Chapter 1

27.4K 492 50
                                    


Napamulat ng mga mata ang dalaga nang marinig niya ang tunog ng nagraramihang bosina ng mga kotse.

Wala pa sa dalawang segundo ay mabilis siyang napatayo nang makita niyang isa-isang tumagos sa katawan niya ang mga kotseng dumadaan sa banda niya.

“What the?” sinubukan niyang kurutin ang kamay niya at wala manlang siyang naramdaman na sakit.

“Nananaginip ba ako?”

+++

“Steve!” mabilis na tumakbo si Steve papunta sa kanyang kotse na nasa labas ng kanilang gate.

“STEVE LOIVEN” bago pa man siya maabutan ng kanyang tatlong guard ay nakasakay na siya ng tuluyan sa kanyang sasakyan at mabilis na pinaandar palayo.

“Fuvkin life” mura niya at mabilis siyang lumiko sa kabilang kanto.

Tumigil siya sa isang Park na kung saan ay dito siya madalas magtambay sa tuwing tumatakas siya sa mansyon.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago umupo sa isa sa mga bench.
Tulad ng dating ginagawa niya ay pinagmasdan niya ang mga taong nasa Park kasama na 'din ang mga napapadaan. Wala paring katapusan ang nararamdaman niyang ginhawa sa tuwing nandito siya sa Park.

Muli siyang nagpawala ng malalim na hininga nang mabaling ang tingin niya sa mga pamilyang nagkakasayahan. Malawak ang mga ngiti ng kanilang mga magulang habang pinapanood ang kanilang mga anak na masayang naglalaro.

Muling nagsibalikan ang kanyang alaala noong kasama pa niya ang kanyang mga magulang. Tatlong taon na ang nakalipas simula ng pumanaw sila dahil sa car accident. Dahil sa nangyari ay marami ng nagbago sa kanya. Hindi lang siya nawalan ng mga magulang. Nawalan na din siya ng kalayaan sa kadahilan na sinadya ang nangyari sa kanyang mga magulang.

Maraming may galit sa kanyang pamilya dahil isa sa mga mayayamang tao ang Lolo ni Steve. Ang galit nila ay namuo dahil sa inggit at dahil sa inggit ay nawala ang mga pinakaimportanteng tao kina Steve at sa kanyang Lolo. Simula 'din ng pagkawala nila ay nawalan na ng kalayaan si Steve sa takot ng kanyang Lolo na baka ay may mangyari 'ding masama sa kanya.

Hindi na siya pumapasok sa paaralan.
Hindi na niya nagagawa ang mga gusto niyang gawin lalo na kung sa labas ito ng kanilang mansyon. Palagi nalang siyang nakakulong sa kanilang mansyon dahilan kung bakit palagi na 'din siyang tumatakas.


"Steve!" nabaling ang tingin niya sa tatlong dumating na nakasuot ng mga coat. His Bodyguards.

"Tagal niyo" walang ganang sabi sa kanila ni Steve na kinakamot lang nila sa kanilang batok.

Mabilis silang lumapit kay Steve at pagkalapit nila ay sabay-sabay nilang ginulo ang buhok ni Steve dahilan kung bakit napuno sila ng mura. "Wth! Sabing 'wag niyong galawin ang buhok ko!" tumayo siya sa pagkakaupo para iwasan ang mga kamay nila.


Sabay namang nagtawanan ang tatlo nang ayusin ni Steve ang buhok niya habang nakabusangot ang mukha niya.


"Seriously pre, ang dali mo paring mainis. Para kang babae" natatawang sabi ni RJ at nakatanggap naman siya ng masamang tingin galing kay Steve.

Rico John Tugas o mas kilala sa tawag na RJ. 19 years old. Isa sa mga nagbabantay kay Steve simula ng mawala ang kanyang mga magulang. Matangkad sa kanilang tatlo. May matangos na ilong, mapulang labi, mahahabang pilikmata at nakakahilana ang kulay ng kanyang mga mata. Light Brown.

"Hindi ka na nasanay RJ. Daig pa niya ang kaartehan ni Jake" sabi naman ni Leon habang natatawa.


Leonard Burado o Leon. 20 years old. May pagkamaloko 'din pero siya ang pinaka mature sa kanilang mag-isip at siya din ang maliit sa kanila. Tulad ng tatlo ay may maganda din siyang pangagatawan kahit pa na kinulang siya sa Height. Matangos din ang kanyang ilong at mapula ang kanyang labi. Lahat sila ay may tinataglay na kaguwapuhan dahilan kung bakit hindi sila mukhang bodyguard ni Steve.

"Sira! Dinamay pa ako dito!" reklamo ni Jake kay Leon at akmang babatukan na ang lalaki nang mabilis siyang nakalayo.


Jake Madrigal. 20 years old. Pinakamaloko sa kanilang lahat. Katamtaman lang ang tangkad niya. May maliliit na mata at dimple sa kaniyang magkabilang pisngi. Kilalang cute sa kanila.

"Tsk. Ang ingay niyo" saway sa kanila ni Steve at bumalik sa pagkakaupo sa bench.


Steve Loiven. 18 years old. Pinakabata sa kanilang apat. Mas matangkad kay Jake at kunti nalang ay magiging pantay sila ni RJ. Sumpungin kaya walang oras na hindi siya inasar ng tatlo. Tulad ng tatlo ay may maganda din siyang hitsura. Palaging may suot na glasses pero imbes na magmukha siyang nerd ay mas lalo pang lumalabas ang kagwapuhan niya.


Siya ang boss ng tatlo kapag nasa harapan sila ng kanilang Lolo pero kapag wala ang Lolo niya ay walang boss boss sa kanila. Walang bodyguards. Kaibigan ang turing niya sa tatlo. Sila ang dahilan kung bakit nagiging madali kay Steve ang pagtakas sa kanilang mansyon at kahit papaano ay nakakalabas din siya dahil sa tulong ng tatlo.


Ang tatlo ang piniling bodyguards ng Lolo niya para sa kanya dahil isa sila sa mga pinapaaral ng kanyang Lolo. Wala na silang mga magulang tulad ni Steve at tanging ang program na ginawa ng Lolo ni Steve ang bumubuhay sa kanila. Ang tumulong sa mga nangangailangan at mahihirap. Sila ang pinagkatiwalaan ng Lolo niya dahil well trained na ang tatlo pagdating sa self defense. Wala namang naging problema sa tatlo dahil malaki ang utang na loob nila kay Mr. Loiven, ang Lolo ni Steve.

Hindi naging madali sa tatlo na makuha ang loob ni Steve. Umabot ng isang taon bago nila tuluyang nakuha ang tiwala sa kanila ng binata. Simula ng maging malapit siya sa kanila ay naging madali sa kanya ang pagtakas sa mansyon nila sa tulong nila pero ganon pa man ay wala parin siyang kalayaan.

"Anong sabi ni Lolo?" tanong ni Steve nang maalala ang Lolo niya.

"Hanapin ka namin at ibalik ka sa mansyon." napapailing na sabi ni RJ. "Ano naman ang sinabi niyo?"

"Tulad ng dati. Kami na ang bahala sa apo niyo" sagot ni Jake na kinatango ni Steve.


"Two hours" tipid na sabi ni Steve na nakuha naman kaagad ng tatlo.

Naglakad na sila papunta sa dala nilang sasakyan.

Bago pa tuluyang nakalayo si Steve sa Park ay may kung anong lumapat sa kanya na malamig.

"W-What the.."
Parehong nanlaki ang mga mata ng dalawa nang magtama ang kanilang tingin.

"Sino ka?"

She's a Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon