Sarah's POV
Nakatunganga lang ako sa unit ni Christian.
Nakatitig siya sa picture Lexi.
One week na ang nakalipas ng umalis si Lexi.
Ako naman yung nasasaktan ngayon. Kada nakikita ko siya na nakatitig sa picture ni Lexi, parang unti unting dinudurog ang puso ko.
Wala na rin akong balita kay Austin. Hindi ko na siya nakikita sa room ng 3-A. 3-B nga ako diba?
"Wala naman akong mapapala dito eh. Aalis na lang ako." Sabi ko.
"Bakit ba ganto? Okay naman kami eh---"
"Tigilan mo ako!" Sabi ko at lumabas ng unit niya. Pinunasan ko ang luha kong nagbabadyang tumulo. Naglakaf ako paounta sa unit ko. Malapit lang naman ang unit ko sa unit niya. 5 rooms apart.
No calls, no messages, no missed calls.
Haaay. Namimiss ko na si Lexi. Kasalanan kasi ni Austin 'to. Tanga tanga kasi! Kung gusto niya ako, bakit manggagamit pa siya ng iba? Naknang!
Pumasok ako sa unit ko at nahiga sa sofa.
Since 1st year high school, crush ko na si Christian. 3rd year highschool siya noon. Kasama ko si Lexi noon. Hindi pa namin kilala si Louise noon. Nakilala namin siya noong 2nd year na kami.
So back to reality, nanood kami ni Lexi ng basketball. Siya pa yung captain noon. Parang na love at first sight ako. Well, hindi naman love yun. Maybe, crush at first sight? Da ef.
Ngayon, si Austin na ang captain kasi bumababa ang nakukuhang points ni Christian noon. Hindi na rin siya nakaka-three points shot.
End of flashback, sa ngayo---
*Ding Dong
Lumapit ako sa pinto at sinilip ang peep hole.
Si Christian?
Dali dali kong binuksan yung pinto.
"Wht brings you here? Don't say that you will only look at Lexi's picture. That thing is not allowed here."
"No. Punta tayong time zone." Sabi niya at hinila ako palabas ng unit.
"Hey! Yung unit ko! Nakabukas pa!" Sabi ko.
"Ipapasara ko na lang." Sabi niya. Ang kulet -__-
***
"Dance revo!? Ako ba pinaglololoko mo?"
"Nope. I'm serious." Sabi niya at pumili ng sayaw. Buti sana kung pangisahan lang eh. Yung siya lang sasayaw? Hindi eh. Dinamay niya pa ako -__-
"Magtigil ka nga--- Christian!"
"Sumayaw ka na lang." Sabi niya habang tumatawa.
Wala na akong nagawa kundi sumayaw.
"Ano ba yan. Ang konti ng nakuha nating tickets."
"Kasalanan ko bang hindi ako kasing galing ng iBang?" Pagtatanggol ko sa sarili ko.
Halos lahat ng game dito nalaro na namin. Ang result? Nanalo kami ng Stuff toy. Yung ulo ni Pucca.
"Nagugutom na ako." Angal ko.
"Saan tayo kakain?" Tanong niya. Nagkibit balikat lang ako.
"Take out ka na lang ng pizza tapos doon na tayo sa unit kumain." Sabi ko.
***
"Empty bat na yung battery mo!" Sigaw ni Christian. Nasa kusina kasi ako.
"Maghanap ka lang diyan!" Sigaw ko pabalik at kumuha ng chocolate.
"Wala naman eh." Sabi niya habang naghahanap. Ayun oh! Kitang kita ko yung battery.
"Ayan oh." Sabi ko sabay batok sa kanya.
"Aray! Kailangan talaga may batok?" Sabi niya habang hinihimas yung part na natamaan.
Bandang 7PM, umalis na rin siya.
Mahihiga na sana ako ng marinig ko yung ringtone ko.
Si Louise yung caller ID. Problema nito?
"Hello?"
[Kita tayo bukas. Bye!]
"Huh? Bak---"
Binabaan pa ako?
Medyo bastos -__-
---
Medyo mabagal po ang update nito. Side story lang naman po ito. Uunahin ko po muna yung new member ng iBang. When A Bad Boy Fell Inlove po ang title. Mapapublish siya maybe tommorow or later. Sana po basahin niyo!
-Meys
BINABASA MO ANG
Love Quadrangle
JugendliteraturIto yung tipong may gusto ka sa kanya tapos may gusto siyang iba. Ang masaklap, kaibigan mo yung gusto niya. Tapos yung gusto niya, may gusto sayo. Aba! Paguntugin ko na lang kaya kayo? Happily Ever After nga ba ang dulo? M E Y X C B