“Okay class, speaking of Miss Lopez and Mr. Esteve, lesson natin ngayon sa Philosophy ay tungkol sa combination ng kanilang apelyido.”
Huh? Combination ng pangalan namin? Aba’ anong pauso to’?
“About LOVE.”
“Yaaaay!”
“Hahahahaha! Nice Ma’am, relate sila!”
“Ehh, Ma’am, anong connect ng apelyido nila sa LOVE?”
Oo nga naman Lydie, buti natanung mo yan. Tama yan, kontrahin mo lang.
“LOVE? Let’s combine a part of their surname.” Lumapit si Ma’am sa blackboard at nag sulat. “LOpez + esteVE = LOVE!” at drinawingan pa ng puso na nakapalibot sa pangalan. “They’re already tying by their surnames. So they were destined.”
Our surnames? Destined? Psh. Eh di sana pala yung tatay naming dalawa yung nagkatuluyan!
As usual nag si-tilian ang mga people around. Sabay kili-kiliti pang nalalaman nitong katabi ko. Tss. Enebeyeeeen. Tama na pls?
Hay nako Ma’am. Ano ka ba. Matagal ko na yan alam.
Pati nga pangalan namin, PHIlip + mychaLIA = PHILIA. Means LOVE.
Nakasulat pa yan sa Diary ko. Patunay na matagal ko na yan natuklasan.
Pati nga pangalan ng magiging anak namin eeh:
Mychelle Joei kapag babae, galing sa Mychalia & Joe second name niya
Philiam Keet kapag lalaki, galing sa Philip & my second name, Kate
Oh diba? Kaya Ma’am, ano ka ba, huli ka na. Ang tagal ko ng alam yan noh.
Psh. Oo na, almost 4 years ko na siyang krush bago pa man nila kami ni-Link nung 2nd year kami.
Na halos ikamatay ko nang dahil sa pangba-block mail ng mga nagkakagusto sakanyang masyadong inggitera.
Na siya namang ini-entertain niya. Pssh.. Feeling gwapo.
Pero oo gwapo siya. Kaya nga mahal ko eeh.
WTFox did I say, MAHAL KO??
Oo na, pati pa ba sa sarili ko magsisinungaling pa ako?
Pano ba kasi, sino ba naman kasing may gustong iwasan ng gusto nila. Diba wala?
Tulad ko. Kaya ako hindi nagpapahalata kasi, ayokong mapunta ang lahat sa ilangan at lumayo siya sakin.
Alam ko naman kasing hindi ako ang tipo niyang babae.
Pano ko nasabi? Narinig ko.
“...el ko... saka......di ko siya gusto. Teka, papa-feel ko pa ba kasi yun? Di na ata. Di ko naman talaga gusto si Myx eh..”
~~Ouchy right? Ganyan talaga. Wala akong magagawa. Alangan namang umamin ako, edi pahiya ako?
Well, siguro pinagbibigyan niya lang ang mga nakapalibot samin na gawin ang mga nakakakilig na bagay sakin kasi nga, SABI NILA, BAGAY DAW KAMI. MAY SPARK DAW. Siguro nag kakaroon ng short circuit ang kuryente kaya may spark. Ang hirap nga’t nakukuryente ako. Baka mamatay na ako? Masakit kaya makuryente. Psh.
“Uyy, sige nga Myx! Kung wala kang gusto kay Philip hug mo nga siya?” Panghahamon sakin ni Aldrin.
“Psh. Hug? Yan lang ba?” Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pinuntahan ang naglalaro ng chess na si Philip.
At yinakap ko siya.
Nagulat siya at humarap ako kina Aldrin, “Contented??”
Buti yan nang tumigil na sa kakukulit sina Aldrin at Yunis. Kainis naman kasi! Hindi nila ako tinatantanan nang makita nila na may initial ng PJ ang scrapbook ko na ginagawa ko ngayon. Kailangan na kailangan ko na siyang ipasa ngayon mismo. Hindi kasi sila naniniwala na ang meaning ng PJ, ‘Panginoong Jesus’. Di ba kapanipaniwala?
Okay sige, sayo’ lang ako aamin tutal di mo naman mababago ang pangyayari kasi nagbabasa ka lang. OO partly HIM, pero di ba pwedeng si Lord din naman ang pwede ko ilagay sa ‘The Person You Love’? Hello love ko din kaya si Lord noh. Diba lord?
Okay idamay ba naman si Lord. Kaya ayun, para tumigil, ginawa ko nalang nang tantanan na nila ako kasi kating-kati na akong tapusin yung project na yun. Duh, late na kaya ako nun!
At meron pa silang tinatawag na MAY CHEMISTRY DAW KAMI. Isama na din kaya nila ang BIOLOGY? Kasi dahil sakanya, may tinatawag akong LIFE. Kyaaaaaa. Okay ang baduy.
“Uhm, Myx, sayaw tayo?” Nung valentines ball namin, todo cheer kasi ang crowd, AS IN CROWD. ‘Philip, ask Myx to dance! Yiiiii!’ Kaya ayan, nakapag-isip nanaman siguro to’ si Philip na alukin akong sumayaw ng sweet dance.
Sweet Dance.
My First SWEET Dance.
Sana nga pati FIRST KISS, siya na din.
Pero syempre noh, mangyayari lang yun kung talagang gusto niya ako diba?
KASO, ALAM KO NGANG HINDI. Kaya hindi mangyayari yun.
Ayan. Siguro naman masaya na sila niyan? At todo nanaman ang kilig-kilig nila habang pinapanuod kami dito sa gitnang sumasayaw ng sweet?
Kasi ako?
OO. SOBRA.
Pang celebrity ba ang peg? Para siguro pakiligin ang mga classmate namin. Pwede na din isali ang schoolmates. Parang ganun naman na. Lahat sila. Kasiyahan sakanila eh.
Trip siguro?
Ay ewan. Bahala sila. Di nalang nga ako nagpapa-apekto. Act like nothing. Masaya naman ako na kahit hanggang ganito lang. Total, wala naman akong magagawa dahil sa kalat sa buong kampus ang MALISYOSO SYNDROME. Konting connection samin ni Philip is equal to ‘ayiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeeeeee!’
At siguro matitigil lang to’ kapag sumapit na ang March. Malapit na kaming mag-graduate at magkakahiwalay na kami ng school. Buti naman.
Gusto ko na din kasi mamuhay sa katotohanan.
Na lahat, di lang dahil sa gustong pasayahin ang ibang tao, kundi para sa ikasasaya ko din, nang bawat isa, naming dalawa. NA KAMING DALAWA. NA MASAYA KAMI SA ISA’T-ISA.
Kaso alam ko namang malabo yun.
Sayang ano. Sayang. Kung di kaya sana, ang lahat ng to’y gawin nalang tunay.
“Okay, sige. Early dismissal tayo’ tutal, hindi na nakapaghintay si Miss Lopez sa pag reminisce ng moments nila. So, Goodbye class?”
“Good bye Maaaaaaa’am!” Ayown! Ayown! Haaay nako. Ma’am naman eeeh! Hay. Nasa spaceship nanaman kasi ang utak ko. Tapos na pala ang klase. Hay.
Dumeretso agad ako sa CR.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
At ano naman gagawin mo sa CR? Tsk. tsk. HAHAHAHAH
Pengeng COMMENT GUYS! Tenchuuu! ^^
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

BINABASA MO ANG
What He Doesn't Know
Novela JuvenilLahat sila, AS IN LAHAT SILA, tinatambal kami. Kahit saan nalang na may PARTNERS, kami agad ang nagiging LIGHT BULB sa utak nila. Kulang nalang ipag-isa nila ang mukha namin para palagi nila kaming nakikitang magkasama. Promise, AYIIIIIIIIIIIIIIIEEE...