Chapter 1

80 3 2
                                    

CHAPTER 1

<Julian's Point of view>

*KRINGGGG! KRINGGGG!*

"Ughhh! Naaantok pa...Hala?! 6:23 AM na!"

Late nanaman tumunog 'tong hayup kong alarm clock.

Kaya ako laging late e.

Hay naku! Lunes nanaman, may pasok nanaman. Mukhang impyerno nanaman yung mararanasan ko neto. Boset!

Bangag pa 'ko nang maligo't mag-ayos ako para pumasok. Ni hindi ko na nagawang manalamin dahil sa pagmamadali.

Isang jeep at dalawang tricycle lang naman yung sasakyan ko papasok kaya ,as usual, late nanaman ako sa una kong subject. Dahan-dahan na lang akong naglakad papasok sa classroom.

"Excuse me, mister..?" 

Hala! Nakita ako netong bruha kong teacher! Teka? Mukhang bago nanaman? Second quarter na, nagpalit nanaman kami ng adviser?

"King, Ma'am." Sagot ko sa tanong nya.

"Since late ka, mister King, mauna ka nang magpakilala. What's your name, nickname, age, and expectations regarding this class?" Nag-ala-slumbook na si Ma'am Rosie. Paano ko nalaman yung pangalan nya? Yun yung nakalagay sa board e. Hula ko lang.

"Good morning. I am Julian Morrison G. King. You can call me Julian..or King. I am 14 years old."

"Ok? And your expectations?"

"Sana po matutunan at maintindihan ko yung lessons... Yun lang po"

"Fine. Umupo ka na. Section Burbank, dapat ay..."

At nagpatuloy na nga si Ma'am sa introduction. Umupo na ako sa upuan ko. Naku! Nakakatamad. Puro salita, salita, salita. Halos isang oras din syang hindi tumigil.

Ngayon ko lang napansin na wala pala si Don. Kaya pala wala pang nang-aasar o nangtitrip sakin. Mabuti nang wala sya, masakit pa yung pasa ko braso nang sinapak nya ako nung biyernes. Tinanong ko sya kung bakit nya ginawa yun, Gusto nya lang daw. Ang gandang dahilan nu? Porket sikat sa school at anak ng vice principal, bully na? Sa susunod nga, magpapaampon ako sa principal. Ewan ko na lang. HAHAHA.

*Kringgg!*

Naputol na lang yung pag-iimagine ko nang tumunog yung bell at dagsaan yung mga kaklase ko palabas ng pinto.

"Hoy labo! Wag mong sasabihing umalis kami ah? Kapag nalaman ni Sir Tristan na nag-cutting classes kami, bugbog sarado ka." Sabi sakin ni Clarisse. Isa sa mga pasaway kong kaklase. Kasama nanaman niya sila Angela at yung mga katropa nya.

So ganun? Nananahimik nako dito sa upuan ko tas dawit pa 'ko kapag nalanag nag-cutting classes sila? Kakaiba talaga 'tong section ko e. Kababaeng tao, mga maangas. Anyway, bahala sila sa buhay nila.

Ilang oras nang lumipas. 3:20 pm na. Last 30 minutes nlng, uwian na. Ni hindi ko man lang napansin ang pagtakbo ng oras. Ang galing talaga ng oras, hindi man lang nahihingal o napapagod sa pagtakbo. ( Ang korni ko, Sarreh! HAHAHA ) Paano ko naman kasi mamamalayan? Kanina pa ako nagddrawing. Hindi na nga ako kumain ng lunch para lang matapos 'tong pinapadrawing ni crush. Hay naku! Yung crush kong walang pakialam sakin. Ako naman si dakilang taga-bitbit ng gamit, taga-gawa ng assignments, taga-ganito, taga-ganyan. Nakakapagod din. Pero okay lang, atleast nakakausap at nakakasama ko sya.

Baka sabihin nyong napaka-tamad kong bata. Hindi po. Masipag po ako. Hindi sa pagmamayabang, ako yung best in Science last year at consistent honor student since elementary. Ako yung madalas sumasali sa quiz bee at nagrerepresent ng section namin, siguro dahil narin, hindi mahilig yung mga kaklase ko na sumali sa mga ganun. At lastly, ako yung class escort ng section namin. Ewan ko ba? Siguro sadyang trip lang ako ng mga mababait kong kasection. Ganun naman lagi e. Nasanay narin akong mapagtawanan, mapagtripan, at maapi.

Tulips for Mr. FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon