napupuna.

“Uy, uy, Myx, ano? Anong nangyari sa labas? Ba’t magkasama kayo?” Si Amber.

“Ano—“ ako

“Sinasabi ko na nga ba kasi sayo’ kaw kasi pakipot pa eh!” Si Lydie.

“Huh!?? Ano nana—“ ako.

“Kaboooom! Namumula! Ayan may nangyari nga! Nag-usap kayo noh? Ayiiiiiiiiieee!!!” Si Audrey.

“Ayiiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!” Lang yah’ nakiusyoso pa yung mga chismosa sa likod habang pinapakinggan ang pag-uusap naming apat.

“..” si ako.

“...” si ako.

“....” ako.

Ano pa nga bang pag-papaliwanag ang sasabihin ko eh lahat naman nila binabara?

“Look! Silent means yes! Waaaaaah! I’m happy for you Sissy!” Huh???? San nangagaling yun?

“Ayiiiieeeeeeeeeeeeeee!”

“Kyaaaaaaaaaaaaaah!”

“Kiliiiiiiiiiiiiiiiig!”

Isa pa, may mamumulang nguso diyan.

“....”

Buti naman.

“Hoy! Anong ayie-ayie?? Tumigil nga kayo’ kung anong imbento niyo eeh” Ayan, ako yan.

“Miss Lopez, mamaya na yang pag reminisce at pagchismisan ng kilig moments niyo ni Mr. Esteve, lesson muna tayo’.”

“Ayiiiiiiiiieeeeeeeeeee!”

Takte! Sino ba kasing AYIE na yan at kanina pa nila tinatawag!

“Okay class, speaking of Miss Lopez and Mr. Esteve, lesson natin ngayon sa Philosophy ay tungkol sa combination ng kanilang apelyido.”

Huh? Combination ng pangalan namin? Aba’ anong pauso to’?

~~~~~~~~~~~~~~~

Ang echos naman ng teacher nila! May kung ano pang nalalaman! HAHAHAHAHAH.

Abangan natin sa Part 2 kung ano yun. :D

Guys pahingi akong COMMENT niyo. Kung okay ba tong chapter na to'or hindi. HEHEHE.

What He Doesn't KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon