Who am I???

1 0 1
                                    


Sino nga ba talaga ako?

Ako ba ay anak ng isang simpleng mag-asawa?

Ako ba ay anak ng isang mayamang business man?

Ako ba ay anak ng isa sa mga sikat na artista?

Ng isang doctor?

O, di naman kaya ay sundalo?

Litong-lito na ako. Kalian ko ba malalaman kung sino ang tunay na ako? Ang alam ko lamang ay isa akong ampon ng napakabait at maunawaing matanda na ang pangalan ay Flora. Pinangalanan niya ako ng Leonora Airazielle Bermudez. Palagi niya akong sinusuklayan ng buhok bago matulog at pinagluluto niya rin ako ng mga napakasarap ng mga pagkain. Palagi man kaming magkasama, minsan lang siya nagsasalita. Hindi ko alam kung bakit ngunit sa tuwing magsasalita siya, hindi niya malilimutang sabihin ang mga salitang Imbloineo Augustenaliro. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito, ngunit natitiyak kong may ibig sabihin ang mga salitang binibigkas niya.

Naglakas loob ako isang araw na tanungin kung ano nga ba ang ibig sabihin nito. Ngunit, huli na ang lahat. Natagpuan ko na lamang siyang payapang nakapikit at himbing na himbing sa kaniyang pagtulog, pagtulog na habang buhay.

Hindi ko man lang nalaman kung ano ang kuwento niya. Sino ba talaga siya, at kung bakit, mahal na mahal niya ako. Hindi ko rin naitanong kung bakit minsan lang siya magsalita. Mis na mis ko na siya. Kung hindi siguro siya namatay, hindi magbabago ang buhay ko. Kung hindi sana siya namatay, may sasandalan pa ako. Hay nako, sana naman pagdatng ko sa paaralan ay walang makapansin sa akin.

Ngayon na lang kasi ako ulit mag-aaral, nahuli kasi ako ng isang buwan dahil hindi ko pa kayang magpatuloy sa aking buhay kung wala si nanay Flor.

"Miss, kanina pa po kayo nakatulog, pasensiya na po kung ginising ko kayo. Pero, saan po ba ang destinasiyon mo???" Wika ng isang malalim ngunit maamong boses mula sa aking harapan. Minulat ko ito at dahan dahang nag-adjust ang mga mata ko sa napakaliwanag na ilaw. Nasaan na nga ba ako???

"Ah, ok lang po. Nasaan na po ba tayo???" Tanong ko. Hindi na ako nakakuha ng tiyempo na sagutin ang tanong niya sa akin dahil inaantok pa ako.

"Nasa Galapagos Avenue na po tayo miss." Wika nito habang nakatayo pa rin sa harapan ko. Galapagos Avenue is 2km away from my new school. So, di naman pala ako nakalampas.

"Auuuhh, ok po. Salamat po sa pag-gising sa akin. Sa Lachapelle Academy pa po ako bababa." Napa-peace sign naman si kuya at napangiti. Nagpaalam na siya at sinabing huwag na daw akong matulog ulit dahil baka-ma late ako sa klase. Kunduktor ba yun? Ba't parang ambata? Tsss.. Nevermind.

Makalipas ang minuto ay nakababa na rin ako at sa wakas, for the first time, I saw the most popular school in the world with my two eyes personally. Oh, Lachapelle Academy, I hope you will be good to an identity-less teenager like me. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fallen and Forgoten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon