Chapter 2

1K 22 0
                                    

Chloe's POV

Nandito na kami sa school, wala pang tao. Ang aga pa ehh. Ang lamig rin, pero di ako nilalamig.

"Oy Chloe dito ka lang saglit, wag na wag ka aalis dyan! May kukunin lang ako kay tita--Ms. V" tumango na lang ako.

"Ang tagal naman nun!" inip na inip na ko dun, may mga taong palapit saakin

"Hi miss bago ka?" nakakatakot tong mga toh ah!
'Pwede na!' Saan nanaman nanggaling yun? Pero I have a weird feeling na yun ung iniisip nitong lalaki. Palapit siya ng palapit saakin habang paatras naman ako. Ayaw niya talaga tumigil kaya tutulak ko na.

"ANO BA?!" tinulak ko sya ng sobrang lakas napahiga nga sya eh!

"Ta-tao ka ba?!" ilang beses na may nagtanong saakin kung tao ako

"Ano nanamang klase--" naputol sasabihin ko nung dumating si Geoff

"Hoy lumayo ka sa kanya! Gusto mo ma-expel?" mukhang natakot yung lalaki naging brown yung mata at lumayo nga. Ano ban meron ton mga taog 'to? Bakit nag-iiba iba ung kulay? Parang rainbow~

"Chloe, ok ka lang ba?" nagiging concerned pala si Geoff? For the first time in forever~ 

"Ok lang ako" nagsmile sya saakin. Ang gwapo nya pala pagnaka smile--delete that data! Delete that!

"Eto na ID at Key card mo. Gagamitin mo yan sa room mo" ano daw? Room ko? So dito ako titira?

"Dito ako titira?!" hala! Paano na si Mommy? Nagpromise ako na uuwi ako eh!

"Oo, alam 'to ni mommy mo kaya wag ka mag-alala. Halika na malelate pa tayo" hinila nya ko.
Pagdatin namin sa room nakatingin saakin mga classmates nya---namin pala.

" May girlfriend na sya Aww"

"Hindi sila bagay, kami bagay ni Geoff"

"Ang ganda kaya nung girl! Inggit lang kayo!"

Mga chismisan nanaman na dinig na dinig ko

"Chloe wag ka masyado magsalita please lang" Gusto nya mapanis laway ko? Seriously?

"Ok?" sinunod ko lang sya. Actually di ako nakinig di ko maindihan, science subject ata? Mga damphir, hybrid etc. Di ko maintindihan kung ano pinagsasabi

"Class dismiss! Next subject is PE change your outfits!" PE? Gabing gabi na? Bakit kaya di ako inaantok? Anong oras na ba?
1:47
Di pa talaga ko inaantok. Magpapalit na ko ng pang-PE

...

"We will test your speed. Paunahan kayo. Okay?!" ay gusto ko yan, mabilis kaya 'tong mga toh?

"Ms! Bawal po sya!" tinuro pa ko ni Geoff

"Bakit? Sino nagsabi sayo? Pwede po ako!" nagsmile saakin si Ms. tapos si Geoff nakasimangot. Haha ang cute talaga ni Geoff Geoff!

"Ano ngingiti-ngiti mo dyan? Nagagwapuhan ka saakin noh?"

"Ang kapal ng mukha mo. Hindi ako nagagwapuhan sayo--" ang kapal nitong taong 'to

"Ready .... Set.... Go...." tumakbo na ko yung sobrang napakabilis. Yung sobra-sobra. 10 meters daw yun?

Takbo lang ako ng takbo

'Paano sya nakakatakbo ng sobrang bilis? yung masmabilis pa saamin?' si Geoff ba yun? Baka yun yung iniisip nya. Feeling ko tuloy manghuhula ako!

"Wow very, very impressive Ms. Valdez! Dahil dyan, free time ka na until matapos ang pe and training nila" wow! Free time daw ako? Galing! Dapat pala dati pa ko tumakbo ng mabilis. Baka lagi ako free time, pero teka, training? Para saan?

"Ms. Di po sya pwede!" hala eto na naman si Geoff. Pinipigilan nanaman kami.

"Pwede ako BYEEEE!!!" Sabi ko sabay takbo para makalayo

Pupunta muna ko kay Ms. V para tanungin kung saan yung room ko

"Tita free time sya. Baka may makakita sa kanya" si Geoff ba yung nagsasalita? Paano sya naunang pumunta dito?

"Don't worry Geoff she will be fine" sino kaya pinag-uusapan nila?

"Paano po kayo nakakasigurado?" si Geoff ulit

"Because.... she's a Vampire" sino kaya yun? Teka lang...OH MY GOOOSH. MAY VAMPIRE DITO?

"So kaya nyo sya nilipat sa MidNight Sched?" si Geoff ulit nagsalita

"Oo at sya ang mos--" papasok na nga ako. Baka mamaya secret yan, may malaman pa ko.

Halatang parehas sila gulat pagkapasok ko.

"Ka-kanina ka pa dyan, Chloe?" think think ano ba isasagot ko?

"Ay hindi po. Kakarating ko lang po. Tatanong ko lang po kung saan yung room ko" parang nag-iba yung kulay ng mata nya from violet to yellow

"Ahh dyan lang sa tabi, yung color pink yung door" Ay ang saya pink daw~ 

"Ahh sige po" pumunta na ko sa room ko. Ang ganda! Pagkapasok may maliit na couch na color white, tapos may tv na black and white, tapos walang kitchen? Eh? Pero may parang food storage, buti na lang di ako nagugutom, nauuhaw lang na ewan! Pinasok ko yung isang room! Yaaaah~ Ang laki ng bed ko, pero walang mga ilaw, puro candles lang, teka! Ngayon ko lang napansin, wala palang ilaw sa buong school na 'to? Paano ko nakakakita ng malinaw? 

Geoff's POV

"Tita, kailangan na nya malaman kung ano sya" kailangan malaman ni Chloe kung ano sya at ano kami.

"Sige ikaw na bahala. Pero remember this, she's the most powerful, no one knows how powerful she is. Kaya habang hindi pa nya nadidoscover powers nya. Bantayan mo na sya" Tita

"Yea tita. Sige po una na po ako sa room nya" pumunta na ko sa room nya

"Chloe, we need to talk"

"Hala! Bakit? May multo ba dito? Uwaaa ayoko na~!" tapos inakap nya pa ko. Naging brown ang mata nya, pinalayo ko naman siya saakin, don't go near strangers daw, pfft.

"Duwag! Walang multo dito. May sasabihin lang ako tungkol sa totoong ikaw" alam ko naguluhan sya sa totoong ikaw. Kahit ako naguluhan nung una eh.

" A-ahh. Si-sige pasok ka" pumasok na ko sa loob ng room nya

My Life as A VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon