CHAPTER 4

4.7K 114 4
                                    

Audrey's POV:

I'm Audrey Monic Lim, ulilang lubos. 27 years old, bago lang ako dito sa Manila. Taga bukid po ako, kaya ako lumuwas dito dahil pinasok po ako ng boyfriend ng kaibigan ko sa companya ng Santillian at ang may-ari nun ay tito nya kaya nakapasok ako. College Grad naman ako kaya na tanggap naman ako plus may backer pa ako.

"Hey aud, sigurado ka ba? Nababalik ka pa sa legacy?" tanong ni lalaine sa akin.

Sya ang unang naging kaibigan ko dito.

"Oo" sagot ko sa kanya.

Sya ang matalik na kaibigan ko dito sa maynila, magka-vibes kasi kami nito.

"Wag nalang, hayaan mo na. Kahit anong pilitin mo sa kanya di yun papayag tsk magagaya ka lang sa akin" sabi nya sa akin.

Yes, alam ko ang tungkol doon. Pinahiya sya ni Mr. Montenilla sa madlang peps tsk. Sya si Lalaine Del Mar, 27 years old na din sya at sa apartment nya ako nakatira ngayon. Nagbabayad naman ako ng upa, nakakahiya naman kung titira ako sa kanya tapos walang bayad tsk.

"Di ako susuko, makukuha ko din ang matamis nyang oo" matigas na sabi ko sa kanya.

"Bahala ka, basta sinabihan na kita at wag mo akong sisisihin ha" sabi nya sa akin.

"Oo na, samahan mo ko sa legacy laine" sabi ko sa kanya.

"Tsk, ano pa nga ba" sabi nya sa akin.

Sumakay na kami ng jeep.

"Kailan natin sisimulan ang interview nila?" tanong ko sa kanya.

Kami kasi ang tinuka ni Ms. Dowson sa Montenilla Brothers. Kaya responsibilidad namin na magawa namin ito ng tama.

"Next week at ganoon din sila apple at trinity" sagot nya sa akin.

Sila Apple and Trinity Gonzaga ay magkapatid at sa kanila tinuka ni Ms. Dowson ang lima pang lalaki na target namin.

Kaibigan din namin silang dalawa.

"Good. Buti na papayag nila ang mga yun" sabi ko.

"Oo, di nga sila nahirapan. Tayo din naman pero ang tigas talaga ni Justin Montenilla grabi, kung di lang sya gwapo at sobrang hot nasipa ko na sya noon pa tsk" sabi ni laine sa akin.

"Hahahaha! Kalma ka nga, oo gwapo talaga. Akala ko pa naman pangit yun kaya ayaw nyang ilarantaran sa buong mundo ang mukha nya hahaha" sabi ko sa kanya.

"Gaga! Ganyan talaga yan, sobrang private nyang tao kaya kunti lang ang lumalabas tungkol sa kanya. Pero grabi no? Ang babata pa nila pero ang gagaling at ang yayaman na nila" sabi nya naman sa akin.

"Manong, para po" sabi ni laliane at huminto ang jeep kaya bumaba agad kaming dalawa.

"Kotse nya ata yun oh, grabi ang gagara talaga ng mga kotse nila" sabi ni lalaine kaya hinatak ko na sya at tumakbo na kami pa punta sa legacy.

____________________

"Dito nalang ako, hintayin kita dito" sabi ni laine at tumango ako.

Naglakad na ako pa punta sa entrance nila at timing din na papasok na sana yung target ko kaya mabilis kong hinawakan ang braso nya.

Natigilan sya, tinignan nya ang kamay ko at inangat nya ang tingin nya sa akin.

"Get off your filthy hand" sabi nya sa akin, parang biglang napaso ako kaya napabitiw ako agad sa kanya.

"I-I'm sorry Mr. Montenilla" utal kong sabi.

"What now?!" inis nyang tanong sa akin.

Kinalma ko muna ang sarili ko at huminga muna ako bago nagsalita.

"Good morning Mr. Montenilla, uhhhmm coffee sir?" umpisa ko at pinakita ko sa kanya ang kape na hawak ko.

Yes, may dala akong kape. Starbucks to, sayang ang pera ko tsk.

"Nandito ako para k-kumbensihin ka tungkol dun Mr. Montenilla" dagdag ko pang sabi sa kanya.

Ang seryoso nya, sayang gwapo pa naman pero nuknukan ng sungit tsk.

"Makinig kang mabuti Ms. Lim, una sa lahat kahit anong gawin mo hinding-hindi mag babago ang sagot ko. Bakit ba ang tigas ng bungo mo, ngayon na alam mo na talaga ang sagot ko pwede ba wag kang magpapakita ulit sa akin! Pangalawa kaya kong bumili ng kape at di ko yan tatanggapin baka may lason yan or worst may gayuma tsk. Nakakaasiwa ang pagmumukha mo! Wag nag wag kang magpapakita ulit sa akin Ms. Lim! Baka di mo alam galit ako sa mga babae na nag papapansin sa akin!" sabi nya ss akin.

Ano daw? Gayuma to? Lakas ng tama nya ah tsk.

Sama talaga ng ugali ang isang to.

"Y-You're r-rude" utal na sabi ko sa kanya.

"I know" sabi nya sa akin at iniwan nya ako na nakanganga.

Pumasok na sya sa loob ng legacy!

"Tandaan mo Mr. Justin Montenilla! Di ako titigil, itaga mo yan sa bato! Bweset!" inis na sigaw ko.

Di ko alam kung narinig nya ba yun tsk. Wala akong pakialam sa mga taong nakarinig nun bweset talaga.

'Beleb din ako sa fighting spirit nya ah' girl 1

'Ano ba kasi ang sadya nya kay boss?' girl 2

"So desperate' girl 3

"Hoy audrey! Nakakahiya ka, halika na nga. Sabi ko naman sayo, matigas pa yun sa bato" sabi ni lalaine at hinila nya ako palayo sa lugar na yun.

"Nakakahiya ka, sumigaw ka pa talaga. Hayaan mo na sya, sasabihin ko nalang kay Ms. Dowson na ayaw nya parin" dagdag nya pang sabi sa akin.

"No! Wag, kaya ko pa. Bigyan mo ko ng tatlong araw, pag wala parin doon na natin sasabihin kay Ms. Dowson na wala talaga, na ayaw nya talaga" sabi ko kay lalaine.

"Grabi ang taas ng fighting spirit mo girl, beleb din ako sayo. Bahala ka kung anong gusto mong gawin, basta tatlong araw lang ang palugit ko sayo ah" sabi ni lalaine sa akin.

"Oo, tara balik na tayo sa office" sabi ko sa kanya at tumango sya sa akin.

"Ugggh! Sayang naman nito, mahal pa naman tsk. Oh sayo na" inis na sabi ko at binigay ko ang kape kay lalaine.

Ayaw na ayaw ko ang kape, yes I admit na mabango at masarap ang aroma ng mga kape pero di talaga ako umiinom ng kape.

"Hahahaha! Ayos lang yan, salamat. Ayos to libreng kape" sabi nya sa akin.

Iinumin nya na sana ang kape pero huminto sya at tumingin sa akin.

"Baka may gayuma to?" nang-iinis na tanong nya sa akin.

"Gaga! Wala. Safe yan tsk" inis na sagot ko sa kanya at ang bruha tumawa lang.

"Anong full name nya?" tanong ko bigla kay lalaine.

"Sino? Si justin ba?" tanong nya sa akin tsk, tumango nalang ako.

"Uy, interesado sya oh" sabi nya sa akin at sinundot nya ang tagiliran ko tsk.

Tinignan ko sya ng masama.

"Hahaha! Joke lang. Sya si Justin Lloyd Montenilla, sya ang eldest nilang lima. 28 years old, single and not ready to mingle kasi he loathe girls big time" sabi ni lalaine sa akin.

"Oh ok" sabi ko nalang tsk, ang dami nyang alam sa justin lloyd na to ah.

Humanda ka justin lloyd! Kukulitin talaga kita ng bonggang-bongga hanggang sa makuha ko ang matamis mong OO.

Grabi! Ang hard to get nya bweset!

______________________

ANONG MASASABI NYO KAY AUDREY?

ANYWAYS DON'T FORGET TO VOTES, COMMENTS, FOLLOW ME AND SHARE ^_^

HAVE A GOOD DAY AHEAD 😄

THE MONTENILLA BROTHERS 1 (JUSTIN LLOYD MONTENILLA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon