*CHAPTER 1*
+Xierra Gail P.O.V.+
Siguro lahat nang koreanovela na dvd ko napanuod ko na, grabe batong bato na ko sa bahay as in parang nakakapranoid, namimiss kong mag-gimik, mag-trabaho at ang pumila sa national bookstore para magkaroon ng mga wattpad books.
Ewan ko ba 26 na ko pero kung pagbawalan ako ng magaling kong asawa ehh parang batang mawawala ako.
Ayaw nya kasi akong pagtrabahuhin sya daw angmagtatrabaho ako ang mag-aasikaso sa bahy, pero di kaya g powers ko ang tambay sa bahay, Ako at si Nanay Lolit lang ang nasa bahay namin ni Klark si Papa kasi busy sa resto nya kasama si Tita Marlen.
"Nanay Lolit lalabas po ako?"
"Saan ka pupunta at tsaka alam ba ng asawa mo?"
Lumabas pa sya ng kusina kasi nililigpitan nya yung pinagkainan namin ng meryenda.
"Hindi po.."
"Jusko kang bata ka, baka mag-away kayo.."
"Hep-hep Nanay nabobored na po ako sa bahay tsaka baka bukas makalawa sa metal nyo na ko dalhin, jan lang naman ako sa park tatambay uuwi din ako pag malapit na umuwi si Klark."
"Sige na nga bahala ka na.."
Nagbless muna ko sa kanya, kinuha ko yung cellphone at jacket ko.
Ready na uma-aura sa Park.
Alam ko may pagka-o.a sila sa paghihigpit saken hindi kasi sila ganito saken simula ng pumunta samen si Lerry.
=Flashback=
"Hija may bisita ka, si Lerry gusto ka daw dalawin!!" sigaw ni Nanay mula sa labas ng kwarto ko.
"Sige po papasukin nyo na lang!!" dahi likas din akong tamad sumigaw din ako.
Maya-maya narinig ko na din yung pag bukas ng pinto.
"Oh anong balita? Upo ka.." lumapit naman saken si Lerry at umupo sa gilid ng kama ko.
"Wala nangangamusta lang?"
"Kows bakit sinasaktan ka ba ni Kyle o si Tita Genny?"
"Actually pinapahirapan ako ni Tita Genny kasi sabi nya di daw ako nararapat sa anak nya, alam kong ayaw nya saken. Pero nagtitiis ako para kay Kyle mahal ko kasi sya.."
"Di ka ba nagsasabi kay Kyle magsumbong ka?"
"Alam mo naman na nasa Medical Mission sya di ba?"
Ayy tungek ka talaga Xierra. Alam ko mabait naman si Tita Genny kay Lerry lang sya ganun.
"Ayy oo nga pala ano? Tsk."
"Xierra ano kasi.." shepaused kaya napatigil din ako sa pagsubo ko ng Piatos.
"Ano?" nakakaasaw kasi ehh may bitin factor pa, kung di lang sya maganda ehh hahaha.
"..ahm buntis yata ako." mahina yung pagkakasabi nya pero sapat lang para marinig ko..
Ahh buntis pala.
Pero wait ANO????????????????????
"Ano?!Bu-bu-bun-tis ka?"
"Shhhsss.." sabay taklob pa ng bibig ko. "..huwag kang maingay kayo ko nga sinabi sayo ehh kasi alam ko di mo sasabihin sa iba."
"Alam ba ni Kyle?" umiling lang sya tapos tumungo pero nakikita ko yung luha sa mga mata nya.
Anak naman ng toge talaga ohh!!!
Niyakap ko sya, ganun naman talaga ehh kapag naiyak ang kaibigan mo yakapin mo dapat. Yung lang kasi yung way para gumaan yung feelings nila.
"..ayun nga ang problema ko Xierra di ko alam ang sasabihin ko.Tsaka nahihiya ako."
"Anong hindi mo alam?Ginawa nyo yan ehh, ginusto nyo kaya dapat alam nyo ang ibubunga.Tsaka bakit ka naman mahihiya? Madali lang yan ganito.." tumayo ako at nag cross arms.. "BUNTIS AKO!!" sigaw ko ng mejo malakas.
"Ano ka ba Xierra.." sabay hila ulit saken paupo sa kama ko. "..hindi naman kasi ganun kadali yun hindi pa kami kasal tapos buntis agad ako. Nauna pa ko sayo."
Hinawakan ko ang kamay nya, pansin ko puro galos siguro pinahihirapan talaga sya..
"Lerry hindi naman sa kasal nasusukat ang pagmamahal, tsaka ano bang pake mo sa sabihin ng iba, They only know your namen, but not the story of your whole life, So huwag kang magpapaapekto sa sasabihin ng iba.."
Niyakap ko ulit sya kasi napatak na naman yung luha nya.
"Tsaka huwag mong intindihin ang sasabihin ng iba.Bakit sila ba ang nagdadala sayo ng kaligayahan?di ba hindi? So hanggat maaga sabihin mo kay Kyle for sure di naman nya itatanggi yun.. Subukan nya lang nakow ako ang una nyang makakalaban."
"Salamat Xierra.."
"Ano ka ba? Kaibigan kita ehh, kaya kahit sino pang pontio pilato ang umapi sayo, Magkakape ng maaga sa bahay nila. Ok ba yan?"
=End of Flashback=
??Im all yours Kharrian??
BINABASA MO ANG
HOY ASAWA KO SYA!!! (HBKS!! book 2) on-going
Teen Fiction"Eto ang book 2 ng storya nina KLARK JUSTIN at XIERA GAIL.. kung sa book 1 pinatawa, pinakilig, pinaluha at pinakembot kayo ng bongga. Ngayon tunghayan natin ang susunod na kabanata na parang rollercoaster na buhay nila.."