Chapter 4

11.1K 344 5
                                    


Mabilis na naglakad si Steve papunta sa parking lot ng paaralan. Agad siyang pumasok sa kotse nang makita niya si Rj na nakasandal sa labas ng dala niyang kotse.

"Tara na" pinagpapawisang sabi niya dahilan kung bakit nagkatinginan sina Rj at Jake .

Tuluyan silang pumasok sa kotse. Si Rj ang nag drive sa kotse at kasama niya si Jake sa harapan habang nasa likuran naman si Steve na ngayon ay walang tigil sa pagdungaw sa bintana.

"Anong nangyayari sayo Steve? Para kang may tinatakasan" mabilis na napaayos sa pagkakaupo si Steve nang tanungin siya ni Jake na ngayon ay nakatingin sa front mirror.

"H-Hah? What?"

"Para kang nakakita ng multo dahil sa pamumutla mo" sabi naman ni Rj na kinatikhim ni Steve.

"H-Hindi ko alam ang sinasabi niyo" tanggi niya at seryosong napatingin sa harapan.

Napakibit balikat ang dalawa at hindi na kinausap si Steve.

Samantala, nakangiting tumatakbo si Lucy habang sinusundan ang kotseng sinasakyan ni Steve. Sa bilis ng kanyang takbo ay para na siyang lumilipad dahil nasasabayan niya ang mga kotse. Hindi alam ni Steve na palihim siyang nasundan ni Lucy hanggang sa huminto sila sa harapan ng isang malaking gate at sa loob nito ay isang napakalawak na hardin. Agad na nabuksan ang gate ng bumosina si Rj.

Palihim paring nakasunod si Lucy at imbes na dumaan sa gate ay tumagos siya pader para hindi siya makita ni Steve.

Natanaw kaagad ni Lucy ang malaking mansyon na nasa dulo ng hardin na ito. "Mayaman pala siya" nakangising sabi niya at nauna na siyang pumunta sa kinaroroonan ng mansyon.

Pagdating niya sa loob ay sumalubong sa kanya ang kumikinang na mga kagamitan. "Gawa ba sa ginto ang mansyon niya?" kunot-noong tanong niya at sinubukan na kagatin ang malaking vase na nasa gilid ng pintuan. Wala siyang naramdaman sa pagkagat dito kaya hinayaan nalang niya ang mga nakikita niyang kumikinang na mga bagay.

"Nandito na si Sir Steve!" malakas na anunsyo ng mayordoma ng mga katulong.

Mabilis namang nagsilinyahan ang mga katulong sa gilid ng pintuan dahilan kung bakit nagtaka si Lucy kung anong ginagawa nila.

Natanaw niya sa labas na papasok na sina Steve at ng dalawa niyang kasama kaya dali 'din siyang tumabi sa mga katulong na nakalinya. "Welcome back Sir Steve!" sabay nilang sabi at yumuko. Napayuko din si Lucy para hindi siya mahalata ni Steve.

"Wow sosyal" bulong niya.

Palihim niyang binigyan ng tingin si Steve habang nakayuko parin siya. Diretso lang naglalakad si Steve hanggang sa umakyat siya sa hagdanan. Isa-isa namang nagsi-alisan ang mga katulong sa pagkakalinya kaya umalis na din siya at sinundan si Steve.

Hindi parin siya nakikita ni Steve dahil nakatalikod siya sa kanya. Nakita niyang pumasok siya sa isang kwarto kaya agad siyang tumagos sa pintuan pagkasarado ni Steve dito.

Akmang magsasalita na siya nang mapatigil siya nang mabilis na naghubad ng damit si Steve dahilan kung bakit nalaglag ang panga niya at hindi napigilan na mapasigaw. "WAHHHHH!"

Muntik ng mawalan ng balanse si Steve nang marinig niya ang sigaw na ito. Nanlalaking matang binalingan niya ng tingin si Lucy na nasa gilid ng pintuan ng kwarto niya.

"AHHH!" siya naman ang napasigaw sa gulat at mabilis na dinukot ang bagay na nasa taas ng drawer niya.

"Bakit ka sumigaw?!" gulat na tanong sa kanya ni Lucy at inalis ang pagkakatakip sa mga mata niya. Napalunok naman siya ng laway nang mabaling ang tingin niya sa hubad na katawan ni Steve. Nakasuot pa naman siya ng pants kaya hindi naman niya kita ang lahat. "Wow may abs ka?" mabilis niyang tinakpan ang bibig niya nang malakas niyang nailabas ang tanong na dapat ay sa isipan lang niya.

She's a Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon