Chapter 2

17 0 0
                                    

CHAPTER 2

<Julian’s P.O.V.>

First week ng December, ang lamig na. Lumamig na rin yung mga bali-balita ng katatakutan sa school. Isang buwan na rin kasing walang nangyayari.

Sabado na. Invited nga pala ako sa pool party mamaya ni Cj Ventura, yung ex-boyfriend ni Leanne.  Ewan ko nga kung bakit ako niyaya dun e. Hindi ko naman sya close, kakilala lang. Ang alam ko kasama sila Leanne, Tina, Erik, Jojo at marami pang iba. Magkakabarkada kasi sila Cj at  karamihan ng lalaki sa section namin.

*Vibrate-vibrate*

1 text message recieved from Christina Reinburg.

“Julian, kita na lang tayo dito sa kanila Cj. Kararating lang namin. Abangan kita sa gate ah?”

Nitong mga nakalipas na araw, napansin kong mas madalas na akong kausapin at samahan ni Tina sa kung saan-saan. Nung una nga, naiilang pa ako kasi hindi naman talaga kami close e. Pero unti-unti narin akong nasanay. Masaya nga kapag kasama ko sya, shempre dahil kasama rin si Leanne. Bukod pa dun, naiiwas ako sa pangtitrip ng mga tao. Maraming kwento na rin yung napag-usapan namin at nalaman ang childhood experiences ng bawat isa. Mukhang napakasaya ng naging pagkabata nya sa ibang bansa, kumpara  naman sa akin na eskwelahan at bahay lang yung  mundo. Haha. Medyo naiinggit nga ako e.

Ilang saglit pang nakalipas, narating ko na rin yung bahay nila Ventura.

“Wow!” Hindi ko akalaing nakapayaman nila. Alam kong mayaman sila, pero hindi ko inakalang ganito sila kayaman. Napatingala ako sa laki ng bahay nila at nagliwaliw yung mga mata ko habang naglalakad kami ni Tina papasok. Kitang kita ko yung walo... ay! Siyam nilang sasakyan na karamihan ay sportscar. Grabe! Gusto ko ng ganito! Haha.

Narating na namin yung pool area. Napakalaki at napakahaba ng malinis na malinis nilang swimming pool. May mga upuan at mahahabang lamesa sa gilid na pinagpapatungan ng sangkatutak na pagkain. Ano bang meron? Birthday party o piyesta? Hindi magka-mayaw yung ibang tao sa pagsayaw sa malakas na tugtog. Nakita ko si Erik at si Leanne na kumpulan ng mga nagsasayaw na tao. Andun din si Jojo na sumasayaw na parang baliw. Hahaha. Tinamaan nanaman yata ng kung ano.

Halatang walang nakakapansin bukod kay Tina na dumiretso na para kumuha ng juice.

“Oh eto. Upo muna tayo. Andun si Cj sa pool. Kung gusto mo namang mag-swimming na, magpalit ka na lang dun sa CR.” Sabi nya sakin.

Ngayon ko lang napansin na naka-swimsuit pala siya. Kanina nga pala nung sinalubong nya ako ay nakasuot lang sya ng mahaba at maluwang na damit. Kitang-kita ko ang kagandahan nya sa ilaw na tumatama sakanya. Lalo pa syang gumaganda tuwing hinahangin yung mahaba nyang buhok. Tiningnan ko sya mula paa hanggang sa ulo. Sa dalas naming magkasama, bakit hindi ko napansing ganito sya kaganda? Edi sana sya nalang yung nagustuhan ko. Tomboyin kasi e. Naku.

Nabigla ako nang maramdaman kong may bumuhat sakin.

“Wag, Erik!” Rinig ko pa yung boses ni Tina.

*SPLASH*

Bigla akong hinagis ako ni Erik sa pool. Mabilisan na lang akong umahon sa gilid, tinulungan naman ako ni Tina. Basang-basa tuloy ako. Hindi pa naman ako nakakapagpalit ng pang-swimming. Buti kanina ko pa nilapag yun bag ko kundi nabasa yung... Hala! Yung cellphone ko, nabasa! Dinukot ko agad yung cellphone na nakaligtaan kong nasa bulsa ko pa pala. Naku patay! Baka na hindi gumana.

“Julian? Akin na, patuyuin ko muna yan.” Kinuha nya yung cellphone sa kamay ko. Hinayaan ko na muna sya kaysa naman lalo pang mabasa at hindi gumana.

Umupo kami sa tabi ng pool. Rinig ko padin yung tawanan nila Erik kahit may malakas na tugtog. Mula nung gumaling sya sa nangyari sakanya dati, bumalik nanaman yung pangtitrip nila sakin ng mga kaibigan nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tulips for Mr. FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon